Chapter 2

2 0 0
                                    

Chapter 2: The Transferee.

Rachelle

Recess ngayon at naglalakad ako papuntang cafeteria nang public school na pinapasukan ko.

Napadaan ako dun sa Gate nang school namin at may napansin akong kotse na kulay itim.

Lumabas mula don sa kotse ang isang babaeng naka shades, at naka soot ng school uniform ng school whick is palda at blouse syempre! inikot nya ang mata nya sa paligid at hinubad ang soot nya na shades.

I think she's a tranferee, pero gosh ang arte ah! May pa kotse kotse pa! Tas may shades pa! Tsk!

Pero nanlaki ang mata ko nang makilala sya.

Syempre! Sino ba naman ang hindi makakakilala sa kanya?! She's the Princes and the only heir of the Ovilla Company! The Biggest and Most Famous Company when it comes to Hospitals and Restaurants! Jashelle Ovilla And syempre! Kilala ko sya! Dahil best friend ko sya!

Parang tangang tumakbo ako papunta sa kanya at yinakap sya nang mahigpit. Yung dun sa point na di na sya makahinga? Oo ganon!

“R-rachelle” tawag nya sa pangalan ko kaya binitawan ko na sya.

Tumingin ako sa kanya nang may malawak na ngiti, gosh! Naaalala nya pa ako?! Simula nung summer di na sya umaatend sa mga meet ups namin eh! Naisip ko tuloy na may iba na syang mga kaibigan.

“naaalala mo pa ako?” tanong ko sa kanya nang nakangiti parin.

“Makakalimutan ko ba yung hyper kong bestfriend? Syempre hindi!” sabi nya matapos habulin yung hininga nya.

Kinuha muna nya yung bag nya at yung paper bag na di ko alam kung ako yung laman at pinaalis nya na yung driver nya pero may binilin muna sya rito bago umalis.

Naglakad kami papuntang Cafeteria. O-order sana ako nang pagkain pero pinigilan nya ako mula doon sa Paperbag nya ay naglabas sya nang naka Tupperware na kanin at Omelet, yumm!!! Ang tagal ko nang di nakakakain neto! Kinain namin yung dala nya pero syempre! Best friend nya ako! Kailangan alam ko lahat nang kaganapan sa Buhay nya! Kaya ayun napilit ko syang mag kwento.

=40 minutes later=

Ahhh!!! So namatay pala yung mommy nya kaya di muna sya nagpakita sa mga meet ups namin! Tas pupunta yung daddy nya sa Australia kaya sya nag transfer dito! At malapit din kasi yung bahay kung saan lumaki yung mommy nya dito! *tango* *tango*

Pero wait, transferee sya pero recess na sya pumasok? Ewan naku!

Pang umaga kasi kami dito sa school kasi nga public lang diba? Kaya ayun! 5:30 am to 11:30 am ang pasok namin at yung pang hapon naman ay 12:00 pm to 6:00 pm.

Pumunta kami sa roon namin at naabutan namin doon yung teacher na nagtuturo.

O-oh! Late!!! Wahhh nakalimutan ko yung oras! Wahhh sorry na po teacher!

“Mind telling why are you in class miss Tan? And bakit ngayon ka lang pumasok miss Ovilla?” tanong nung matandang masungit na teacher namin sa English.

“May pinaasikaso si dad sakin kaya ako late, at may inexplain naman ako kay Miss Tan na pinapasabi ni dad sa kanya kaya ako late.” sabi ni Jashelle at wala namang nagawa yung teacher namin sa English kung hindi tumango. Tsk! Takot lang nya sa isang Jake Ovilla! Yung daddy ni Jashelle.

“By the way class! May new classmate kayo! Dito sya mag aaral for unknown reason! Maybe bumagsak na yung company nila kaya di na sya mapapag aral nung daddy nya sa private!” sabi nung teacher namin sa english at nagtawanan naman yung mga kaklase ko. Tsk! Ganyan yan eh! Di nya kasi matanggap na talo sya!

Di nya na pinakilala sa buong klase si Jashelle dahil gaya nga nang sinabi ko kanina, Kilala sya sa buong pilipinas dahil sa company nila.

##

Natapos ang klase namin sa english at nakaupo lang kami ni Jashelle sa likod, tahimik, at hinihintay yung teacher sa next subject  habang nagkakagulo sila-- yung mga classmates ko.

“Well! Tingnan mo nga naman oh! Yung mayaman na si Jashelle Ovilla ay Nagaaral ngayon sa public school kasi bumagsak na yung company nila! Tas namatay pa yung mommy nya! Hahahahaha!” Glizzle-- our war freak classmate said.

“Tas tignan mo pa! Yung mukang perang si Rachelle Tan! Nakadikit agad sa kanya kala naman may makukuhang pera hahahahaha!” Trixy--- the Right hand of Glizzle said.

Nagulat nalang ako nung biglang tumayo si Jashelle.

“Pupunta si dad sa Australia dahil---” magsasalita sana si Jashelle pero sumabat agad si Glizzle.

“Para mangutang hahahahha!” sumbat ni Glizzle

“FINE KUNG YAN ANG INIISIP NYONG DAHILAN KUNG BAKIT AKO NANDITO SIGE! HAHAYAAN KO NA KAYO! PERO YUNG PARA SUMBATAN NYO PA YUNG NANAY KO! F*CK! SORRY AHH? NAWALA SA ISIP KO NA NASA PUBLIC SCHOOL NGA PALA AKO! AKALA KO DI TOTOO YUNG SINASABI NANG MGA KAKLASE KO NA ANG PANGIT NANG MGA UGALI NANG LAHAT NANG ESTUDYANTE SA PUBLIC SCHOOL PERO DI NGA TOTOO! KASI MAY MGA TAO LANG TALAGANG NAGMAMATAAS KAHIT MABABA SILA! DI KAGAYA NI RACHELLE NA TANGGAP YUNG KALAGAYAN NYA SA BUHAY! HINDI SYA NAGMAMATAAS! DI KAGAYA NYO NA WALANG GINAWA KUNG HINDI MAGLAGAY NANG MAKE UP TAS MAG MATAAS KAHIT MGA WALA NAMANG BINATBAT!” nagulat ang lahat sa pagsigaw ni Jashell na rinig mula sa dalawang kwarto na napapagitan ang kwarto namin.

Pagkatapos nyang mag salita ay binalibag nya yung arm chair dahilan para matamaan at masira yung isang wall fan sa kwarto namin, buti nalang ay maagap ang mga kaklase ko at naiwasan yung upuan na binato nya.

“Whats the problem miss Ovilla?” tanong nung teacher namin sa Filipino, na talagang naka assign pagtapos nang english subject.

“May sinabi po kasi sila about dun sa PERSONAL KONG BUHAY na hindi naman totoo, alam nyo naman po siguro kung gaano kami nasaktan ni dad nung namatay si mom tas bigla nalang syang mag susumbat nang kung ano tungkol sa pamilya namin.” paliwanag nya.

“Go at the guidance office Miss Williams, Miss Han and miss Ovilla.” sabi nung tracher namin sa filipino.

Inutusan nya rin yung mga boys na kaklase ko na linisin yung nasirang electric fan.

##

Natapos ang klase namin at naglalakad ako pauwi nang maliit naming bahay.

“Hoy Rachelle! Anong nilalakad mo dyan?!” salubong ni tatay sakin.

Hayss lasing na naman sya!

“Ano tinitingin mo dyan?! Asan na yung mga kita mo mula sa pagtitinda mo?!” tanong nya sakin.

Hayss pano ako kikita nang pera? Ehh kinuha nya nga pati yung pang puhunan ko ehh!

“Tay binigay ko po sayo kahapon yung mga kita ko ahh? Lagpas 1000 po yon! Pati po yung pinang puhunan ko binigay ko na sa inyo!” Depensa ko.

“Ano bayan Rachelle! Gutom na gutom na kami ehh! Aral-aral pa kasi wala namang mapapala yan! Di ka naman mapapakain nang pagaaral mo ehh!” sumbat ni ate Sheela.

“Oo nga! Diba Rachelle magkasama kayo nung Jashelle Ovilla kanina? Baka naman may inabot sya sayong pera?! Tago-tago kapa ehh!” sumbat ni ate sydney.

Hayss lagi nalang silang ganyan! Di sila marunong mag trabaho! Ganyan naman sila mula nung umalis si nanay para sumama dun sa lalaki nya! Si tatay laging inom nang inom nang alak sila naman sakin nalang nakaasa! May maliit pa kaming kapatid! Yung bunso samin! Si Riza! Binili sya samin nung mag asawang mayayaman pagtapos umalis ni nanay! Binili sya sa halagang 50k! Pero pinang bili lahat yon ni tatay nang alak! Di naman marunong magtrabaho si tatay at yung mga kapatid ko ehh! Kaya nga kami iniwan ni nanay!

Nagulat nalang ako nung ibinato sakin nila ate yung mga gamit ko na nakasupot.

“Oh! Ayan! Kumayas ka! wala ka namang kwenta eh!” sabi nila Ate.

Pero bago ako tuluyang makaalis bahay ay humabol nang suntok si tatay dahilan para mag suka ako nang dugo.

At dahil di ko alam ang gagawin ko ay naglakad nalang ako palayo sa tirahan namin at tuluyan nang kumawala ang mga luha na kanina ko pa pinipigilan.

××××××

Highschool: Zombie ApocalypseWhere stories live. Discover now