Chapter 3: Her good side.
Glizzle
Umirap nalang ako nang makita ko si Jashelle na naglalakad.
So ano ngayon? Akala ko ba hindi totoong naging mahirap sya?
Lumakad ako papunta sa Kotse ko, 20 blocks Away kasi ang bahay namin sa school.
At kung ang daan papunta sa bahag ni Jashelle ay Sa right ako naman ay sa left kaya sana di na mag krus ang landas namin duhh!
Pagkasakay ko palang sa kotse ay binuksan na agad nung driver yung engine at nagsimulang mag drive *Smirk* alam nya kasi na ayaw ko nang babagal bagal. And since grade 8 palang ako ay kailangan ko pa nang driver.
“Stop the car!” sabi ko bigla nang may makita akong pamilyar na mukha, and hindi nga ako nagkakamali! Si Rachelle Tan yun! Yung pinaka mahirap na babae sa klase! Nandon sya sa may pinto nung maliit at tagpi-tagping bahay at parang may kaaway sya.
Binuksan ko konti yung bintana nang kotse para marinig ko kung ano yung pinag uusapan nila.
“Oo nga! Diba Rachelle magkasama kayo nung Jashelle Ovilla kanina? Baka naman may inabot sya sayong pera?! Tago-tago kapa ehh!” sabi nung isang babaeng ubod nang pangit kay Rachelle
Nagulat nalang ako nung binato sya nung isang babae nang supot na may lamang mga damit
“Oh! Ayan! Kumayas ka! wala ka namang kwenta eh!” sabi nung isa pang babae na nagbato nung supot.
Pero bago tuluyang makaalis si Rachelle ay hinabulan pa sya nung lalaking parang lasing nang suntok dahilan para sumuka sya nang dugo!
Naglakad si Rachelle palayo at pinasundan ko naman sya dun sa driver ko.
Maya-maya ay bigla nalang syang umiyak at umupo sa mainit na sahig ng kanto.
Gosh! So wala syang maibigay na pera nung Tinanong nang ate nya kung may bingay bang pera sa kanya si Jashelle? So meaning na di talaga pera ang habol nya kay Jashelle?
Shett!!! Naaawa ako sa kanya!
Bigla akong bumaba sa kotse at inabot sa kanya yung panyo ko.
Para naman syang nagulat,, ayy hindi pala nagulat talaga sya! Syempre! Sino ba namang magaakala na yung bumangga sayo kani-kana lang ay biglang lalapit sayo dahil umiiyak ka at aabutan ka nang panyo?
“Hoy! Henry! Kuhanin mo tong mga gamit nya at ilagay sa Compartment nang kotse!” utos ko kay Henry-- yung driver ko at agad naman nyang sinunod.
Binuksan ko yung kotse at tinuro yung upuan.
“Pumasok ka.” utos ko kay Rachelle.
“Glizzle a-ano kasi ehh--” she was about to complain pero gaya nang lagi kong ginagawa para manalo ako,,, sumabat agad ako.
“Aarte pa? Bilis! Ang init ehh!” sabat ko, well totoo namang mainit ehh! 11:45 am na ata eh!
Wala naman syang nagawa kung hindi pumasok sa kotse.
##
Pagpasok namin sa bahay ay Hinatak ko agad sya papunta sa Dinning room namin.
“My god Glizzle! Kanina pa kita hinihintay!” salubong sakin ni Trixy pagpasok namin ni Rachelle sa dining area pero natigilan sya nung mapansin si Rachelle.
Thank God hindi ko na kailangang pumunta sa office para papayagin si dad sa plano ko kasi nandito ang buo naming pamilya.
“Kuya Gabriell call our private doctor and tell him to come here asap!” utos ko kay kuya Gabriell.
Nung dumating yung Private doctor namin ay pina checkup ko sa kanya si Rachelle.
Pagka alis na pagkaalis nila Rachelle ay humarap ako kay dad.
“I want you to adopt her” sabi ko sa kanya.
“Glizzle-Princess anong nangyayari sayo? Cant you see? Muka syang pulubi---” and again sumabat agad ako kay dad.
“She's being abuse by her Drug Addict Father For Pete's Sake! Sakita ko pa ngang sununtok sya nung tatay nya kasi wala syang naiuwing pera ehh! She don't deserve to be abuse! Dad! Please! Kahit na wag na kayong magpa party sa birthday ko! Kahit doon sya matulog sa kwarto ko! Basta adopt her!” galit na sabi ko. God! Hindi ba sila naawa kay Rachelle?
“Fine.” simpleng sagot ni dad na nagpangiti sakin.
And buti nalang napa pagyag ko si dad!
##
Kinabukasan ay sabay kaming pumasok ni Rachelle.
Pagpasok namin sa room napatigil yung mga kaklase ko sa kung ano mang ginagawa nila at napatingin samin.
“Simula ngayon ayoko na nang ginagalaw nyo si Rachelle maliwanag?” mayabang na tanong ko sa kanila at napatango nalang sila. Tsk! Takot lang nila sakin!
Ngumiti lang si Rachelle nang bahagya at punta na sa upuan nya which is sa tabi ni Jashelle.
I rolled my eyes nung nagtama ang paningin namin ni Jashelle, bwisit talaga yung babaeng yun! Panira nang araw!
Umupo ako sa upuan ko at nag cellphone nalang.
Oh my god! Kyaaaa!!! Di ko matanggap yung Ending nung Kimi No Nawa! Huhuhu!!! Wahhhh!!!!
I was in the middle of my emote when suddenly----
“zzle? Ok ka lang? Kung maka emote ka parang dinis-band na yung Got7 eh! Anyare ba?” sabi ni trixy, tsk! Panira nang moment ah!
And yes, im a fan of kpop boy band Got7 and Exo and kpop girl band Gfriend and twice! Im also an Otaku! And my favorite Anime movies is 'Kimi No Nawa' and 'The girl Who leapt through time' and when it comes to series naman is 'Detective Conan' , 'Fairytail' , 'Erased' , 'Atack on Titan' and syempre! 'Sword art Online' !
“Kimi No Nawa? Nice taste” bigalang sabi ni Zander na nasa tabi ko.
Tsk! Pakielam nya kung Kimi No Nawa itong pinapanood ko? Tsk!
××××
YOU ARE READING
Highschool: Zombie Apocalypse
Mystery / ThrillerHindi namin alam kung paano o saan nag simula, pero nagulat nalang kami nung bigla silang sumulpot saa buhay namin, Natuto kaming lumaban, Mag desisyon para sa sarili namin, at pumatay nang mga patay.