Prologue

6 0 0
                                    

Kiera Stormie

Bumangon sya pagkatapos ng 5 snooze sa kanyang alarm. Oo 5 snoozes bago ako bumangon. Ang hirap kaya bumangon. Puyat at pagod palagi sa trabaho. Ang hirap ng adulting life. Bukod sa hirap na dinadanas sa trabaho. Papasok ka pa lang para ka ng lantang gulay sa hirap ng byahe.

Pagkabangon at hilamos deretso agad sa lamesa para kumain. Habang kumakain di ko maiwasan mapapikit. Grabe! Super antok pa ko. Ang sarap umabsent. Kaso di pwede. Bawas sahod yun. Cannot be din malate kasi nga bawas sahod na. Patay pa kay boss. Kaso ang kupad ko lang talaga. Dalawang oras sa pagkain, ligo at ayos. Tapos another 3hrs na byahe. Uwian mula bulacan to bgc ang peg ko. Kaya ayun lagi nagmamadali.

Pagdating na pagdating ko sa trabaho nagmamadali ako iset up lahat ng accounts ko. Kapag di pa ko nakalog-in sa oras, considered late na agad. Isang minuto lang na di malog-in late na agad. Nasan ang hustistya. Bawas agad sa sahod dagdag points pa sa occurence. Hays! Buhay callcenter nga naman.

Minsan naiisip ko umalis na. Gusto ko na ng normal life. Gusto ko na makaranas ng christmas at new year sa bahay. Gusto ko na ng holiday katulad ng iba. Gusto ko magkasocial life kasama ang friends ko. Paano? Tulog ako sa umaga sila nagwowork. Sa gabi gising at nagwowork. Sila nagkikita kita kahit saglit after work. Ako ayun minumura mura ng mga kausap na foreigners. Saka gustuhin ko man ang hirap. May mga bayarin din ako iniisip. Kaya nga ko nag uuwian kahit pagod kasi mas tipid. Ang mahal kaya magrent tapos mga kasama mo sa bahay mga ewan. Wag na lang. Saka mamimiss ko ang baby ko saka ang mama ko.

Buti na lang mababait karamihan sa kateam ko at mas madalas kami magkakasundo. Minsan may mga nag aaway away. Ayun parinigan dito at doon. Muntanga lang sila. Hahahaha. Pero syempre di mawawala samin ang green jokes. Pampabuhay ng dugo. Lol. Mga dilat na dilat kapag ganun na. Tapos may mga loveteams. Na imbes kiligin ka, matatawa na parang nasusuka ka. Hahahaha. Magloveteam ba naman ng bakla at isang may sayad sa kateam na ligawin (madalas maligaw 😂). Edi ang saya. Tanggal antok.

Ganun lang kami sa araw araw. Mahirap at nakakadrain man. Kahit paano nakukuha pa rin magkulitan. Isa pa. I really love singing. Kaya gusto ko lagi katabi si Ed at Thina. Sila ang duet buddies ko. At least kahit paano nakakakanta ko ng di ako nahihiya at pinagtitinginan.

Ganun lang naman routine ko sa araw araw. Pero bigla nun lunch namin. Si Ed may kinukwento.

"May bago singing contest. Voice Power title ng show. Tara audtiom tayo Kiera. " Sabi ni Ed.

"Ikaw na lang baks. Hiya ako eh. Hahaha" Sabi ko naman.

"Wag ka mapagpanggap baks. Wala ka nun." Sabi pa nya at natatawa. Grabe sya sakin.

Tawa naman ako. Pero sa loob-loob nahihiya kasi talaga  ako.

"Go babe. Sali ka na. Ganda ng boses mo kaya." Si Thina. Inieencourage ako. Ang ever supportive friend ko.

"Kaya nga. Kung ako nabiyayaan ganyan boses. Sasali na ko. Wag ka mahiya baks. Bukod sa maganda boses mo, maganda rin ang iyong kalooban. Kayang kaya mo yab" Si Jeromie na tumatawa pa. Ang bakla na kaloveteam ni Ligawin as in madali maligaw.

"HOY! Maganda ako, in and out. Baka sampal sampalin kita dyan bakla ka." Inirapan ko pa sya. "Pag-iisipan ko. Nahihiya kasi ako."

"Baks dalawa naman tayo mag aaudition e." Hirit pa ni Ed. "Sabihan kita kung kailan ah. Wag na tumanggi. Sasabunutan kita.

Tinakot pa ko. Kaya ayun napanguso na lang ako.

Journeys Of LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon