Kabanata 1 - Mi familia

21 4 0
                                    

Alexia Khythe V. Messinia POV


"Princess, bihis at ayos ka na ba? Hinihintay ka na nila sa baba." Tawag ng kuya ko sakin sa labas ng aking kwarto.

"Saglit lang po kuya, lalabas na." Sigaw ko na sapat lamang para marinig niya.

"Sige, princess ha. Bilisan mo na." Muling paalala niya saakin.

"Opo, kuya." Sagot ko sa kanya.

Pagkaraan ng ilang minuto ay narinig ko na ang mga yabag ni kuya na papalayo sa aking kwarto.

Sobrang saya ko ngayong araw. Alam niyo kung bakit? Bukod sa ika-labing walong kaarawan ko ngayon ay napakaswerte ko dahil meron akong kompleto at masayang pamilya.

"Yes, its my 18 birthday today at isa na akong ganap na dalaga." ani ko sa sarili ko.

Bago ako lumabas sa aking kwarto ay pinagmasdan ko muna aking sarili na ngayon ay nakasuot ng isang magarang damit, na parang isang tunay na prinsesa at ang aking buhok na bagamat magulo ay elegante pa rin tingnan. Sa harap ng aking napakalaking salamin ay hindi ko maiwasang purihin ang aking sarili at maya't maya pa ako'y nagpakawala ng isang napakamatamis na ngiti at nagdesisyon ng lumabas mula sa aking kwarto.

Pababa pa lamang ako sa hagdan ay kita ko na ang mga mumunting ngiti ng aking mga bisita at lalong lalo na ang aking pamilya na halos mapunit na ang kanilang mga labi sa sobrang kagalakan na kanilang nararamdaman at ang mga bisita na sa wari ko'y inaabangan ang aking pagbaba mula sa ikalawang palapag ng aming tahanan. Bago ko pa maabot ang huling baitang ng hagdan ay lumapit na ang aking kuya at ngiting ngiti na sinalubong at inalalayan ako pababa sa grand staircase ng aming bahay.

Papalapit pa lamang ako sa kanila ay sinalubong na agad ako ng aking ama na halos mangiyak iyak na at niyakap ako ng sobrang higpit.

"Da-daddy, di po ako makahinga." biro ko sa kanya at bigla naman itong kumalas sa pagkakayakap sakin.

"Pasensya na, baby. Nacarried away lang. Haha!" Ngumiti ito at nag peace sign saakin.

Napangiti naman ako at muling yinakap ang aking daddy. Ang cool niya diba? Kaya love na love ko 'yan eh.

Maya maya pa ay tinapik naman ako ni mommy na waring nagtatampo.

"Baby, pano naman ang mommy? Wala ba akong kiss at hug?" Kunyareng naiiyak na wika neto.

"Wala!" Asar naman ng daddy ko sa mommy ko.

"Ano wala? Gusto mong makatikim neto?" Sabay pakita ng mommy ko sa kamao niya.

"Joke lang hon. Di ka na mabiro. Takot ko lang sayo." Sagot naman ng daddy ko at niyakap ang aking ina.

Natawa naman kami ng aking mga kapatid sa aming mga magulang at may mangilan ilan rin ako narinig mula sa aming mga bisita. Lingid kasi sa kaalaman ninyo ay ang aking ina ay black belter sa larangan ng taekwando kaya ganon na lang takot ng daddy ko.

Kumalas na ang aking mga magulang sa pagkakayakap nila at pagkatapos ay niyapos naman ako ng aking ina.

"Baby, dalaga ka. Tapos magkakaboyfriend ka na, sunod mag aasawa ka na tapos magkakaanak tapos iiwan mo na kami tapos..." Walang preno niyang sabi saakin. Di pa man ito tapos magdrama ay bumanat naman ang isa sa kambal kong kapatid.

The Phantasmic Tale (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon