xxxx
Authors' POV
Habang abala ang lahat sa kani-kanilang ginagawa ay may naramdaman si Alexia kakaiba na parang may mga matang nakatitig sa kanya. Ipinagsawalang bahala niya na lamang iyon dahil marahil ay isa lamang ito sa kanilang mga bisita.
Maya maya pa ay lumapit sa kanya ang kanyang mga kaibigan.
"Baklaaa! Happy birthdaaaay" Tawag at bati ng mga kaibigan ng dalaga sa kanya.
Ngiting ngiti naman itong lumapit sa mga ito at nakipag yakapan sa mga ito.
"Waah! Buti na lang pumunta kayo. Thank you!" Mangiyak iyak na sambit ng dalaga sa mga ito.
"Aba! Syempre naman. Malakas ka samin eh." Sambit naman ni Franco na matagal nang may lihim na pagtingin sa dalaga.
"Oo nga besh. Ikaw pa ba? Pero infairness ha. Mukha kang tao today." Asar naman ni Monique sa dalaga. At sabay sabay na nagtawanan ang mga ito.
"Haha! Kayo talaga. Mga baliw!" Sagot ko naman sa pang aasar ng mga ito.
"Baks, ang yummy ng kuya at mga pinsan mo. Sheeet!" Sambit naman ni Paul na halos tutulo na ang laway sa pagkakatitig sa kuya ko.
"Uy! Baklaaa. Ano ka ba? Nakakahiya ka." Mabilis naman itong kinonyatan ni Monique si Paul at muli ay nagtawanan nanaman ang mga ito.
"Aray! Wag ka nga bakla. Echosera ka talaga. If I know crush mo kuya ni Alex eh." Asar naman neto pabalik kay Monique.
"Enebe bekle! Neheheye ne teley eke." Pabebe netong sagot.
At muli ay nagtawanan ang mga ito.
"Kaloka talaga kayo. HAHA! Ayoko na ang sakit na ng tiyan ko kakatawa." Ani naman ng dalaga sa mga ito.
"Tama na nga yan. Haha!" Natatawa namang awat ni Franco kina Paul at Monique.
"Asan pala ang iba nating kaklase?" Tanong ng dalaga sa mga ito.
"Ahh! Ayun sila o." Sabay turo sa mga ito sa mga kaklase nila.
Lumapit naman si Alex sa mga ito habang nakasunod din ang tatlo niya pang mga kaibigan.
"Hi guys! Thanks for coming." Sambit ng dalaga pagkalapit sa lamesa ng mga ito.
"Happy birthday, Alex!" Bati ng mga ito sa kanya.
"Naks! Ganda natin ah."
"Oo nga, ibang iba sa itsura mo sa school."
"Miss, can I get your number? Haha!"
"Alex, how to be you po?
"Teh, pembarya."
Ilan lamang ito sa mga papuri niyang natanggap sa mga ito.
"Haha! Kayo talaga guys. Thank you ha. Thank you sa pagpunta at sa mga regalo." Teary-eyed na sambit nito sa mga ito.
"Syempre naman. Ikaw pa ba? Kahit mukha kang pinaglipasan ng panahon at manang sa school ay love na love ka namin."
"Oo nga. Para san pa at halos magaanim na taon na tayong magkakaklase."
BINABASA MO ANG
The Phantasmic Tale (On-going)
Teen FictionThis is a story of a girl seeking for happines after all the trials and obstacle she's been through will she survive those shits? --- Date Started: Feb 26, 2018 Date Finished: