Dahil sa kagustuhan kung maging isang investigator ay nag-enroll ako sa Crime University(University na para sa mga kabataang gustong maging investigator/detective)na bukas para sa lahat.
Maaga akong gumising dahil unang araw ko ito sa Crime University,ako'y excited na at kinakabahan nang unti hahahah.Ako'y nagmadali nang maligo't magbihis upang makakain at makaalis na nang bahay.
*sa tapat nag Crime University*
Wow!Napakaganda nang university na ito,mabuti pa pumasok na ako sa loob,teka nga muna anong oras na ba?Tumingin ako sa napakalaking wall clock nang C.U,Hala?!6:45 na at di ko pa alam kung saan banda mahahanap ang room ko,kumaripas na ako nang takbo hanggang sa makarating ako sa tapat nang aking room,naghanap na ako nang bakanteng upuan,buti na lang at wala pa ang magiging guro namin *sigh*.
Pinagmasdan ko ang buong room ko maraming mga estudyanteng nagdadaldalan,yung iba may mga sariling mundo.Bigla na lang silang nagsitayuan nang may pumasok na lalaki sa room namin,tumayo na rin ako.
"Goodmorning Sir Zai!"bati nila.
"Goodmorning too students,you may now take your seat and get your Crime Files"sabi ni Sir.
Kinuha ko na ang aking Crime File at ballpen.
"By the way,before you'll open your file,let the new transferees introduce themselves infront" sabi ni Sir samin.
May lalaking tumayo at pumunta sa harapan,lahat nang mga estudyante ay nakatitig sa kanya.
"Hello,My name is Nash Zeik,I'm 15 years old,nice to meet you all"sarcastic niyang sabi.
"Okay Nash,nice you meet you too and please go back to you seat,Next!"sabi ni Sir.
Hala?!Ako na pala ang susunod,okay Xhella calm down,inhale exhale,tumayo na ako at pumunta sa harap.
"Hi,My name is Xhella Mein,I'm 15 years old too,nice to meet you all."masaya kung sabi.
"Okay class,listen,yang mga file na nasa inyo ay naglalaman nang isang crime kung saan kailangan niyong isolve in just three weeks,bago kayo magumpisa maari kayong pumunta sa canteen at kumain muna,kung may kailangan kayong itanong sa akin makikita niyo ako sa faculty,wag kayong mag-alala madali lang yang case na ibinigay sa inyo,you may now go"sabi samin ni Sir.
Habang naglalakad ako papuntang canteen ay binuksan ko na ang file na hawak ko.
Name:Kier Villa
Age:14 y/o
Cause of death:
Crime scene:Central park
Description:May nakasulat na note sa pinaka-baba nang file ko.
"NOTE:Kailangan mung alamin ang kayang pagkamatay,at ang dahilan kung bakit siya pinatay o nagpakamatay,you must also know the killer"
Habang binabasa ko ito ay may babaeng tumatakbo na nakasagi sa akin na naging dahilan nang pagkatumba ko.Pero bago ako tumumba ay ma sumalo sa akin.
"Ayos ka lang ba?"tinig ito nang isang babae.
"Ahh oo,salamat"tumayo na ako at inabot ang aking kamay.
"Ako nga pala si Rose,ikaw si Zhella yung bagong transferee tama ba?tanong niya.
"Ahh oo,ako nga yun"sagot ko sa kanya.
Napakaganda ni Rose,may buhok siyang kulay itim,at mga matang kulay pula kakulay nang rosas,at kung mapapansin sa damit niya ay may nakalagay na rosas na desinyo sa bandang puso.
"Sige mauna na ako sayo ha"sabi nya habang kumakaway paalis.
Nagpasiya na lang muna akong kumain na ang sa mall.Tinignan ko ang orasan at nakita kung 1:00 pa lang,maaga pa pala.Pumunta na ako sa aking sasakyan at nagmaneho papuntang mall.
BINABASA MO ANG
The Ghost Case
Mystery / ThrillerMay mga bagay talagang mahirap ipaliwanag,mga bagay na ikaw lamang ang nakakakita,pero bakit nga ba may mga kaluluwang di na tatahimik? Si Xhella Mein ay isang matapang na babae na mayroong busilak na kalooban na naninirahan sa isang simpleng pamaya...