Kumain na ako sa mall at saglit na nag-gala,pagkatapos nang 1 hour ay pumunta na ako sa Central Park upang mag-umpisa.
*At the Central Park*
Hinanap ko kung saan banda sa central park nangyari ang krimen na ito,ayun sa picture malapit ito sa may fountain,habang ako'y papunta roon ay natatanaw ko na ang mga crime scene tape na may nakasulat na "DO NOT CROSS•CRIME SCENE"habang papalapit ako'y lalong lumalamig ang simoy nang hangin...
Hanggang sa nakarating na ako sa may fountain bakas parin ang bahid nang dugo rito,sinuot ko na ang aking gloves at kinuha ko ang mga zip bag na pwede paglagyan nang mga bagay na maaring ginamit sa krimeng ito,habang nililibot ko ang fountain ay may nakita akong baril malapit sa damuhan agad ko itong nilapitan at nilagay sa zip bag upang kinabukasan ay aking suriin,may napansin rin akong mga bala nang baril mga 4 ang aking nakita,na agad ko din nilagay sa zip bag,paalis na lang sana ako nang biglang....
"AHHHHHH!"sigaw ko nang may biglang humawak sa aking balikat.
"Hahaha,chill Xhella,ako lang to ang class presindent"sabi niya.
"Ahh okay,grabe ka naman,bakit mo ko ginulat?"sabi ko sa kanya.
"May sasabihin lang naman sana ako haha,btw ako nga pala si Shane"sabi niya sa akin habang nakangiti.
"Ahh ganun ba,ano ba yung sasabihin mo Shane?"tanong ko.
"Sabi ni Sir na hindi daw siya makakapasok bukas dahil may aasikasuhin daw siya sabi niya na sabihin ko ito sa inyo,at nga pala ituloy nyo parin yung pagsolve,Goodluck"sagot niya.
"Ahh ganun ba" sabi ko na may halong saya't lungkot.
"Sige mauna na mga pala ako,ituloy mo na yang pagiimbestiga mo ha,GOODLUCK!"sabi niya habang kumakaway at tumatakbo na palayo.
"GOODLUCK DIN!"sigaw ko sa kanya.
Nagpasya na akong umuwi at magpahinga muna.
*Kinabukasan*
Nagising ako sa kiliti nang aking Kuya Xian..
"Hahahah...kuya tama na...hahaha"sabi ko habang tumatawa.
"Haha ayoko nga,bumangon ka muna dyan"sabi niya.
"Eh...haha...ayaw ko..."sabi ko.
"Ahh ganun ha"kiniliti niya ako nang kiniliti.
"Haha okay suko na,babangon na ako"sabi ko.
"Sige mauna na ako,nga pala 5:00 pa lang haha!"humalakhak siya nang humalakhak.
BINABASA MO ANG
The Ghost Case
Mystery / ThrillerMay mga bagay talagang mahirap ipaliwanag,mga bagay na ikaw lamang ang nakakakita,pero bakit nga ba may mga kaluluwang di na tatahimik? Si Xhella Mein ay isang matapang na babae na mayroong busilak na kalooban na naninirahan sa isang simpleng pamaya...