••3••

7 2 0
                                    

Tumakbo lang si Seolhyun ng tumakbo,haggang sa hindi na siya makahinga.Ni hindi niya na rin maalala kung nasaan na siya at kung saan siya dadaan para makauwi.Basang-basa siya ng ulan at giniginaw.Hindi nagtagal ang mga sinabi ni Hanbin sa kanyang isip.
  "Ang sakit niya magsalita."
  Naupo siya sa gilid ng kalsada,kung saan 'di siya masyado mababasa ng ulan.Huminga siya nang malalim,
nang may isang dahong nalaglag sa ulo niha galing sa punong malapit sa kanya.Pinunit niya ang dahon.
Halos gusto na niyang manakit sa inis.
  "Kawawa naman yung dahon." May lalaking nag-alok ng panyo sa kanya.Hindi niya makita ang mukha dahil sa sombrero nito.
  "Salamat,Kuya Weirdo." Kinuha ni Seolhyun ang payong pero hindi niya ginamit.Nilapag niya lang sa gilid.
  "Hindi naman masamang umiyak,pero mas maganda siguro kung may karamay ka," sabi nito sa kanya,
habang tinutulungan siya makatayo.Medyo gumaan ang loob ni Seolhyun.
  "Salamat."
  "Walang anuman.halika,ihahatid na kita." Tapos ay tinanggal ng lalaki ang sombrero nito.Nanlaki ang mga mata ni Seolhyun nang makilala ito.
  "Ikaw yong...!Ikaw si...!Ikaw ay...!"
Tinawanan ni Jay si Seolhyun.
  "Ako nga yong galing sa IKON.Ako si Jay.Tara?"
  Tumango siya at sumunod na papunta sa kotse nito.
  Naisip ni Seolhyun:Isa sa kanila ang dahilan kung bakit siya lugmok sa ka-bad trip-an.Ngayon,isa rin sa kanila ang nagpapagaan ng loob niya.
  Napatingin na lang siya sa lalaking cute na may mole na hugis puso sa kanyang kaliwang pisngi,at may heart-shaped lips.Palihim niya lang itong pinapanood mag-drive.Kahit na ginaw na ginaw na si Seolhyun ay kinikilig pa rin siya sa kabutihan nito.
  Mabuti pa siya at alam ang salitang "MANNERS."
"Mukhang nilalamig ka na,ah." Saktong lumingon siya habang may kinukuha ito sa likod ng kotse at napadikit tuloy ako sa katawan nito.
  Inabot ni Jay kay Seolhyun ang isang letterman jacket.
  Manghang-mangha si Seolhyun sa itsura ng jacket.
Bago niya sinuot ito nagpasalamat siya kay Jay.
Nagtataka lang siya kung bakit pink.
  Hindi siya bakla.Hindi siya bakla.
  "Okay ka lang?"
   Nahalata yata nitong umiiling-iling si Seolhyun na parang bangag.
  "Oo!" Napatawa na lang siya.
  "Nandito na tayo," sabi ni Jay,at na-realize ni Seolhyun na 'di niya naman nasabi ang address niya kay Jay.
  "Nasaan tayo?" Tanong noya lay Jay.
  "Hindi mo kasi sinabi kung saang village ka,kaya dito ka muna sa 'min mag-dinner." Tumawa ito.
  "Mabuti na lang hindi ako kidnapper."
  Her lips formed a small curve.Sira ulo 'tong batang 'to.
  Nilibot ni Seolhyun ang paningin niya sa paligid.
Ang gaganda ng mga bahay na 'to kumpara sa bahay ko at 'di hamak na mas malaki.Saang village kaya 'to?
  "Pasok ka." He pointed at a black house.
  Napalunok si Seolhyun sa kulay nito,pero pagpasok niya...ang linis,ang liwanag,at ang ganda.Mukhang mamahalin ang lahat ng furnitures---from the velvet sofas to the antique cabinets.
  Pinuntahan niya kung saan nauna si Jay.Naabutan niya ito sa kusina wearing a white apron with black polk dots.
  "Wow,ang cute mo,Jay," sabo niya.
  "Salamat,Seolhyun.Nandoon pala 'yong mga damit na pwede mong suotin."
  Magpasalamat si Seolhyun,saka kinuha ang damit.
Dumitretso siya sa CR.Namangha si Seolhyun sa marble tiles ng CR at sa goldrimmed mirror sa wall.
Dali-dali siyang nagbihis.Pagkatapos ay napatingin siya sa salamin.Huminga siya nang malalim.
  Nakapagtataka...
  Pink na naman ang pinasuot sa kanya ni Jay,at sa sobrang laki nito,nakalabas na ang kangyang balikat.Medyo malaki din 'yong shorts.Mabuti na lang may garter.
  Bahala na nga.Lumabas siyang nagkakamot ng batok. Napatawa na lang siyang nang magpakita kay Jay.
  "Ang laki e."
  "Pasensya na.'Yan lang kasi 'yong nahalungkat ko sa taas," sabi nito nang nakangiti."Pero mukhang okay naman sayo."
  Bago makaangal si Seolhyun,tumunog ang doorbell.
Ding-dong!Tumingin siya sa pinto.Inisip niyang buksan,pero nahiya naman siya kay Jay.
  Ding-dong!
"Coming!" Si Jay na ang lumapit.
  Habang nasa pinto si Jay ay timingin-tingin na muna si Seolhyun sa mga litratong nasa sala.
May nakita siyang picture ni Jay noong bata pa ito.
Ang cute niya nong bata.
"Oy!Si si Miss Seolhyun!"
Napahinto siya sa kinatatayuan niya at nanlaki ang kanyang mga mata.Si Chanwoo 'yon,ah.
"Siya pala 'yong bisita mo,Jay?" Pati si Junhoe.
"Bakit siya nandito?"
Pinagpapawisan man siya nang malamig,dahan-dahan siyang lumingon sa likod.They were looking at her intently,na parang isang kumehong naligaw sa teritoryo ng mga tigre---lalo na't mukhang papatayin siya ni Hanbin.
  "Hello,Miss Seolhyun!" Nilapitan nila siya,
maliban kay Hanbin na pinapasabugan siya ng mga granada sa isip nito.
  "Mahilig ka pala sa hip-hop?" Sabi ni Donghyuk.
  "Hindi,tomboy yata siya!" Sabi ni Bobby.
  Nakakatakot siya ngumiti.Ang laki pa ng tenga,she thought.
"Ah!Kaya siguro ayaw niya satin!" Sabi ni Donghyuk.
  "Sayang naman ang katawan niya." Junhoe grinned.
Mukha talaga siyang manyak,she couldn't help thinking.
  "Mas maganda ka sana kung may eyeliner ka," sabi ni Donghyuk.
Ah,kaya ba naka-eyeliner ka? Sabi ni Seolhyun sa isip niya.
  "Ang payat mo,Seolhyun.Bibigyan kita Baozi
(steamed buns)para tumaba ka naman!" Sabi ni Chanwoo.'yong lalaking cute ang pisngi.
  "Bagay siguro sayo ang Gucci," dagdag ni Junhoe.
  "Ano ba yang mga sinasabi niyo? Hindi ako mahilig sa hip-hop at lalong hindi ako tomboy. Ayoko sa eyeliner at Gucci,At isa ka pang manyak ka!" Isa-isa niya silang tinuro habang nagsasalita.
  "Nanghiram lang ako ng damit dito!This is so unbelievable!" She muttered,habang papuntang kusina.

Famous Boy CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon