"Hi! I'm Oleng! Ikaw bata anong pangalan mo?"
"Andy."
"Eight years old ako nung lumipat kami sa kabilang block. Nakasakay ka pa sa bike. Hindi ako pala-kaibigan at kung di mo pa ko nilapitan baka wala akong kakilalang iba na kahit sino."
"Andy! Bilis na! We're going late! Maglilinis na naman tayo sa school ground niyan eh!"
"Kalma! Eto na nga oh!" Kinuha ko yung ID ko na nakasabit at lumabas na ng bahay dahil naiinip na si Oleng.
"Tagal mo ah? Alam mo namang naglalakad lang tayo papasok eh." Nagkamot siya sa ulo.
"Di ko sinabi na maglakad tayo ha? Pwede naman kasi sumakay. Ano pag iinarte mo at go na go ka maglakad? Tsaka uy! Alas siyete kinse palang! Alas otso pasok natin!"
Umiwas siya ng tingin "Daanan lang natin bahay ni Monique baka andun pa siya."
Gusto niya si Monique?
Di ko alam pero parang may tumusok sa dibdib ko.
Nako! Hindi pwede!
"Pumasok na yun kasi maaga yun eh. Siya nagbubukas ng gate kaya tara!" Sumenyas ako sa tricycle "Manong para! Sa may New Era Highschool lang!"
"Seryoso? Magbubukas talaga ng school?" Nakakunot ang mga noo niya. Bakit? Malay namin diba? Basta ayoko lang na daanan namin si Monique!
"Patola ka talaga!" Tinulak ko siya papasok sa tricycle "Tara na!"
"Sabay tayo palagi pumasok noong highschool, maaga pa tayo umaalis kasi maglalakad tayo para madaanan mo yung crush mong si Monique." Naiiling-iling nalang ako habang naalala na minsan hinabol din kami ng aso nung pumunta kami sa crush niya.
"Paano mo-"
"Bago tayo pumasok sa school pinapabaunan tayo ng mommy mo ng hotdog sandwich. Kasi...favorite mo yun." Napiyok ako dahil sa bikig sa lalamunan ko at umiyak na naman ako. Pero kahit ang hirap magsalita ay ipapaalala ko sa kanya ang lahat.
"Minsan, di pa tayo nakakapasok sa gate ng school ang dumi-dumi na agad natin at puro galos...lalo ka na-"
"Are you playing with me? Stop-"
"Hindi Oliver!" Tinitigan ko siya ng mariin "Kailangan ko ipaalala sayo ang lahat para malaman mo kung sino ako!"
Ilang segundong nagkaron ng katahimikan. He looks so frustrated and full of questions was plastering on his face. Halos sabunutan na niya ang kanyang sarili dahil gulong-gulo siya.
Kinalma ko ulit ang sarili ko. I let out a deep breath at nagpatuloy ako.
"After graduation, sabay tayong umuwi." Napapikit ako sa sobrang emosyon na bigla na lamang bubuhos ang luha ko anumang oras "Napagdesisyunan kong maglakas loob para sabihin sayo lahat ng saloobin ko."
"Yeah! We're already graduated from highschool!"
Pauwi kaming dalawang naglalakad habang magkaakbay.
Siguro ito na yung tamang pagkakataon para malaman niya kung ano ang nararamdaman ko para sa kanya.
Kahit di niya masusuklian yung pagmamahal na meron ako sa kanya basta umamin lang ako sa nararamdaman ko...
Bago man lang ako umalis.
Bumuntong hininga ako ng malalim. Kaya ko 'to.
"Oleng?"
"Oh Andy? Bakit?"
"G-Gusto kita..."
Parehas kaming walang imik. Nakatitig lang siya sakin habang ako umiiyak at pilit na umiiwas ng tingin. Too much pain I saw in his eyes.
"Bakit di mo sinabi na aalis ka pala Andy?"
Napaangat ako ng tingin sa kanya. His jaw clenched.
"Dahil gusto ko magpakalayo-layo sayo Oliver dahil alam kong mali yung nararamdaman ko. Alam kong hindi tama at alam kong walang patutunguhan."
At alam kong walang pag-asa.
"Pero kahit na!" Napaatras ako dahil sa lakas ng pagkakahampas niya sa lamesa "Parang binasura mo nalang ako ng ganun lang Andy! Magkaibigan tayo mula nung mga bata palang tayo! Tanggap natin ang isa't isa! Ginalang ko yung nararamdaman mo para sakin noon! Pero ang sakit kasi binaliwala mo lang lahat! Nawalan ako ng tinuturing na kapatid!"
Napasapo nalang ako sa mukha ko. Hindi ko na kinakaya yung bigat sa pakiramdam ko.
"Ang laki na ng pinagbago mo Andy" Napalingon ako dahil ang lumanay ng pagkakasabi niya "Hindi kita nakilala. Di ko akalain na makikita kitang ganyan. Na natupad yung pangarap mo noong mga bata pa tayo."
Ngumiti ako sa sinabi niya.
Kahit hindi ko makuha ang puso niya, malaman ko lang na tanggap niya pa rin ako ayos na ko dun.
Pinunasan ko ang luha ko at tuluyan nang napangiti "Buti nga at kilala mo na ko."
"Kung di ka pa magpapakilala hindi ko malalaman na ikaw 'yan. Medyo nakakagulat lang pero pumasok agad sa isip ko ang mga posibilidad kaya hindi na ko nagtaka pa."
Nagkatitigan lang kami ng ilang segundo. At sa di namin malaman na dahilan ay bigla nalang kaming tumawa.
Nakakamiss na ganito lang kami. Yung wala sa mundo ng mga taong mapanghusga at mapanglait.
"Hey Amanda! Sorry natagalan-Oliver? You're already here?"
Napalingon kami kay Kate na kararating lang. Wait? Magkakilala sila?
"Oh my gosh! Nag uusap na pala kayo!" Napailing-iling pa si Kate habang natatawa kahit wala namang nakakatawa. "By the way, Amanda, lemme introduce him to you formally..."
Lumapit siya kay Oliver na agad naman tumayo at tumabi sa kanya.
"Amanda, this is Oliver. My fiancé."
"Oliver, she's Amanda Trinidad. The wedding organizer. We are her first client since she fly back here from Thailand. She's now officially a transwoman! Amazing right?"
"I just remember lang kasi Oliver na meron kang friend way back in highschool na gay diba? Your best friend Armand! I wonder when can I see Andy. I want to meet your long lost buddy!"
Hinayaan lang namin na dumaldal si Kate habang nakatitig lang kami ni Oliver sa kanya. Bigla kaming nagkatinginan ng kaibigan ko.
At sa di malamang dahilan, bigla na naman kaming natawa.
BINABASA MO ANG
Remember Me, Oliver
RomanceFive years later and they finally meet again. But he couldn't remember her.