Ang sarap mag mahal ng lalaking wala kang kahati. Yun bang ikaw lang ang priority niya. Ikaw lang yung pinaglalaanan niya ng oras niya. Sayo lang siya sweet. Sayo lang niya ginagawa yung mga bagay na hindi niya ginagawa sa iba. Sayo lang siya nagsasabi ng 'I love you'. At ikaw lang ang babaeng mahal niya.
Napakasarap sa pakiramdam diba?
Yung tipong parang kayong dalawa lang ang nag e-exist sa mundo at wala ng iba. Ikaw lang yung prinsesa niya, ikaw lang yung aalagaan niya, ikaw lang yung kakantahan niya sa cellphone tuwing gabi kapag hindi ka makatulog, ikaw lang yung inaasikaso niya at sayo lang lahat ng oras niya. Wala kang kahati.
May mga bagay na pwede mong i-share sa bestfriend mo. Tulad ng damit, pagkain, assignment at sagot sa quiz. Pero hindi lahat pwede mong ibahagi sa kanya kagaya nalang ng lalaki.
Sabi nga sa isang kasabihan. Ang kay juan ay kay juan at ang kay pedro ay kay pedro. Sa madaling salita akin lang ang boyfriend ko!
AKIN LANG!!!
Alam mo kung ano yung masaklap? Yung taong sobra kong pinagkatiwalaan pala ang aahas sa boyfriend ko. Ang sakit lang. Para kong sinaksak ng paulit-ulit.
Simple, mahinhin at hindi makabasag pinggan. Ganyan ko maidi-discribe yung babaeng pinagkatiwalaan at tinuring ko na rin na parang kapatid pero nakuha parin akong traydurin.
Ako si Kate Dela Cruz. 18 years old. Grade 12 student. Maayos naman ang buhay ko. Kuntento at masaya nako, pero nagbago ang lahat simula ng may sumingit sa relasyon namin ni Chester Gozon, one of the most valuable player ng basketball team dito sa school.
Kung dati ako lang ang nasa puso niya ngayon may kahati nako. Pero gagawin ko ang lahat. Hinding hindi ako papayag na magkaroon ng Love triangle.
YOU ARE READING
My Love Triangle (Toxic Love)
Teen Fiction"Hindi siya hahanap ng pangalawa kung naging kuntento siya sa una!" -Nadine "Bakit ba napaka tanga mo? Hindi ba malinaw na pampalipas oras ka lang niya? Na ako parin ang tunay na mahal niya!" - Kate "Naguguluhan ako! Hindi ko alam kung sino ang pipi...