chapter 2

8 0 0
                                    

Chapter 2: Condom


"Babe, gising na."

Naramdaman ko ang isang malamig na kamay na humawak sa braso ko at marahan akong inugoy. Minulat ko ang mga mata ko, tumambad sakin si Chester na naka topless. Basa ang kanyang buhok at may tumutulo pang patak ng tubig mula sa mga dulo nito. Mukang kakagaling lang niya sa cr.

Medyo malabo pa yung paningin ko kaya kinusot ko yung mga mata ko. Umupo ako sa kama habang himihikab. Hays, inaantok pako.

"Ang ganda talaga ng babe ko. Ang fresh padin kahit bagong gising." Pagbibiro niya.

Tinignan ko lang siya ng masama. Bumangon ako sa kama at dumiretso sa banyo. Mabilis lang akong naligo at nagbihis. Pagbaba namin ng hagdan naabutan ko sina Charles at Nadine na kumakain ng breakfast.

"Goodmorning kuya Chester at sa ate kong maganda.. Kain na kayo." Pang aalok ni Charles

Tinignan ko si Nadine na busy sa kinakain niya. Mukang sarap na sarap siya sa niluto ng kapatid ko. Kung sa bagay kahit ako naman madaming nakakain pag si Charles ang nagluto. Masarap kasi talagang magluto ang kapatid ko.

"Goodmorning Charles and Nadine." Napaangat ng tingin si Nadine sa akin.

"Goodmorning din." Ngumiti siya sakin sabay subo ulit sa kinakain niya. Naalala ko yung nangyari kaninang madaling araw. Siguro nga naligaw lang talaga siya.

Hinila ni Chester yung isang upuan para makaupo ako. Tapos umupo rin siya at kumain na kami. After namin mag breakfast binitbit ko yung bag ko at naghintay sa labas ng bahay. Kinuha pa kasi ni Chester yung motor niya na nakapark sa gilid ng bahay.

"Sakay na kami ate. Kitakits nalang sa school." Sambit ni Charles bago sila pumara ng trycicle.

"Ingat."

Nang makalabas si Chester, inabot niya sakin yung isang helmet na agad ko namang sinuot. Suot suot na niya yung helmet niya. Umangkas ako sa bandang likuran at yumakap ako sa abs--- este sa tiyan niya.

Malapit lang ang school dito. After 15 minutes nakarating agad kami sa tapat ng school. Naunahan pa namin sila Charles. Diniretso ni Chester yung motor sa parking lot at doon ako bumaba. Binigay ko sa kanya yung helmet at hinintay ko siyang matapos sa ginagawa niya. Sa di kalayuan napansin ko sila Nadine na bumaba sa trycicle. Naunahan pa namin sila. Lumapit kami sa kanila at sabay sabay kaming naglakad.

"Saan ka naka room?" Tanong ko kay Nadine.

"Sa tabi lang ng classroom ni C-chester. Nakikita ko kase siya doon eh." Sagot niya.

"Talaga? Pero di kita napapansin." Sagot naman ni Chester sa kanya.

Ah, magkasama lang pala sa iisang building yung mga room nila. Sa kabilang building pa kase ako. Sa tapat ng building nila.

"Ate, kuya Chester mauna nako ha? Bye nadz." Bago umalis si Charles ay hinalikan niya sa noo si Nadine.

"Bye Charles." Sabi ko. Tumango lang siya at tumakbo na papunta sa classroom nila.

"Sama ka samin mamayang lunch ha?" Aya sa kanya ni Chester.

"S-sige."

Nasa kalagitnaan na kami ng quadrangle ng may...

"WALANG HIYA KANG BABAE KA! SA WAKAS NAKITA DIN KITA! MALANDI KA!"

Nagulat ako ng may babaeng biglang lumapit sa direksyon namin at dinuro duro niya si Nadine. Maging si Chester ay nagulat din. Tinignan ko si Nadine na mukang kinakabahan. Anong nangyayari?

My Love Triangle (Toxic Love)Where stories live. Discover now