This is it!

98 3 3
                                    

*Pag-uwi ko sa bahay, iniisip ko din yung ginawa sakin ni Mitz kanina.. Grabe! That was my first kiss. Kahit sa cheeks lang yun, it sents me a thousand butterflies to my stomach.. At kanina bigla bigla na lang nagbago mood nya nun kinwento ko yung about sa "Secret Admirer" ko. Bakit? Tsaka ko na lang nga iisipin yun, ang dapat kong isipin kung anu ang isusuot ko sa party.

*Di ko talaga maiwasan isipin ang mokong na yun e.. Siya first kiss ko. ngayon ko lang talaga narealize na sooper gwapo ng bestfriend ko.. Argghhh.. hindi to tama!!

*Hirap ako sa pamimili ng damit. The theme of the party is Masquerade.. Masquerade pero ang tutugtog ay mga rakista.. Okay di ba? Siguradong dadagsa na naman ang mga kababaihang nagpapantasya sa bandang yun.. Ahh.. basta akin lang si Michael, kahit si Mitz na lang kunin nila. Hindi rin pala pwede, akin lang din si mitz.. Nagiging possessive na ko huh. Bwiset.

*7pm ang start ng party. Matutulog muna siguro ko 5pm pa naman e. Wala naman talaga kong balak sumama sa party kung di lang ako pinilit ni Mitz..Inalarm ko phone ko ng 6pm.. Then....

"Leigh, nandito na si Mitzie sa baba." Sabi ni papa habang kinakatok kwarto ko..

*Dun na ko napabalikwas ng bangon.. Gawd.. 7pm na? Tsk... panu yan. Di na lang kaya ako sasama sa party? Bwisit na phone naman yan e.. Di ba nag-alarm o talagang di lang ako nagising dahil sa sarap ng tulog ko.. Yari!

*Pagbaba ko..

"Oh Leigh? Di ka ba aatend? Tanong ni Mitz na halatang galit..

*Gwapo talaga ng bestfriend ko.. Tutugtog sila na nakapang last trip.. Very formal as in.. Bagay sa kanya.. Manghihinayang talaga ko pag di ako sinayaw nito.. Pinagalitan ko sarili ko dahil sa takbo ng isip ko.. Si Michael dapat isipin ko,,

"Ahmm.. kasi. I was planning to take a short nap, pero hindi yata umalarm phone ko e.." Sagot kong nakayuko..

"Sige mag-asikaso ka na.. Hihintayin kita. Itetext ko na lang muna sila Michael.." Sabi nya habang nagcocompose na ng text sa phone nya.

*Di pa din ako kumilos.. Ang sarap nya kasing titigan e.. Grabe..

"Leigh?"

"Leigh, umupo ka kaya para matitigan mo ng maayos ang kgwapuhan ko.. Pero mamaya na yun maligo ka muna at magready." Sabi naman ni Mitz habang nakangiti..

*Tsk.. ngiti pa lang nya.. ayos na ayos na.. umakyat na ko at nag-asikaso..Hindi ako marunong magmake up.. Powder, and lipgloss lang kasi sakin sa school ayos na e.. Panu na yan.. Bahala na nga..

*Kinakabahan akong bumaba. Di ko alam magiging reksyon ni Mitz sa hitsura ko, in short period of time malaki naman naiba sa hitsura ko.. Black balloon dress na may red accent.. Nakalugay na buhok. Manipis na make-up na pinartneran ng sooper red lipstick and 3inches na red stilletos..

*No choice.. bababa na talaga ko sa sala.. Kung saan magkausap si papa at si Mitz.. Kinakabahan ako. Nang maramdaman nila prensensya ko biglang tumayo si Mitz then nilahad ang kamay nya para alalayan ako. Dramatic ang entrance ko.. Kulang na lang red carpet para maramdaman kong isa akong prinsesa.. :) Winner ang peg ko tonight.

---------------Mitzie's POV-----------------------

*Badtrip ako ng pagdating ko kela Leigh na hindi pa sya nakaready.. Akala ko talaga magugulat ako sakanya pagbaba.. Pero di nga ako nagkamali, nagulat akong kagigising lang nya. cute talaga nya. Iniisip ko yung ginawa ko sakanya kanina.. Laking pasasalamat ko din kay Carol,dahil sa kanya nakadiskarte ako kay Leigh.. Akala ko talaga magagalit sya.

*Pababa na si Leigh sa hagdan, ako na yata pinakaswerteng lalake dahil BFF ko si Leigh.. Para syang bumababang anghel.. Di ko alam na marunong pala syang magmake-up. I like her hair.. Velvet.. Inalalayan ko sya pagbaba sa mahabang sandaling pagkakatitig ko sakanya.. Sorry campus, walang pwedeng sumayaw kay Leigh, kahit si Michael pa yan..

"Leigh.. You look lovely.. " Sabi ko habang titig na titig sa kanya.

"Alam ko na yun Milandro, at pwde ba ang higpit ng pagkakahawak mo sa kamay ko. " Sabi ni Leigh habang nakangiti.. "Sorry nga pala huh, dahil sakin malelate ka."

"Okay lang yun, hindi mag-0istart ang party ng wala tayo. Let's go! But before that, wear this." Nilabas ko ang necklace na binili ko for her.. Valentines gift ko..

"Niregaluhan mo na ko kanina pati ba naman ngayon.. Ang yaman mo talaga Mr. Salviejo!"

*Sinuot ko na sakanya ang necklace na may flower pendant..

"Let's go!"

*Inalalayan nya ko paglabas. Hawak nya kamay ko. Kinikilig naman ako.. Inlove ba talaga ko sa bestfriend ko? Nagulat ako ng paglabas namin sa bahay...

"Naks Mitz, pinaghandaan mo talaga to huh. I am expecting a motorcycle.. Buti pinahiram ni ninong yang kotse nya." Gulat na sabi ni Leigh..

"Alangan namang gamitin ko motor ko sa ganyang klaseng outfit.. At isa pa ang prinsesa, hindi pinapasakay sa cheap na motorsiklo lang.. shall we go?"

*Habang nasa sasakyan, di ko mapigilang titigan si Mitzie, iba ang appeal ng mokong. Mas gwapo pa nga talaga sya kay Michael. Pero gusto ko si Michael.. Nu ba Leigh bestfriend mo pinagpapantasyahan mo!

"Leigh... Alam kong gwapo ako hindi mo naman kelangang maging obvious e." Natatawang sabi ni Mitzie..

"Kapal talaga nito! Kamusta na kaya si Michael? Sana maisayaw nya man lang ako, kahit ngayon lang.. Pwede bang pakitutukan ng shotgun si Michael Mitz para makipagsayaw sya sakin? Biro ko kay Mitzie.

"ok!" Tipid na sagot ko.8Bigla na namang nag iba ng mood ang bestfriend ko, bakit? Tsk..

*Parang ang sikip sikip sa kotse.. Bigla kasing nag-iba ang mood ni Mitzie e.. Nanahimik na lang din ako..

I'm lucky I'm in love with my best friendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon