eh eh eh eh eh eh eh 2Ne1.. eh eh eh eh eh you gonna ring the alarm..
Inis kong pinatay ang alarm ng cellphone ko. Pagkatapos kasi ng despidida party ng friend ko kagabi till midnight kailangan ko pang gumising ng maaga para pumasok.. 32 text messages din ang nabungaran ko sa phone ko with a hashtag #itsvalentines! Grrr... I hate this day. Valentines na naman pala, ano ba kasi ang special sa araw na to. Pwede naman kasing gawing special holiday ang araw na to para no need ng pumasok sa school. Hayy.. Mas gugustuhin ko pang magkulong sa kwarto kesa makakita ng couples na over sa ksweetan, giving their gfs chocolates and flowers. Tapos kinagabihan may party. Nakakainis naman kasi si Kupido, kelan ba naman kasi niya papanain ang puso ni Mr. Right ko.
Ako si Leigh Valdez. Isang bitter mortal na ayaw ng mga ganitong okasyon. Third year college na, Business Administration student. Nbsb (yan ang masaklap na katotohanan..) Normal naman ako, wala akong putok at bad breath at hindi rin ako bungal. Cute naman ako. Dahil ba medyo boyish akong kumilos kaya naiintimidate ang mga boys? Tsk.. Sa bahay kasi ako lang ang babae e. I have 2 older brothers. At si papa lang ang nasa bahay. Si mama kasi nasa ibang bansa, nurse sya dun.. May best friend din ako. His name is Mitzie.. Lalake sya. Pet name ko lang yun sa kanya. Ang bagsik kasi ng real name nya e, MILANDRO. Contrast kami ni Mitzie, while he is a playboy and grabe makapagpalit ng gf ako ito zerong zero.
Kinakapatid ko si Mitzie Salviejo. Super close ang family namin, minsan nga labas pasok na lang ako sa house nila e. Minsan din dun na ko natutulog.
*Pagbaba ko sa sala ang naabutan ko na lang si papa. As usual maagang umalis ang dalawa kong kuya para maaga raw makadiskarte.
"Pa, Happy Valentines Day! " Bati ko sabay halik kay papa.
"Sayo din anak. Dumaan dito si Mitzie sabay daw kayo." Sabi ni papa habang nagbabasa siya ng dyaryo.
Maya maya dumating si Mitzie. Ang bagsik talaga ng pabangong gamit ng unggoy na to.. Amoy pa lang ulam na. Sabay kaming pumasok sa school. Katulad ng inaasahan sweet sweetan nga ang mga couple. Kainis lang e.. Sana makita ko man lang si Michael Cariño. Ang crush ko since nun first year college pa ko. Kabanda siya ni Mitzie, kaya any updates about Michael nalalaman ko kaagad. Alam ko wala pa syang nagiging gf after his last relationship na nasaktan talaga sya ng todo..
"Ang aga aga nakasimangot ka, ngiti naman dyan." Sabi ni Mitzie habang dala ang bag ko.
*Madaming nagtatanong sakin kung nililigawan ba ko ni Mitzie, pero isang malaking hindi.. :) Mas gwapo pa nga sya kay Michael e. Minsan nadadamay din ako sa kasikatan nya panu ba naman ako yung tinatanong ng mga girls ng mga whereabouts at phone number nya. Matangkad, matangos ilong at chinito si Mitzie. While Michael, maputi, matangos ilong, chinito, maganda boses, cute, medyo masungit ang dating at good boy. Kaya mahal na mahal ko to e. Sa banda nilang D'Electrons wala yatang pangit sakanila ultimo drummer papable din..Minsan nagpapalitan si Mitzie at Michael sa pagiging vocalist. Pero syempre kay Michael pa din ako.
"E kasi Valentines na naman, alam mo naman na ayaw ko ng araw na to e.. Bakit pa kasi pinanganak yang si St.Valentine pwede naman syang ipaabort ng nanay nya." Himutok ko kay Mitzie..
*Natawa na sya ng tuluyan sakin..
"Leigh, you have to attend the party."
"What for? Wala rin naman akong kadate!"
"E di ako kadate mo problema ba yun. Para san pa at magbestfriend tayo."
"Panu na gf mo? GFs mo rather.. "
"Break na kami kahapon lang." Sabay ngiti. "And don't make it plural Leigh, hindi ako ganun ka playboy kung yan iniisip mo sa kgwapuhan ko."
"Kapal nito! Nga pala, tutugtog ba banda niyo mamaya?" Tanong ko habang nakangiti..
"Oo naman, tradisyon na sa campus na tumugtog kami tuwing Valentines para pakiligin kayong mga girls!"
*Pabiro ko syang binatukan.. Good thing na nagkarun ako ng ganitong BFF, pwede kang magkarun ng instant boyfriend and kadate. Bakit kasi hindi na lang kay Mitzie nabaling attensyon ko, kay Michael pa na mukang masungit and super sa kaemuhan..
"Leigh may ibibigay ako sayo." Sabay labas ng super cute and huggable teddy bear.
"Nice tsong salamat.. tindi ng teddy bear na to huh, ang bango! Nagpalit ka na ba ng pabango?
*Napansin ko kasi na hindi amoy ni Mitzie ang teddy bear na binigay nya sakin.. Ngumiti lang siya sakin. Naghiwalay na kami ni Mitzie, magkaiba ang building namin, magkatapat lang naman kaya minsan kita ko si Michael pag break..
*Pumunta muna ako sa locker para kunin ang libro ko for my first subject. As usual meron na namang 3 red roses and card. Ang ganda ng penmanship ng admirer ko na may codename na cloud.. Sino kaya to?
