Father and Son by CrimsonitePom
Part One
Dedicated to CatchMe and to all single mom
Ang pagpapalaki ng tama at mabuting anak ang pinakamahirap na responsibilidad ng mga magulang, kailangan parehong nandiyan ang ama’t ina ng bata para masubaybayan ng maayos at ‘di maligaw sa maling landas.
Si Cattleya Arnaiz ay isang single parent, siya ang tumatayong ama’t-ina ng nag-iisa niyang anak na si Leila. Pinipilit gampanan ang dalawang katauhan na iyan sa kanyang anak upang ‘di na ito makaramdam pa ng kahungkagan at pagkangulila niya sa kanyang ama.
Hanggang saan nga ba ang kayang isakripisyo ng isang ina para sa kanyang anak?
Gaano kahirap ang kailangan pagtiisan ng isang ina para magampanan ang pigiging Ilaw ng tahanan at Padre de Pamilia?
♫ ♪♫ ♪ ♪♫ ♪...♫ ♪♫ ♪ ♪♫ ♪...♫ ♪♫
This story is inspired by the song
Father and Son by Ronan Keating
♫ ♪♫ ♪ ♪♫ ...♫ ♪♫ ♪ ♪♫ ♪...♫ ♪♫
“Quiapo! Quiapo! Dalawa na lang lalarga na ‘to” pasigaw na tawag ni Aling Cat sa mga dumaraang mga tao sa terminal ng jeep na pinagba-barkeran niya. “Paki-ayos na lang po ng upo diyan para maka-alis na tayo” utos niya sa ibang pasahero ng jeep ng mapansing nahirapang umupo ang huling sumakay.
Sumakay na rin siya sa hulian ng jeep kahit nakatayo lang dahil kailangan na niyang sunduin ang anak niya na nag-aaral sa isang mababang paaralan na malapit sa kanilang tinutuluyan. Nang marating ang daan kung saan papunta sa pinapasukang eskwelahan ng kaniyang anak ay agad pinara ang sasakyan at bumaba. Habang binabagtas ang daan patungo sa eskwelahan ay napansin niyang may mangilan-ngilan ng mga mag-aaral na tumatawid sa daan papunta sa kabilang bahagi ng daan kung saan naroon ang residential area na tinutulyan din nila. Bahagya siyang kumaway sa gwardiya na nakapwesto sa gate at tinungo ang waiting shed na pinag-aantayan niya kay Lei.
“Ma, kanina pa kita inaantay, bakit ang tagal mong dumating?” mangiyak-ngiyak na tanong ni Leila ng makita ang kanyang ina.
“Uwi na tayo.” Saad nito at hinatak na niya palabas ng eskwelahan ang kanyang ina. Napakunot-noo naman si Aling Catt sa ginawi ng kanyang anak “Nak, anong problema? Umiyak ka ba?”
“Hindi po” maikling sagot ng bata. Magtatapos na siya ng elementarya ngayong taon na ito at ‘yun ang importante sa kanya, lilipat na rin siya ng eskwelahan kapag pumasok na siya ng high school.
“Alam ko umiyak ka, binu-bully ka na naman ba ng mga lalaking ka-eskwela mo?” tanong ng kaniyang ina.
Bumuntong-hininga lang siya at pinunas ang nangingilid niyang luha saka nagpatuloy ng lakad. Ayaw na rin niyang magsumbong pa ka kanyang ina dahil sawa na rin ito sa laging sagot nito na isumbong daw sa guard at pagpasensiyahan na lang ang mga batang makukulit gaya nila. Mula pa nung Grade 1 siya ay madalas na siyang i-bully ng mga classmate niya o kung hindi man ay kahit ‘yung mga nasa ibang section ay nakukuha din siyang asarin at gawing biru-biruan. Madalas kasing naiiwan siyang mag-isa sa waiting shed dahil inaantay pa niya ang kanyang mama na dumating hindi kasi sila pinapalabas ng gate kung walang kasamang matanda na aalalay sa kanila sa pagtawid ng daan. Kapag nakikita siya ng mga batang makukulit na ito ay ‘di sila pumapalya sa pag-bully sa kanya, minsan kinukuha ang isang pares ng kanyang sapatos at itinatapon sa kabilang bakod ng eskwelahan o kung tag-ulan naman ay sinasabuyan siya ng tubig ulan mula sa kanal ng daan. Madalas siyang iwanang uumiiyak, gustuhin man niyang magpasaklolo ay ‘di na lang siya nagsusumbong dahil alam niyang mas higit pa ang gagawin nila sa susunod sa kaniya kapag nagsumbong siya.