Father and Son Part Two

112 2 5
                                    

Pamilyar si Lei sa nakaburda sa sando, meron din kasi siyang ganung lampin noong bata pa siya at pinakatago-tago ito ng mama niya. “Ma, pero sabi mo gawa ng  mama ko ‘yun?”

“Tama, gawa niya ito. Gawa ng mama mo para sa’yo.” Saad ni Aling Catt 

Lumapit si Leila kay Aling Catt, marahang hinaplos ng kanyang hintuturo ang pangalang nakaburda sa sando ng manika. Siya ang tunay kong ina? Tanong niya sa kaniyang sarili. Nag-angat siya ng mukha at tiningnan ang ina sa mata. “Siya ba?” tanong nito.

“Oo anak, siya nga. Siya ang tunay mong ina”

“Kung ganun ay tiyahin lang kita, Ma?”

“Hindi rin, hindi rin ang dugo ng aking pamilya ang nananalaytay sa’yo”

“Huh?” nagtatakang saad nito. Naguguluhan sa mga rebelasyon ng kanyang ina. “Pero…..’di ba magkapatid kayo ni Tita Ynez?” hindi pa ring makapaniwala sa kanyang nalaman.

“Hindi ko siya tunay na kapatid.” Tumayo si Aling aling Catt at ibinalik sa kandungan ng kanyang Tita Ynez ang manika. Muling lumapit sa kanila at umupo sa tabi niya. Hinaplos-haplos muna niya ang noon g kaniyang apo saka ginawaran siya ng maamong ngiti.

“Ma, magkwento ka na pwede? Masyado mo namang ginagawang suspense ang mga pangyayari eh. Oo na, gusto ko na talaga malaman ang totoo, kaya pwede simulan niyo na?” halatang inip na si Leila. Natawa naman ang mama niya sa kaniyang pagkairita.

“Ang mga kabataan talaga ngayon masyado ng mainipin” saad nito haabang nakangiti pa rin sa kanya. Humugot muna ng malalim na hininga ang mama niya at tumingin sa malayo, malamang ginugunita ang mga pangyayari ng kanyang nakalipas.

“Isang gabi, labing-pitong taon na ang lumipas mula ngayon” panimulang kuwento ng kanyang mama Catt. “Huling biyahe na ng sasakyan sa terminal kaya nakisabay na ako sa pag-uwi. Lahat na ng sakay ng jeep na sinasakyan ko ay bumaba na maliban lang sa isang babae, nasa edad na dise-otso ang hula ko, may kandong siyang bata. Tinanong siya ng driver kung saan siya bababa ngunit ‘di ito tumugon nang marating ko ang lugar kung saan ako bababa ay pinigilan ako ng driver at naki-usap na kausapin ko raw ang babae kung saan siya papunta, lumapit ako sa kanya para tanungin siya pero bigla siyang sumigaw na huwag ko raw kunin ang anak niya. Lumayo pa siya sa’kin, animoy nahihintakutan na kunin ko ang anak niya, bumubulong ng mga bagay na ‘di ko maintindihan kaya’t naisip ko na may kapansanan siya sa pag-iisip. Dinala namin siya dito sa mental hospital kaya lang hindi pwedeng kupkupin ng ospital ang bata kaya napagdesisyunan kong ampunin na lang ito. Kakaiba ang pakiramdam ko noong una kong mahawakan ang batang iyon, nasabi ko sa sarili ko na hindi ko na kailangang mag-asawa’t anak pa dahil sapat na sa akin ang batang ‘yun, para sa’kin isa siyang biyaya mula sa langit at ikaw ‘yun. Ikaw ang batang ‘yun” Tinitigan siya bago ulit nagsalita. “Ang bilis ng panahon, dati isang napakalikot at masayahing sanggol ka pa lamang pero heto’t may sarili ka na ring sanggol.” Napatingin si Lei sa kanyang anak na mahimbing na natutulog.

“Ma, bakit daw nagkaroon sakit si Tit----Mama Ynez?” tanong ni Lei kay Aling Catt

“Hindi pa alam ng mga espesyalista noong una, ngunit ng lumaon ay nalaman din nila na dahil sa depression, malamang daw ay iniwan siya ng iyong ama dahil paminsan-minsan ay humihikbi raw ito at animoy may pinigilan na huwag umalis.”

“Wala siyang ibang kamag-anak?”

“Wala din, ako na lang ang sumasalo ng bayarin dito hindi naman siya kamahalan kaya napagkakasya ko ang kita ko sa pagpa-paa-aral sa’yo at bayad dito sa ospital.”

“Salamat Ma, napakabuti mo dahil ‘di mo kami pinabayaang mag-ina.”

Inakbayan naman ni Aling Catt si Leila at inilagay ang isang kamay sa mumunting braso ng sanggol na kandong ni Lei “ikaw na ang naging buhay ko mula noon, mga pangarap sa’yo ko na lang itinuon. Pinilit kong gampanan ang pagiging ina at ama sa’yo, alam kong marami akong pagkukulang bilang isang ina at masakit din sa kalooban ko na nakikita kang nangungulila sa iyong ama pero anong magagawa ko, wala naman talaga akong asawa para ipakilala sa’yo.”

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 27, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Father and SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon