I

48 1 2
                                    

               Shoot! Umuulan na naman.

Ang sabi ko sa sarili ko habang naka-dungaw sa bintana ng classroom namin. First day ng highschool life ko; naghihintay kami sa teacher namin pero mukhang hindi naman ata darating. Tanaw mula sa pwesto ko ang malaking puno sa gitna ng school. Kasing taas ito ng dalawang palapag na gusali. Sinadya ding kabitan ng bubong at sementadong upuan paikot sa katawan nito para maging pahingahan at Oo para maging tambayan ng mga estudyante. Halos lahat ata ng mga first year highschool at mga transferee nagandahan sa punong yun. Kasama na ako siyempre.

Dahil sa lakas ng ulan dumating ang adviser namin na si Mrs. Ripaz.

"Class suspended na ang klase--"

Sabay-sabay naghiyawan ang iba kong mga kaklase nang sabihin ni Mrs. Ripaz iyon.

"--pero hindi pa kayo pwedeng umuwi, mag-stay muna kayo dito at patilain ang ulan. Okay?" dagdag ni Mrs. Ripaz.

Sabay-sabay silang napa-aww sa pagka dismaya. Pero sumagot naman kaming lahat ng "Yes maam"

Alas-dose palang at ayoko pang umuwi ng bahay. Dahil medyo humina na ang ulan naisipan kong bumaba ng building namin at tumambay sa Tree of Life (yun ang ibinansag ko sa malaking puno.) Iilan na lang ang mga estudyante na naka-tambay doon. Humanap ako ng magandang pwesto at umupo. Kinuha ko ang headset sa bag ko at nakinig sa mga kantang nasa music player ng cellphone ko. Sumandal at ipinikit ang mga mata.

Hindi ko alam kung ilang kanta na ang natapos ko pero naramdaman ko nalang na may umupo malapit sa pwesto ko. Dinilat ko ang mga mata ko at tiningnan kung sino iyon.

Isang babae.

Nakangiti siya habang nag-babasa ng libro.

Mahilig din akong mag-basa ng libro, investigative fiction ang genre ng mga libro ko pero may iilan-ilan din namang ibang genre. Dahil sa tingin ko ay pareho kami ng hilig, palihim kong sinilip ang title ng librong binabasa niya.

Fifty Shades of Grey

Joke lang. Hehe

The Fault In Our Stars by John Green

Hmm parang nabasa ko na kung saan ang title na 'yon ah.

Pinilit kong alalahanin kung saan ko nakita ang title ng librong yun. Hindi ko talaga maalala. At dahil isa ako sa tipo ng taong di mapakali hangga't may pinipilit maalala, nag-lakas loob na akong tanungin ang babaeng malapit sa'kin.

"Ate, excuse me," sabi ko.

Nag-salubong ang dalawang kilay niya bago siya lumingon sa'kin sabay tanong ng, "Yes?"

Nagulat ako. Naku yes daw, mukhang english speaking pa ata si ate.

"Uh, eh... Hilig mo ba yang pag-babasa ng libro? Ako din kasi mahilig mag-basa. Uhm.. Mukhang maganda yang binabasa mo ah." sabi ko habang lumulutang sa isipan ko ang umiilaw at malaking salitang: AWKWARD

"Ah. Ito ba? Pinahiram lang sa'kin to ng kaibigan ko. Halos kauumpisa ko pa nga lang basahin eh. Pero so far maganda naman, nakakatuwa yung mga characters." nakangiti niyang sinabi.

"Parang pamilyar nga sa akin yung title, parang nakita ko na kung saan hndi ko lang maalala." wika ko habang nakatingin sa madilim na kalangitan.

"Baka yung movie yun. Ang sabi kasi sa'kin ginawa na tong movie at showing na. Hindi ko pa nga lang pinapanood kasi gusto kong tapusin muna itong libro. Madami kasing movie na binabago at binabawasan na yung mga eksena sa kwento ng libro eh." Paliwanag niya.

"Ah. Sabagay. Ganoon din ang ginagawa ko. Tinatapos ko muna yung libro tsaka ko pinapanood yung movie adaptation." sabi ko.

Unti-unting nawala ang pagka-ilang namin sa isa't isa. Hanggang sa napunta na ang usapan namin sa kung saan-saang mga bagay. Hindi namin namalayang 4pm na pala. Kailangan na daw niyang umuwi. Ngumiti siya at nag-paalam sa'kin. Pagkalipas na ilang minuto ay umuwi na rin ako. Tsaka ko lang naalala na hindi ko man lang naitanong kung ano ang pangalan ni ate.

UlanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon