Ang buong akala ko maganda ang pwesto na kinauupuan ko dahil sa kitang-kita ko ang Tree of Life, mali pala ako. Maganda lang pala 'to kapag umuulan o natatakpan ng ulap ang araw. Dahil ngayon habang nakaupo ako, tagos naman sa salamin ang sikat ng araw. Parang nang-aasar pa siya dahil saktong-sakto sa mukha ko ang sinag niya. Hindi ko nagustuhan ang ulan kahit kailan, pero isa 'to sa mga pagkakataong hihilingin mo talaga ang madilim na langit at malakas na ulan.
10:46AM
Isang oras mahigit na lang pala at matatapos na ang pag-titiis ko sa bago kong kaibigan. Si araw.
11:00AM
"Okay class that's all for today. Remember to bring your 1x1 picture and 1/8 index card next meeting." Paalala ng aming English teacher. At tulad ng karamihan sa mga estudyante sa mga unang araw ng pasukan, hindi ko na naman natandaan ang pangalan ni Maam English. Hindi bale, itatanong ko na lang sa katabi ko na -take note- hindi ko din alam ang pangalan.
11:05AM
Dumating ang next teacher namin, si Mrs. Ripaz. Math teacher siya, 5' o 5'1" ata ang height at nasa 56 -pero pwede ring nasa 99- years old na siya. At sikat siya sa buong school dahil hindi nawawala ang "isn't it?" sa lahat ng sinasabi niya sa tuwing nag-lelecture siya.
"Okay listen up class, we will start our activity by next week. Today we will take this opportunity for us to know each other! Face your classmates, say your name, age, and add your hobbies too. After that we'll set your seating arrangement.We will start with you." nakangiting wika niya sabay turo sa estudyanteng nasa unang row.
Nasa dulo ako ng second row, nakaupo habang pinakikinggan ang mga kabado kong classmates na sabihin ang kanilang pangalan at kung anu-ano pa. Hindi nagtagal ay ako na ang nagpakilala.
"I'm Liam Rein Dominguez. Fourteen years old and--"
Natigilan ako ng nakita ko siya habang tumitingin ako sa iba kong classmates. Nakayuko siya at nagbabasa pa rin ng libro.
Si ate sa Tree of Life.
"--and I'm fond of reading books. Right now I'm reading The Fault In Our Stars by John Green." wika ko habang tahimik na hiniling na sana'y narinig mo ako. At hindi naman ako nabigo dahil natigilan ka sa pagbabasa at tumingin sa'kin.
"That's all ma'am." wika ko habang nakangiti at nakatingin sa'yo. Bumalik ako sa pag-kakaupo. Sa wakas ay malalaman ko na din ang pangalan ni ate sa tree of life. Sunud-sunod ng nag-pakilala ang iba pa. Sa ika-apat na row ka naka-upo at isang tao lang mula sa likod ko ang pagitan natin.
Lumipas ang ilang minuto.
Isang tao na lang at ikaw na ang mag-papakilala. May pumasok na estudyante mula sa ibang section at may ibinulong kay Mrs. Ripaz. Nag-bubulungan sila at tango ng tango ang aming guro. Ilang sandali lamang ay lumabas na din ang estudyante.
"Okay class, that's all for today. We have a meeting pala ngayon. Bukas na lang natin ituloy ang pag-papakilala ninyo. Mag-hintay na lamang kayo dito habang wala pa ang susunod ninyong guro." sabi ni Mrs. Ripaz.
"Huh?" Dismayadong wika ko. Pambihira, ang galing talaga ni tadhana mag-biro.
Tumatadhana na ako agad. Ang saya db?
Lumipas pa ang ilang minuto at hindi dumating ang next guro namin. May meeting nga pala kasi.
12:05
Uwian na! Masaya na sana ang araw ko pero hindi ko pa rin mapigilan ang sarili kong hindi mang-hinayang na hindi ko nalaman ang pangalan ni ate tree of life.
Halos nag-mimistulang imahinasyon lang ang paligid dahil sa bilis mag-patakbo ni manong driver ng nasakyan kong jeep. Napaisip tuloy ako kung makakauwi pa ba ko o imahinasyon na lang din ako kapag nakauwi na ako.
Lumipas ang ilang minuto at nakarating na din ako sa bahay namin. Dumiretso agad ako sa kuwarto at nag-sound trip. Hindi pa din maalis ang panghihinayang ko sa nangyari. At doon ko nalamang hindi ako ganoon katalino.
Puwede ko naman palang tanongin na lang si ate tree of life kung ano ang kanyang pangalan. *facepalm
At buong gabi akong inis sa sarili ko.