Twenty Nine

19.2K 251 34
                                    

“Girl hurry up!!” sigaw ni Britney

“Oo nanjan na!!” sigaw ko mula sa likod

Tumakbo kaming apat ng mabilis hanggang sa makarating kami sa gym! Ang daming tao kaya nagmamadali kaming sumiksik sa mga tao papunta sa loob.

“Hays salamat nakarating rin!!” hinihingal na sabi ni Mica

“Oo nga!! Wooh!!” si Paolo naman

Umupo agad kami sa mga upuan namin, syempre magkatabi lang kaming apat

At ngayon ay GRADUATION na namin ^______^

Bilis noh? Oo kasi si author nagmamadali ^__^ wag na kayong magreklamo ganyan talaga ang buhay, ika nga TIME RUNS SO FAST! Na parang si Flash lang, isang pikit mo lang ay nagbabago na ang mundo.

Anyway nasa likuran kami kaya hindi kita yung habol namin, nalate kami kasi si Britney kung makapag-ayos ay aabutin ng ilang dekada para matapos kaya kanina run devil run ang peg namin. Suot namin ngayon ang aming puting toga art nakafull dress kami.

Finally after 4 years of sacrifice here in college ay gagraduate na kami!!

Syempre masayang masaya kaming apat pati na rin yung mga magulang namin, hindi man kami nagkaroon ng HONORS ay matataas naman ang mga grades namin. Kami na ang magmamanage sa mga kayamanan daw namin hehe

Umakyat na kami ng stage para tanggapin ang mga diploma namin, pagkatapos ng mahabang program ay ito na ang pinakahihintay namin

“CONGRATULATIONS GRADUATES!!” sabi ng speaker

“WOOOOOOOOOOOOHHH!!!” kaming lahat sabay tapon ng mga kalo namin

Nagtatalon sa tuwa ang lahat, may iyakan dito, iyakan doon. Yakapan dito, yakapan doon, mamimiss ko talaga ang college life pero masaya naman ako na matatapos na ang pag-aaral ko

“WE’RE FINALLY DONEEEEEEEEE!!!” pahabol na sigaw ni Britney habang palabas kami

Kasami naming apat ang aming mga magulang, dahil pupunta kami sa bahay nila Britney, kakain at magseselebreyt. Doon na naming lahat napagkasunduan na kakain kasi may malaking dining room sina Britney for parties and etc

“Ngayon kayo na talaga ang papalit samin!!” nakangiting sabi ni Tita Joni mama ni Britney

“Syempre naman po at palalaguin pa namin yun!!” sabi naman ni Paolo

Mga magulang namin ay magkakaibigan na rin, alam na din ng mga magulang ni Mica na sila na ni Paolo. Oo tama kayo, sila na nga nung 3rd year college na kami, mejo mahaba-haba rin ang panliligaw ni Paolo pero worth it naman ang lahat ng hirap niya

BOOK 1: Hired Boyfriend [Kathniel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon