Chapter 10

2.8K 205 62
                                    

Sabi nila kakain lang pero bakit may involved na alak? Tanghaling tapat eh — pero ano nga ba laban ko sa tatlo eh mag-isa lang ako. Kaya tumikim tikim lang ako at hindi nagpakalasing dahil magkikita kami ni Salt mamaya and i couldn't wait.

Kung pwede nga lang takasan ang mga kaibigan ko pero ayaw ko masyado maging obvious because Salt is still my professor and i don't want to jeopardize her job. So i want to keep everything between us private — secret. Besides, malapit na akong grumaduate at malaya ko na syang mamahalin.

"Totoo ba na lasang strawberry or peaches ang ano?" Curious na tanong ni Hazel kay Blare.

Ewan ko ba kung bakit ganito ang usapan nila.

"Mm." Napaisip naman si Blare. "Depende sa hygiene i guess."

"Sarap?" Dagdag ni Hazel.

"Hazel." Pagsaway ko. "That's private."

"Bakit ka ba kasi curious?" Nagtataka na tanong ni Julie kay Hazel. She's a little disgusted. Well for someone's straight.

Uminom muna si Hazel ng alak bago sumagot. "I'm just a curious cat girls." Depensa nya sa sarili nya. "Don't take it seriously."

"Pero nakakahiya kay Blare eh." Naasar na si Julie. "Itry mo kung gusto mo talaga malaman."

"Boyfriend nga wala ako, babae pa?" Umiikot ang mata ni Hazel.

Para talagang aso't pusa ang dalawang ito.

"Ikaw Cake." Biglang sakin ni Blare ang tanong.

Medyo nagulat ako pero nakisakay nalang din. "Mm ako? Hindi ko alam — Wala pa akong experience."

Natawa si Blare. "No, that's not what I'm going to ask." Namumula narin ang mukha nya kakainom. "Kung may special someone ka na ba?"

I don't really understand why everyone is asking about my love life — eh wala nga. I mean not until yesterday but i can't tell them.

Umiwas ako ng tingin. "Mm wala."

"Pero mukhang may type sya." Natatawa na sabi ni Hazel.

I know who is she referring to — kaya pinandilatan ko sya ng mata.

At nagets agad ni Hazel. "Si Flynn."

"What?" Sabay pa kami ni Julie. Hindi ako nainform.

"Oh the weird one." Sabi ni Blare sabay tawa. "So i don't believe that Cake like him."

"Teka nga bakit kasi ako ang pinag-uusapan nyo." Reklamo ko, napatingin ako sa cellphone ko to check the time. I still have few hours left bago kami magkita ni Salt.

I feel butterflies in my stomach by just thinking of her.

Ganito pala ang pakiramdam ng inlove? Nakaka love sick eh.

"We can't wait for you to experience love." Sabi ni Julie. "Hopefully someone that deserve you kasi first relationship mo yan if ever."

"I'm not even thinking about that." I honestly said. "Mas iniisip ko pa kung makaka qualify ba ako sa upcoming competition namin next month."

"Ilalampaso mo na yang kalaban mo next time." Pagsabat ni Hazel sabay inom ng alak. Mga sunog baga tong mga kasama ko. "Sinuwerte lang yong si Lara —"

"Sara." Pagtatama ko.

"Whatever her name is." Umiikot ang mata ni Hazel. "Kasi may sakit ka that time."

Still natalo ako.

Kaya gustong gusto ko makabawi, hindi lang para sa sarili ko, pati narin para sa School at pride namin.

Moon Lovers ( Lesbian )Where stories live. Discover now