CHAPTER 40

3.1K 61 2
                                    




Janine point of view;





Masakit isipin na ang pinakamamahal mo na ina itataboy ka at kakalimutan ka lang na para bang ' isa ka lang laruan na kapag nasira kakalimutan na kasi sira na ito'


Ganyan ang tingin sa amin ni Mama itataboy kami, pero kahit ganun hindi kami magsasawa na alagaan siya.


Makalipas ang mga buwan, nakauwi na kami galing sa hospital at ito kami ngayun sunud sunuran na parang yaya.


" Janine, kaya mo pa ba?" Tanong sa akin ni Kuya Richard. " Kakayanin ko nalang Kuya kahit hindi na.' Matipid kong sagot.


" Sabihin mo lang na hindi muna kaya, maiintindihan ko naman.' He said sinuklian ko nalang siya ng mapait na ngiti.


" AH! ANG SAKIT NG ULO KO!.." Sigaw ng isang bosses na galing sa itaas, at si Mama iyon. Dali dali kaming umakyat at pumasok sa kwarto ni Mama at nadatnan namin siyang nakahiga na sa sahig habang hawak hawak niya ang kanyang ulo.


Pinuntahan namin si Mama at pinapakalma pero ayaw niya. " Hahanapin ko muna ang gamot ni Mama." Sabi ni Kuya at hinanap ang gamot ni Mama kong saan saan.


Hindi kasi namin alam kong saan nilagay ni Mama ang gamot. Wala naman kaming katulong para tumulong sa amin.


" Ma, huminahon kayo, tumayo ka tapos papahigain kita sa kama." I said at pinipilit ko siyang patayuin pero itinulak lang niya ako.


Binaniwala ko nalang ang pagtulak sa akin ni Mama kasi mahirap na. " LUMAYO KAYO SA HARAPAN KO! HINDI KO KAYO KAILANGAN! SAGABAL LANG KAYO!." Sigaw ni Mama at doon kona napansin si Kuya na katabi ko.


" Ma, kailangan mong inumin to.." Sabi ni Kuya at binigay kay Mama ang gamot pero ayaw niya itong inumin. Kinuha ko ang gamot para ako nalang ang magbigay kay Mama.


" Ma oh! segi na.." Sabi ko at pilit na ipinasok sakanyang baba ang gamot pero itinaboy niya lang ako at ang gamot kaya natapon ito.


" MA! SAWA NA AKO! SAWANG SAWA NA, GUSTO KONG SUMUKO PERO AYAW KO KASI MAHAL NA MAHAL KITA. PERO NGAYUN? HINDI KUNA KAYA BIBITAW NA AKO. NASASAWA NA AKO SAYO!.." Sigaw ko at tuluyan ng umalis sa kwarto ni Mama.


Lumabas ako ng bahay namin at hindi ko alam kong saan ako dadalhin ng mga paa ko.



.

.

.







Richard point of view;


Hindi ko alam kung bakit nagkakaganun si Janine pero ang alam ko hindi na niya kaya, hindi ko nalang sinundan si Janine kung saan siya pupunta gusto ko siyang bigyan ng oras.


" Rich, nasan nga pala si Janine?" Tanong ni Dad sa akin, nandito kami sa kusina kumakain kaming dalawa ni Dad kasi si Mama tulog na si Janine hindi pa umuuwi.


" Ewan ko Dad, kanina pa siyang hindi umuwii e!.." I said.


" May nangyari bang masama anak?.."


Ayaw kong sabihin kay Dad ang totoo, but may karapatan siya na malaman.

" Nagsigawan kasi ni Janine si Mama pero Dad she doesn't mean it, nagawa lang niya yung kasi----.." Paano ko sasabihin na hindi na niya kaya ang pakikitungo kay Mama.


" Ano?sabihin mo na.."


" Hindi ko na kaya ang alagaan at pakisamaha si Mommy.." Sabi ng babae kaya napalingon kami at si Janine pala ito, lumapit ito sa amin ni Dad at umupo katabi ko.


" Why?.." Tanong ni Daddy.


" Dad, hindi mo ba alam na nasasaktan kami ni Kuya tuwing itataboy kami ni Mama, pero sabagay hindi mo naman iyon nakikita.." Janine said habang pinipigalan ang mga luha sakanyang mga mata.


" Janine, intindihin mo lang ang Mama mo, alam mo naman ang sitwasyon niya diba?." Dad said.


" No!.." Umiling si Janine. " Tama na Dad, alam ko na may amnesia si Mama pero sobra na kaming nasaktan sa ginagawa niya, Kaya please hayaan mo na ako.." Janine said at umalis na.


Bakit ba kasi humantong sa ganito ang buhay namin, masaya na kami diba? pero nawala iyon lahat. Bakit? pinaranas lanh ba kami ng masasayang araw tapos pagkatapos, iyak, pait sa puso na ang dadaanan namin.




To be continue..

Book 3: The Kim Family(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon