CHAPTER 1

39.8K 1.1K 130
                                    

SHAWN'S P.O.V.

IBINABA ko ang librong binabasa ko. Pagkatapos tinapunan ng tingin ang malakas na boses ni Ate Jhoace at Kuya John Ace. Umiling ako matapos ko silang tapunan ng tingin. Hayss! Para silang mga batang dalawa. Nag-aagawan silang dalawa sa ice cream na ginawa ko kagabi.

"Ano ba kuya! Wag mong ubusin. Ang takaw-takaw mo talaga!" Naririnig kong sabi ni Ate Jhoace.

"Ikaw itong matakaw. Kanina ka pa kuha nang kuha. Tingnan mo nga konti na lang ang tinira mo sa'kin." Sagot naman ni Kuya John Ace.

Huminga ako ng malalim pagkatapos ibinaba ko ang hawak kong libro at tumayo ako upang puntahan sila sa kusina. Nasa living room ako pero rinig na rinig ko pa rin ang ingay nilang dalawa.

Tumayo ako sa harapan nilang dalawa na naghihilahan sila ng malaking lagayan ng Ice cream.

"Ang ingay niyong dalawa Kuya at Ate." Sabi ko.

Sandali silang tumingin sa'kin.

"Si Kuya kasi inubos ang ginawa mong ice cream." Humahaba pa ang ngusong sabi ni ate Jhoace.

"Ibibili na lang kita ng ice cream. Ilan ba gusto mo?" Sabad ni kuya John Ace.

"Ayoko! Gusto ko yung ginawa ni Shawn. Bigyan mo pa ako!" Sabay hila ni Ate Jhoace sa gallon ng Ice cream mula kay Kuya John Ace.

Ito naman ang gusto ko sa mga kapatid ko at siyempre sa parents ko. Very supportive sila sa lahat ng niluluto ko at bini-bake ko, sila ang kauna-unahang fan ko. Kaya naman pinagbubutihin ko ang ginagawa ko. Dahil alam kong proud na proud sila sa'kin. Sa pamilya namin mas magaling magluto ang mga lalaki. Si Daddy talaga ang idol ko pagdating sa pagluluto. Noong bata pa ako siya ang nagti-tiyagang turuan ako. Kahit madalas kaming pinapagalitan ni Mommy. Si Kuya John Ace, marunong din siyang magluto. Si Ate Jhoace marunong din ngunit limitado lang. Pinalaki kami ng magulang namin na marunong sa loob ng bahay tuwing araw ng linggo day off ng mga kasambahay nami. At kami ang gumagawa ng gawaing bahay. Iyon kasi ang gusto ni Mommy. Ayaw niyang matulad kami sa kanya.

Ngumiti ako sa kanila. "Bakit naman kasi pinagtitiyagaan niyong dalawa 'yan? Mayroon akong itinabi para  inyong dalawa."

"Talaga!" Sabay pa nilang sabi.

"Yap!" Tapos binuksan ko ang malaking refrigerator namin at kinuha ang kulay pulang plastik na pinaglalagyan ng Ice cream na ginawa ko sa kanila.

Inabot ko iyon sa kanila. "Ayan! Bigyan niyo ang mga anak niyo at asawa niyo."

Ang lapad ng ngiti nila nang kunin ang ice cream.

"Bawal si Raven at Clarence Miguel nito. Sasakit ang ngipin nila." Sabi ni Ate Jhoace.

"Tama ka diyan, Twin. Bawal din ang mga anak at asawa ko. Si Heira nagda-diet iyon. Ang mga anak ko naman baka ubuhin." Sabad ni Kuya John Ace. Habang nilalantakan nilang dalawa ang Ice Cream.

"Ang sabihin niyo ayaw niyo lang mamigay. Ang tatakaw niyo baka sumakit ang tiyan niyong dalawa."

"Hindi sa'min tatalab 'yan. Nakaka-miss kasi ang mga niluluto mo. Kaya sa susunod, sa tuwing pupunta kami dito. Pagluluto mo kami ng paborito naming pagkain." Ani Ate Jhoace.

"No problem Ate. Isa pa, isama niyo ang mga pamangkin ko at ang asawa niyong dalawa."

"Siya nga pala Shawn. Kumusta na pala ang love life mo? May girlfriend ka na ba?"

"Wala pa Kuya." Sagot ko.

Huminto sa pagkain si Kuya at bahagyang umangat ang kilay. "Bakit wala pa? Wag mong sabihing lalaki ang gusto mo?"

MY REAL CHEF BOYFRIEND (MPBG BOOK2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon