33: Unexpected.

4.8K 69 1
                                    

(DENISE'S POV)





"Nakaka-bad mood ang araw na to tapos uulan pa?"


"Suus!! May sasakyan ka naman papauwi mamaya ah? OA lang ha?" -Raven


"Well, I feel the same way with Den. Nakakalungkot kasi ang araw mo pag umuulan. Wala ka ring magagawa so medyo boring pa. Nakaka down sa mood mo." -Lauren


"Teka lang, nasaan ba sila Nicole at Brian? Malapit na magsisimula ang klase tapos wala parin silang dalawa?" -Kailey


"Malay ko ba kay Brian since lakwatsero naman yon pero si Nicole, hindi ba sila magkakasama ni Seth? Since.....mag-ON na ulit sila?" -Cassie


"Nasa faculty si Seth, may pinapagawa sa kanya." -Yvonne


"Nge? Edi saan na napunta si Nicole? Magkasama ba sila ni Brian?"


"Possibly." -Yvonne


"Oy, Yvonne. Dinig na dinig ko binusted mo na si Brian." -Luke





Natahimik kaming lahat girls at lumingon si Yvonne kay Luke nang iritang-irita ang mukha kaya medyo naguilty na si Luke.





"What? Because it's the right thing to do! Alangan naman ipapaasa ko siya nang ipapaasa, mas lalo lang siyang masasaktan. This is not supposed to be–turning out this way as much as we were thinking. So I had to end it smoothly pero....nasira dahil sa pinanggagawa ni Nicole, nakakaasar lang eh!!" -Yvonne


"Ooh~ kaya bang nilabas ka ni Kuya Niel kanina? Ang sweet sweet niyo pa nga eh. Meron na ba something sa inyo dalawa? AMININ!!" -Raven


"Shut up, Raven!!" -Yvonne


"Well, mas mabuti nang paagahin natin kaysa patagalan na mas lalo siyang masasaktan. Yvonne's right anyway. This is not supposed to be like this. At dahil nasasaktan parin ngayon si Brian at kung hindi man lang siya papasok for the next class.... Class pres, don't mark him absent but instead, excused." -Luke


"Okidokie!!" -Raven





Whoa! Ang galing naman ni Luke. Tama nga siguro yung mga kwento ni Nathan noon na bagay maging leader si Luke sa grupo nila. Kapag wala si Leader, si Luke ang nagbabahala sa members. Nakakahanga lang ah?





After few minutes, may pumasok sa classroom na yung Ma'am Math Terror namin at kasama pa niya si Nicole.





"Class rep! Nasaan si Brian?" -Mark


"Excused." -Nicole





WHOA! Kakasabi lang ni Luke kanina. Excused? Talaga? Di nga?





~ Break time ~





"Haayyy!! Tag-ulan, bakit ba nakakahawa yung mood mo?"


"HOYY, DEN!! Ang tamlay mo, kung ano-ano pang sinasabi mo. Parang gusto na kitang dalhin sa mental hospital eh!!" -Raven


"Mental hospital agad agad? Nakakahawa kasi yung mood ng ulan eh! MASYADONG GLOOMYY!! Umiiyak ang langit!!"


"It makes me feel sleepy too." -Lauren





As Lauren yawned, she moved to the side na to the point na mahuhulog na siya from her seat but luckily, umupo kaagad si Patrick sa tabi niya kaya nagland ulo ni Lauren sa balikat niya.





Behind Her ColdnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon