Chapter 6.1 Possessive

150 9 1
                                    

Chapter 6.1 Possessive








Kim's POV




Bakit ba ang tagal ng babaeng yun? Nagpalate na nga ako ng 10 minutes pero mas late pa din siya. Aish! Dito pa talaga niya napiling magdinner sa sosyal na restaurant. Bonding time namin ngayong magkapatid kasi hindi na kami araw-araw nagkikita kaya medyo namimiss namin ang isa't-isa hihi. Pero hindi kasama si kuya David. Busy yata eh. Lels. Nag order na ako ng pagkain para pagdating nya, wala na syang choice kundi kainin yung mga inorder ko. Mamaya mga mamahalin yung orderin nya. Bwahaha




"HUY!" May biglang tumulak sa balikat ko pero mahina lang. Muntik na akong himatayin sa gulat.




"Baliw ka talaga! Ginulat mo ako," napahawak ako sa dibdib ko.




"Omigod ate, sorry! Sorry. Lagot ako kay kuya Shiro! Shit sorry talaga!" Tumabi sya sakin at hinawakan ang balikat ko na animo'y naguilty sya sa ginawa nya. Kelan pa sya naging ganyan ka-OA?




"Huh? Oo na pinapatawad na kita. Baliw." Ay baka namiss lang nya ako. Haha




Nagtaka ako nang hinawakan niya bigla yung tyan ko, "sorry baby! Nagulat ka ba kay tita? Promise di na mauulit----"




Hindi ko sya pinatapos. "Ano bang sinasabi mo?" kunot-noo kong tanong sabay tabig sa kamay nya.




"Eh kasi baka nagulat si baby dyan sa loob tapos biglang lumabas. Sorry talaga ate, naexcite ako pagkakita ko sayo kaya hindi ko naisip na----"




"Walang baby sa loob, okay?!" Naiirita kong sabi. "Hindi ako buntis." Dagdag ko. Sino bang nagsabi sa kanya na buntis ako?




"Huh? Hindi pa din kayo nagsesex?" Napatakip siya ng bibig. Kung kelan naman huli na ang lahat. Napatingin tuloy sa amin yung tatlong babae sa gilid.




"Baliw ka ba?" ಠ_ಠ




"Eh ba't wala pa ding nafoform? 2 months na kayong kasal diba? Dapat may honeymoon baby na kayo. Dapat buntis ka na!"




"Anong magagawa ko? Uutusan ko yung ovaries ko?" Tsaka...ayoko pa naman muna mabuntis ngayon no. Gusto ko muna tapusin yung movie. hoho




Tumayo sya at nagcross arms, "Hmm... Baka may mali." lumipat sya ng pwesto, sa harap ko na sya ngayon. WHAT? Mali? Huh?



"Anong mali!?" Kunot noo kong tanong.




"Ah, hehe. Wala joke lang." ANONG MALI ANG IBIG NYANG SABIHIN?!




"Hoy ikaw! Bakit ang dami mong alam?! Baka naman ginagawa niyo na ni Troy yun?! Umamin ka!"




"Oy grabe ka ate, hindi namin ginagawa yun." Pagdedeny niya. Jusko patunubayan nawa sila ni Lord na hwag muna nilang gawin ang mga ganoong bagay. Iba pa din ang feeling kapag kasal na kayo at ginawa niyo ang bagay na yun. "Pero madami pa naman kayong oras para gumawa ng baby ate kaya wag ka masyadong mabother," sabi niya. Hindi naman ako bothered ah.




"Ayoko pa naman magkababy nu. Magsisimula na kaming magtaping bukas eh." Sabi ko.



Dumating na yung kong baked oysters at roasted chicken. hoho




"Taping? Akala ko ba live kayo lagi sa news report? Teka, Ito lang inorder mo? Gusto ko ng molten choco lava cake tsaka ayoko ng baked talaba, gusto ko ng steak at lobster and shrimp sausage bolognese!"



Heaven-sent (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon