My Unknown Prince

97 2 0
                                    

Alex's POV

Nandito kami sa Enchanted Kingdom. Birthday kasi ni Angelo, ang aking anghel na crush na dinaig pa si Santino at Honesto sa sobrang bait. Dahil don, kaya ko sya nagustuhan. Pero nakakainis din minsan dahil sobrang bait nya. Lagi nya kong kino-correct pag nagsusungit ako sa ibang tao. Kesyo wag daw ganun dahil hindi maganda sa isang babae ang ugaling ganun, wag daw ako mantrip ng iba kasi masama. Woo! Ang nasasabi ko lang sa kanya lagi "Sorry pooooo" with matching bow pa katulad ng kay chichay sa got to believe. Pero kahit ganun, crush ko pa rin sya. Ang pogi kasi eh. Ang amo amo ng mukha parang anghel talaga.

"Guys! Horror house tayo!" sabi ni Jed na halatang excited. If I know, gusto nya lang pumasok kami doon para maka-chansing. Tsk tsk. Boys will be boys. Buti pa yung crush ko hindi ganun. Anghel nga diba. Kaya, Angelo yung name nya haha.

"Ayoko nga!" sabi ko. Okay, inaamin ko. Natatakot ako pumasok sa mga ganyan dahil mabilis akong magulat at ayoko ng nagugulat. Naiinis ako bigla. At minsan naiisipan kong mantrip. Ayaw yun ni Angelo diba? kaya iniiwasan kong magulat. Mamaya, kung sino na lang pagtripan ko dito.

"KJ naman neto. Dali na, Alex! Ayaw mo bang maka-chansing sa crush mo? yiee." sabi nya pero binulong nya lang yung 'ayoko ko ba daw makachansing sa crush ko.'

May iba akong paraan sa pagcha-chansing no.

"Che! Basta, ayoko."

"Dali na Alex. Usapan naten, bawal KJ diba?" sabi ni Maria. Hahaha. Natatawa parin ako sa pangalan nya. Kung gano kaluma ang pangalan nya, ganun naman kabago ang kilos nya.

"Ano ba yan. Alam nyo namang ayaw kong nagugulat diba?"

"Wag nating pilitin kung ayaw. Dapat nirerespeto natin ang desisyon ng bawat isa. Alam nyo naman na sa panahon dati, mas importante ang----" sabi ni Clara, ang kakambal ni Maria. Oh diba, pagpinagsama, Maria Clara. Kung si Maria, makabago. Si Clara naman, makaluma. Trip nyang kanta, makaluma. Trip nyang damit, makaluma. Dapat daw tinatangkilik natin ang sariling atin. Mga gawa ng pinoy. Aatakihin nga ako sa puso kapag nagpapatugtog to eh.

Di nya natapos ang sasabihin nya dahil sumabat na ang kakambal nya.

"Oy kambal. Isa ka pa, mas makaluma ka pa sa pangalan ko eh. Walang KJ, pwede? Nandito tayo para mag enjoy. Kaya tara na!"

"Ehhhhhhhhh" sabi ko. Ayoko talaga huhu. Nakakatakot kaya.

"Wag ka ng mag-alala. Andito naman ako eh. Ako bahala sayo." Sabi ni Angelo sabay ngiti. Hay, mamamatay ako sa kilig eh. Crush ko na nagsalita, aangal pa ba ko? Sya pa naman daw bahala sakin hihi.

"Sige na nga."

"YES! Angelo lang talaga--- a-a-ahh." sabi ni Jed pero kinurot ko sya para di nya ituloy yung sasabihin nya. Baka malaman ni Angelo eh! Daldal talaga neto.

Pumila na kami at nung time na para pumasok, napakapit agad ako kay Angelo at sya naman ngumiti sakin. Okay na to, yakap yakap ko sya, so imbis na magulat ako, kikilig na lang ako *evil laugh*.

"AWOOOOOO"

"YYAAAHHH!!"

"BOOOOOOOOO"

"AHHHHHHHH"

Ano pa nga bang ie-expect sa loob ng horror house, malamang ganyan.

Nakakapit parin ako kay Angelo pero masyadong maraming taong sumisiksik samin kaya napabitaw ako sa kanya. Naiwan ako dito sa may gilid na walang multong nanggulat. Pero sila Angelo ata nauna na. Kala ko ba sya bahala sakin? huhu.

My Unknown PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon