"Yes? Hello--Yes po. Nasa labas na po ako-- Okay--Bye."
Actually kanina pa ako nandito sa labas ng mataas na building ng mga Montenegro. May inoffer sa akin si Guillianne, I met her sa isang raket ko- sa theater. And yesterday she called me and offered me a job. Hindi ko pa alam yung buong detalye about sa trabaho ang alam ko lang magiging secretary ako, I don't even know kung sino yung magiging amo ko.
"Good morning manong, may appointment po ako with Mrs. Guillianne Montenegro" ipinakita ko yung ID ko sa guard.
"Ma'am sa front desk na lang po" pagkasabi nun ng guard, dumerecho na ako sa front desk.
"Excuse me" nginitian naman ako ng staff na nasa front desk. "May appointment ako ngayon with Mrs. Guillianne Montenegro"
"ID na lang po"
Iniabot ko yung ID ko kinuha niya yun at pinapirma ako sa logbook, binigyan niya ako ng temporary ID for guests.
"Ms. Zapanta, iyong elevator sa kanan na lang po yung gamitin niyo"
I nodded at nagpunta na sa elevator na tinukoy nung babae.
Pagkapasok ko ng elevator, I pushed the button that will bring me to the highest floor ng building- well, asawa ng CEO slash Owner yung kakausapin ko- that's why.
Tumunog yung elevator, sign na nasa desired floor na ko. Pagkalabas ko isang matandang babae ang sumalubong sa akin.
"Good morning. Are you Ms. Zapanta?" mukang sekretarya siya.
"Yes. Asan po si Mrs. Guillianne Montenegro?"
"Asa loob po. Pasok lang po kayo, nagaantay na po siya dun"
Pagkasabi niya nun ay nagpasalamat ako at nagtungo na sa kinaroroonan ng pinto ng office ni Mr. Montenegro. I knocked once then, binuksan ko yung pinto at sumilip. I saw Guillianne, Miguel, and their son.
"Good morning po"
"Oh Milette. Come in" pumasok na ako ng opisina.
"Love, labas muna kami ni baby ah" humalik pa si Sir Miguel sa asawa niya, nakakatuwa naman dati kasi napapabalita na di sila magkasundo yung tipong naglayas si Guillianne. But now, they look really happy with their son.
"Hey baby~ I'm your daddy and you're my best buddy~~"
Natatawa ako kay Sir Miguel, kumakanta pa siya habang yung baby niya tawa ng tawa.
"So have a sit Milette" Sabi ni Guillianne pagkalabas ng mag ama niya.
"Thank you Ma'am"
Natawa naman siya.
"Ang pormal mo naman masyado, Guillianne na lang" and she flashes her sweet smile. Tumango ako at ngumiti din.
"So about the job. Di na ako magpaliguy ligoy pa. I guess you know Rafael"
"The youngest?" I asked.
"Yes. Youngest brother ni Miggy. So I guess kilala mo naman kung anong klaseng tao si Rafael"
"Ahm hindi eh. Naririnig ko lang yung pangalan niya, but I never met him, and kung anong klaseng tao siya, I don't know him yet." pageexplain ko. Hindi ko talaga siya kilala. Kilala ko lang yung pangalan niya, nakita ko na siya sa magazine. Pero hindi pa sa personal.
"Okay. You know. Rafael is a jerk, a playboy, happy go lucky, womanizer name it all."
Lumapit siya sa akin and whispered to my ears "He's also a sx addict" napaatras naman ako sa sinabi niyang yun.
![](https://img.wattpad.com/cover/13771776-288-k851446.jpg)
BINABASA MO ANG
Montenegro Brothers Series 2 - RAFAEL
General FictionONHOLD He's a jerk. He's silly. He's an a-sshole. He's a playboy. He's a happy go lucky. He's a womanizer. He's a s-x addict. He's charming. He's rich. He's a Montenegro. He's the youngest. He's Rafael Montenegro.