Hindi ko makakalimutan,
Unang pasok sa paaralan.
Ako ay napatitig sa iyong mukha,
Sapagkat aking napagtantong mayroon kang kamukha.Hulmang hulma sa mukha ng aking pamangking makulit,
Na sa tuwing kami ay nagkikita,
Bihira lamang na ako'y hindi niya napapatawa.
Napaisip ako kung ganon ka rin,
Ngunit ikaw ay iba pala.
Iba dahil sa paglipas ng mga araw na ika'y nakakasama,
Hindi mo lang ako napapatawa,
Napapakilig, napapaiyak, napapalungkot at higit sa lahat
Ay napamahal pa sa iyo ng sobra.Hindi maipagkakaila na sa iyo ako ay napa-ibig bigla.
Ewan ko ba't andaming kaibigan ko ang nabihag mo na.
Napaasa at nasaktan na rin,
Gaya ng aking pusong nagsusumamo ikaw ay mapasaakin.Napatanong ako bigla,
Sa dinami dami ng lalaki, bakit ikaw pa?
Siguro sa mga magdamagang chikahan na ating pinagsaluhan,
O di kaya'y sa mga pangungulit mong kayhirap-hirap tanggihan?Isang gabing mula sa buong araw na saya lamang ang nadarama,
Naisipan kong ikaw ay kausapin.
Sinimulan sa kwentuhan tungkol sa eskwela,
Hanggang umabot sa puntong pinag usapan natin ay hindi na kaaya-aya,
Sapagkat binanggit mo lang naman ang tanging laman ng iyong pusong nagdurusa,
At pinamukha sa aking wala akong kwenta,
Na siyang dahilan upang ako ay umiyak ng lubusan,
Sa ideyang may mahal ka na palang iba.Napatanong ulit ako,
"Bakit siya? Bakit hindi ako?"
Kung ikukumpara ay malayo naman pala ako sa kanya.
Kami ay ibang- iba sa isa't-isa.
Mas matagal mo siyang nakasama,
Hindi maipagkakailang napakagaling niya sa larangan ng pagpinta,
Dagdagan mo pa ang pagkamahinhin niya,
At napakagaan niyang kausap talaga.Hindi ko maiwasang magalit sa kanya,
Ang dami ng masasamang gawain ang aking pumapasok sa aking isipan,
Pero teka, kasalanan ba niya?
Kasalanan ba niya na siya ang mas nakakalamang sa puso't isipan ni crush kesa sa akin?
Kung tutuusin ay hindi.
Wala siyang kasalanan.
Ang katotohanang ito ang nag udyok sa akin upang tanggapin na lamang na hindi niya ko mahal.Oo, masakit.
Masakit na masakit.
Masakit makita na kinabukasan ay kinakausap mo siya,
Na puno ng ningning ang iyong mga mata.
Kumikislap gaya ng mga bituin sa kalangitan tuwing gabi,
Habang ako ay nagmamasid lamang.
Nasa inyong likuran.
Tinutukso kayong dalawa kasama ang iyong mga kaibigan.
"Muling ibalik ang tamis ng pag-ibig"
Kanta pa nila.
Sabay kanta ko rin pala.Kaya crush, kung mababasa mo ito
Nawa'y masaya ka sa piling niya
Na alam kong ikakasaya mo ng todo.
Ikakasaya ninyong dalawa.
Hindi mo man ako gusto gaya ng pagkagusto ko sayo,
At mas mabuti na ring hindi mo malaman ito.
Masaya akong ikaw ay naging kaibigan ko,
At ako ay naging kaibigan mo.