Dear Ex Crush

4 0 0
                                    

Tayo ay pinagtagpong muli,
Matapos ang isang taon at kalahati.
Nasulyapan ko ulit ang iyong mga ngiti,
Na nakaguhit sa iyong mumunting labi.

Mga alaala ay nanunumbalik,
Kasama ng iyong pagbabalik.
Magmula noong ikaw ay nakasama,
Hanggang sa ika' y nagbago at nakahanap ng iba.

Nakakatawang isipin,
Sapagkat nakamove on ako eh hindi naman naging tayo.
Kaytagal ko ring tiniis ito,
Itong pagkagusto ko sayo na hindi maitatago.

Tanda ko pa noon na pati pagtitig sayo ay aking naging talento,
Ang gwapo gwapo mo kasi sa pananaw ko.
Pero heto tayo ngayon, nakatayo't nagkaharap,
Na tila parang walang pinagdadaanang kayhirap hirap.

Ngumiti ka't ngumiti rin ako,
Binati mo ako ng hi sabay lahad ng iyong kamay.
Kinuha ka iyon at bati rin ng hello,
Habang hinahalukay ang nadarama ng puso noon tuwing ika'y nasa harap ko.

Wala na.
Wala na nga.
Ibig sabihin sa wakas ako ay naka move on na.
Naka move on kahit hindi naman kami naging mag-on.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 04, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

POEMSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon