Dear crush ni crush

7 0 0
                                    

Una pa lang, ako'y hangang hanga na sayo.
Sapagkat bihira lamang ang babaeng katulad mo.
Katulad mong kaysarap kausapin,
At siyempre kaysarap kaibiganin.

Hindi ko alam ang iyong nakaraan,
Hindi ko rin alam ang iyong pinagdadaanan.
Ang alam ko lang ay puro kaligayahan sa likod ng iyong mga ngiti,
Bagamat may mga taong nakasuporta sa iyo lagi.

Akala ko wala lang,
Akala ko kaibigan lamang ang inyong turingan,
Akala ko hindi na lalampas sa pagiging magkaibigan,
Akala ko lang pala.

Hindi ko maiwasan ang pagkadismaya,
Sapagkat nalaman kong mahal ka pala niya.
Pagmamahal niya sayo'y handang isigaw sa iba
Kahit makasakit ng damdaming gaya ng akin na nagdurusa.

Ang swerte mo.
Ang swerte swerte mo.
Ikaw lang naman ang iniibig niya.
Na akin ring iniibig at sinisinta.
Ano pa ang puwang ko sa puso niya,
Laman lamang ang iyong puso't kaluluwa.

Oo naiingit ako.
Naiingit ako sa bawat titig niya sayo.
Kasi alam kong malabong titigan niya rin ako gaya sayo,
Dahil hindi ako ang laman ng kanyang puso.

Hindi ko itatangging masakit,
Masakit subalit titiisin,
Titiisin hanggang ang sakit ay lilipas din,
At umabot sa puntong naka-move on na rin.

Hindi ko alam ba't ganito ang epekto sa akin
Crush lang naman kita pero bakit para akong pinagtaksilan?
Pinagtaksilan ng minamahal?
O pinagtaksilan ng kaibigan at inagaw ang pinakamamahal?

Pasensya kung ako ngayon ay dumidistansya.
Hindi ko lang matanggap sa ngayon ang realidad.
Baka bukas o sa makalawa ay pwede na,
Pwede nang makausap ka gaya noong una,
Noong una na ikaw ay hinahangaan pa.

POEMSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon