ang nilalaman ng liham:unang bahagi

52 2 0
                                    


Para sa mga Kristyanong kagaya ko,

Gusto ngunit pano?

Isa akong Kristyano, oo matagal ng nanampalataya, namumuhay na naayon sa nainis ni Kristo. Alam ko na malaki ang takot ko sa Kanya at alam ko rin na mahal ko Sya. Nagagalak at nagpapasalamat ako sa parehong pighati at ligaya sa piling Nya. Umaawit ng papuri at pagsamba na bukal sa loob ko. Alam ko sa sarili ko na hindi lang ako dinadaya ng relihiyong kinamulatan ko, sigurado ako na ang paniniwala ko ay dala ng sarili kong pagkakaintindi at pag-ibig ko sa Panginoon. Ngunit sa kabilang banda bakit parang meron akong hindi makitang tama sa sarili ko? May mga bagay na nagagawa sa kabila ng matinding pagkatakot? At mga sigurong nagdadala sakin ng mga pagtataka. Alam kong gusto ko ngunit paano nga ba?

Sa mga unang pagkakataon na nakasama ko Siya. Naalala ko pa ang mga pagkakataon nagagalak ang munti kong puso na ninanais ng mag alay ng papuri sa Panginoon palagay ko nagsimula ito nung grade 3 pa ko. Bilang isang estudyante ng Sunday school na kung saan tinuturuan kami magdasal bilang isang bata isang magandang karanasan na sigurado akong matatandaan ko hanggang pagtanda ang kaparaanang ito ng Diyos para matutunan kong lumapit at makipag usap ng direkta Sakanya. Bukod sa pagdarasal may mga salita pa kong natatandaan na bukod sa sigurado kong matatandaan ko ay nararamdaman ko rin na paraan para hanggang sa pagtanda ko makakapaglingkod ako sa Diyos.

"balang araw, kayo naman yung tatayo dito para magturo." Nang sandaling yon alam ko na gusto ko rin namang tumayo ron para magturo kumbaga gusto kong maging paraan ng paglilingkod. Bata pa ko ng unang beses kong maintindihan ang gusto kong gawin sa buhay ko, nang matuto akong magdasal, at maisip ko na meron akong gustong gawin para kay Lord.

Siguro nasa highschool na ko non nung nagkaron ako ng pagkakataong maging isang mananayaw sa aming simbahan. Gusto ko ang pagiging tambourine dancer, gusto ko yung bawat indak ng katawan ko sa tugtog ng papuri at pagsamba. Masaya ako, ay hindi, masayang masaya, sa bawat linggo na isasayaw ko sa Panginoon nagkakaron ako ng determinasyon para pati sa fellowship na kahit mag isa lang ako at hindi ko naman nararamdaman na welcome ako sa circle of friends ng mga kabataan dun sa church e ayos lang iisipin ko nalang para naman kay Lord. Sa pagiging dancer ko, dito ko ibinubuhos yung galak, pasasalamat, at minsan pa nga mga dasal ko kasi alam ko na sa pagsasayaw ko naririnig Niya kung ano man ang hinihiling ng puso ko. Matagal ako naging tambourine dancer kaya nga lang nahinto din siguro nung huling taon ko sa highschool o yung unang taon ko sa kolehiyo hindi ko sigurado. Nung una ayos lang na tinanggal ang pagsayaw sa harapan kaya lang sa katagalan nakakamiss din pala atsaka parang yung pakiramdam na ayos lang na hindi ko masyadong close ang ibang youth atleast nageextend ako ng service tuwing youth fellowship dahil kay Lord at dahil tambourine dancer ako ay parang hindi ko na maidahilan para mamotivate ko yung sarili ko na umattend kahit sa fellowship manlang. 

isang liham ng panahon sa kapwa panahonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon