ikalawang bahagi ng liham

31 1 0
                                    


Natapos yung pagiging dancer ko oo, pero hindi yung connection ko kay Lord lagi naman akong humihingi ng patnubay at gabay tapos inihihingi ko din naman ng pahintulot kay Lord kung ano man yung mga gagawin at binabalak kong gawin. Siguro dahil ramdam din naman ni Lord na gusto ko ang maglingkod binigyan nya din ako ng chance na makapagturo sa Sunday school. At oo, kung naaalala nyo yung statement ng teacher ko dati sa Sunday school nagkatotoo yon, naging Sunday school teacher ako, sobrang nagugustuhan ko ang pagiging Sunday school teacher ko kahit na medyo magugulo ang mga bata ayos lang kasi andyan naman si Lord at biyaya Niya sakin ang kakayahang makapagturo kaya ipinagpapasalamat at ipagpapasalamat ko ito Sakanya. Matagal din akong nagsunday school teacher mga 2 years o higit pa. Tumigil kasi ako ng 2 taon sa kolehiyo at dahil isa nga ko sa mga Sunday school teacher binigyan na din ako ng school na pagmamay ari ng Pastora naming na makapagturo bilang assistant supervisor, edi para na din ako nung teacher sa totoong buhay hindi lang twing linggo gusto ko yung trabaho, maayos ang swelduhan di din naman kasi ako masyadong mapaghangad, bukod pa rito may offer din sakin na gagawin akong supervisor after ng several trainings pero hindi ko tinanggap kasi sa puso ko nararamdaman ko gusto kong magkadiploma yung 4 years course graduate ba, kaya nga after 2 years na stop at pagiging assistant supervisor, pumasok na ko ng college. Masaya ang college life ko mahirap ang pagbabyahe araw araw lalo na sakin dahil nahihilo ako sa byahe.  Pero gusto ko to kaya sapat na dahilan na to para magpatuloy at magsipag sa pagpasok araw-araw.

Sa kolehiyo, nararanasan ko yung mga bagay na hindi ko nararanasan nung highschool ako, yung pakiramdam na para bang eto yung buhay ng nasa tamang edad na. Naranasan ko yung overnight, yung magpapaalam ka kapag nandun ka na sa pag oovernightan mo para di ka na mapigilan, yung matikman ang alak na buti nalang hindi ko talaga nagustuhan. Yung umuwi ng late, yung maghahang out muna sa bahay ng classmate ko bago umuwi at syempre yung mainlove. Hindi ko man alam kung ano-ano yung kulay ng buhay pag ibig ko o kung may kulay ba o wala, hindi ko alam. Pero kakaiba to sa pacrush crush lang nung highschool kasi ngayong college napalabas ko yung inner poetic side ko, marami raming tula din ang naisulat ko tungkol sa lalakeng nagugustuhan ko. Siguro nga experience is the best teacher, kasi biruin mo sa experience kong to nakakasulat ako ng tula.

Sa lahat ng nararanasan ko ngayong college ako marami din ako narerealize na mga pagkukulang ko kay Lord, narealize yung mga paulit ulit kong kasalanan, mga kasalanang nadagdag sa marami ng kasalanan. Ngayon nararamdaman ko na hindi ako mainit at hindi rin nanlalamig sa pananampalataya kumbaga malahininga (lukewarm). ("So, because you are lukewarm--neither hot nor cold--I am about to spit you out of my mouth." Revelation 3:16). Naalala ko isang Sunday Service sa church ang topic ay ang pagiging lukewarm. Sabi ng Pastora namin mas mabuti pang maging cold sa pananampalataya sa Diyos kaysa maging malahininga ka, dahil isusuka ka ng Diyos. Yung para bang weekdays I'm doing some negative things, thinking some dirty thoughts, and then weekends banal-banalan.  Naiisip ko dapat ba kung hindi ako mainit sa pananampalataya ay nanlalalamig nalang? Hindi ba Siya magagalit sakin kung ngayon pa ako manlalamig? O pano kung magustuhan ko na ang panlalamig at hindi na ko makabalik? Anong gagawin ko? Gusto ko ngunit pano?

isang liham ng panahon sa kapwa panahonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon