FOUR

1 0 0
                                    


"Tapos na?" Baritono at malamig na boses.

"Daniel?"

Kinuha niya ang cellphone sa bulsa niya at binuksan ang flashlight nito.

"Tapos na ba?" Ulit niya. Teka, anong klaseng sitwasyon to?

"O-oo tapos na." Naguguluhan kong sabi.

"Samahan na kitang umuwi."

Bumalik ako sa realidad at naalala ko ang mga pangyayari kanina sa council. Hindi ginawa ng maayos? Ayaw ko mang aminin pero nasaktan pride ko ha!

Binigay ko sa kanya ang bag ng invitation.

"Ayan. Isang daan lang yan. Hindi pa nagagawa yung iba kaya babalikan pa bukas. Mauuna na ako." Sapilitan kong binigay sa kanya ang invitation at naunang maglakad.

"Ihahatid na kita. Kargo de konsensya ko pa pag napahamak ka."

Kainin ka sana ng konsensya mo. Ligtas akong nakalabas ng palengke habang nakasunod si Daniel.

Pati pagsakay ng jeep ay kasama ko siya.

"Itago mo yang cellphone mo." Bulong niya sakin. Mas lalo ko pang nilabas ang cellphone ko. Maya-maya ay hinablot niya yon at siya mismo ang nagtago sa bulsa niya.

Wow?

Pagkababa ng jeep hinila niya agad ako sa may tricycle.

"San Lorenzo manong."

"Daniel yung phone ko." Sabi ko habang nasa loob kami ng tricycle. Hindi siya kumibo kaya tinanggal ko ang earphones niya.

"Problema mo kanina? Yung phone ko."

"Kanina pa nakatingin sa phone mo yung lalaking nasa harap mo. Nang-aasar ka din e."

"Ay thank you." Sarkastiko kong sabi. Saka niya binigay yung phone ko pagbaba ng tricycle.

"May missed call pala yung Gino." Sabi niya. Tumagal ang tingin niya sakin.

"Hindi mo tatawagan?"

"Itatanong lang non kung naka uwi na ako. Mamaya na."

"...okay na ako dito." Nasa tapat na kami ng gate ng subdivision. Tinignan niya ang mga guwardya.

"Sigurado ka?"

"Oo, salamat sa paghatid." Kaswal kong sabi. Tatalikod na ako ng may sinabi pa siya.

"Wag ka ng bumalik don bukas. Kami na lang ni Fin ang kukuha." Tumalikod siya na parang normal lang ang kinilos niya. That's unexpected from him. Hindi naman kami masyadong nag-uusap sa school, kung mag-uusap man, tungkol sa council. He's more reserved and strict. Kahit sa sarili niya ata strict siya.

Kinabukasan abala ako sa decoration ng ball room, sa isang araw na kasi yung grad ball.

"Yung mga lanterns ingatan niyo pag kabit." Paalala ni Tina. Nasa taas ako ng ladder ng pumasok sa hall si Daniel. Kinabit ko ang lantern ng maayos at bumaba.

"Lunch na tayo." Aya sakin ng iilang miyembro.

"Una na kayo, may usapan kami ni Shiela saka ni Gino e."

Hinayaan ko muna silang kumain habang inaayos ko ang mga lobo na ididikit.

"Tubig." Inangat ko ang tingin ko kay Daniel na biglang lumapit at may dalang bote ng tubig.

"Sige, lapag mo na lang sa lamesa." Tahimik siyang umalis at nakihalubilo sa iilang council. Lumapit sakin si Tina at sinikuhan ako.

"Sinundan ka niyan kahapon diba." Tukoy niya kay Daniel.

"May pag abot pa ng tubig ngayon. Nako." Binigyan niya ako ng makahulugang ngiti.

"Hindi mo ba nakita? Binigyan niya rin ng tubig yung iba."

"Ay ganun ba."

Pag sapit ng ala-una, paalis na ako ng hall para kumain kasama sila Shiela.

"San ka pupunta hindi pa tapos mag-ayos sa loob ah?" Sa likod ko ay isang asungot ang naka sunod. Daniel.

"Kakain lang po president, hindi pa ako nakain."

"May iba kang kasama?" This conversation is really weird.

"Mga kaibigan ko."

"Kasama yung Gino?" Now, he's acting really weird.

"...uh." Mabilis kong mabasa ang mga aksyon ng mga taong nasa paligid ko. Nababasa ko agad ang ibang ibig sabihin ng tanong nila. Pero ito, hindi ko alam kung assumera lang ako.

"Oo." Maigi ko siyang tinitigan.

"Samahan mo muna ako kay Ms, Chen kunin yung mga invitation, ipapamigay pa natin yon."

"Akala ko ba kayo ni fin ang kukuha-"

"Kinuha na ni ms. Tara na." Nauna siyang mag lakad sakin. Hindi ako binigyan ng choice kung sasama ba ako o hindi. Sumunod na lang ako para sa ikakatahimik ko.

Siya kumausap kay Ms,Chen sa loob ng faculty. Lumabas siya matapos ang limang minuto dala-dala ang invitation.

"Tara." Nauna na naman siya mag lakad.

"Di ba pwedeng ikaw na lang? Gutom na ako. Hinihintay na ako nila Shiela."

Bumalik siya sa kinatatayuan ko. "Sasama ako. Tapos ibibigay na natin 'tong invitation."

"Sasama saan?" Kunot noo kong tanong.

"Sa pagkain mo."

"Ha? Kasama ko sila Shiela."

"Kilala naman ako non."

Ilang beses ko siyang pinigilan pero heto, para akong nasa imbestigasyon kung tignan ako nila Shiela at Gino.

"Tulungan mo kong mag revise mamaya ha?" Sabi ni Gino.

"Tapos ka na kumain? Tara na." Biglang tumayo si Daniel at nag-aaya ng umalis.

"Mag bibigay lang kaming invitation."

Naka sunod na naman ako kay Daniel habang binibigyan ang ibang mga department. Pagtapos ay bumalik kami ng Hall para tumulong. Iilang mata na ang napapatingin samin na may pagtataka. Alam kong may iba sa kinikilos niya kaya matapos mag decorate ay kinausap ko siya.

Kinuha ko ang bag ko at nilapitan ko si Daniel na nag liligpit ng gamit. Kaming dalawa na lang naiwan dito, mukang sinasadya pa niyang mag paiwan.

"Okay ka lang ba?" Tumaas ang dalawang kilay niya sa tanong ko. Tumagal ang ilang segundong nakatingin siya sakin.

"Hindi."

"Kahapon mo pa ako ginugulo. Anong kailangan mo?"

"Bukas sa ball..." Naninimbang ang tingin niya sakin.

"Susunduin kita."

And that answered all my questions.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 18, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

AwakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon