THREE

3 0 0
                                    

Just one week to go before I finish my college. I'll be finally free from school, hooray! 

"Magna cum laude.." parang di totoo, I'm graduating with latin honors!

"Hi!"

"Gutom na ako, tara sa cafeteria!" Inakbayan ako ni Shiela at hinila papuntang Cafeteria. My batch mates greeted me. I'm quite popular in our university, it's because I'm a member of the student council.

"Oh, malapit na ka ng grumaduate pwede ka ng makipag date!" Biro ni Gino sakin.

"Hindi pwedeee!" Protesta ni Shiela dala ang mga pagkaing pinamili niyang nasa tray.

"Porket wala kang boyfriend bawal na rin siyang mag boyfriend ganon?" Sarkastikong sabi ni Gino.

"Hindi naman.. Balak pa naming mag bar! Mag travel! Pano namin magagawa yon kung may mga selfish kaming boyfriend?"

"Dapat kasama ako diyan sa travel." Sabi ni Gino.

"Grumaduate ka muna! Delay ka nga ng isang taon eh!"

"Nakakasakit ka ng damdamin ha!" Tumawa na lamang ako sa asaran nila.

"Girl! Kailangan ka sa council." A girl in sweet pink dress approached me.

"Tawag ng president." Dagdag niya.

"Tumakbo ka na bago ka pa pag initan nung supladong yon." Natatawang sabi ni Gino.

Pagdating ko sa council, tahimik at mga naka busangot ang iilang members na andon. Mukang napagbuntungan ng inis. Samantalang may binabasang papel ang presidente sa lamesa kung saan nakalagay ang pangalan niya.

Daniel Forgalidad
Pres. of the Student Council

I hate how he is seated like a king in his throne.

"Sinabi mo na ba to kay Ms.Chen? Bakit may kulang pa sa invitation para sa graduation ball?" Simula niya pagkapasok ko pa lang.

"Wala kasi si Ms,Chen kahap-"

"Hindi mo in-email? Minessage? Hindi mo man lang ginawan ng paraan?" He said stone cold.

"Ginawa ko. But I didn't get any replies."

"Ginawa mo pero hindi mo ginawa ng maayos." Wow! I get that he's stress from all of this but I'm not taking any shits from him.

"Kung atat na atat ka ng makompleto lahat ng invitations ako mismo pupunta don sa manggagawa ngayon."

"6 pm na, bukas pa ba yon?" Tanong ng isang myembro.

"Bukas na bukas." Mariin kong sabi at lumabas ng office.

Anong gagawin ko pag hindi na bukas yon? Wow I hate myself. But I'll hate myself more pag hindi ko ginawa yung sinabi ko. Sinalubong ako ni Shiela at Gino sa daan.

"Tara uwi na tayo!"

"May pupuntahan pa ako." 

"Saan?" Sabay nilang tanong.

"Pupuntahan ko yung gumagawa ng invitation."

"Delikado na doon. Samahan mo yan Gino may family dinner kami." Sabi ni Shiela.

"Hindi pwede! May i-rerevise pa akong paper. May driver naman yan 'no." Ang problema umuwi ng probinsya si kuya.

"Ayos lang ako, ingat kayo." Sinamahan na lang nila akong sumajay ng jeep bago kami maghiwalay ng landas.

Pumasok ako sa maliit na eskinita ng palengke, sarado na ang iilang tindahan at may mga lalaking naka tambay sa gilid gilid. Pinipilit kong isaksak sa utak ko na kasalanan to ni Daniel pero bakit ba napaka liit ng pasensya ko. Sana hinayaan ko na lang siyang pagalitan ako kaysa ipain ko ang sarili kong pumunta dito.

Bukas pa!

"Manong, yung mga pinagawa pong invitaion ni Ms,Chen?"

Nanliliit ang mga mata niyang tinitigan ako. "Ms,Chen?" Kinuha niya ang libro na listahan.

"Chen Sevilla po."

"Saglit lang nene." Pumasok siya sa loob. Tinignan ko ang kabilang dulo ng eskinita. May pigurang nakatayo doon na mukang may hinihintay. Ayokong kabahan please lang. My anxiety made it a lot worse.

"Kuya pakibilisan please lang." bulong ko sa sarili ko. Nasa loob pa si manong.

"Ilang piraso pa ba ang kulang ne?" Silip niya sa pinto.

"Um..Nasa 350 invitations pa po ang kulang."

"Ay nako, balikan mo na lang yung iba bukas. Isang daan pa lang ang nandirito."

"Sige ayos lang po!" Ang mahalaga may ma ipakita ako sa presidenteng menopausal na yon.

Matapos kong makuha ang isang daan na invitations, nanginginig na ang tuhod ko habang naglalakad papunta sa dereksiyon kung nasan yung nakatayo. Dead end na yung kabila kaya wala akong matatakasan.

Pag inatake ka, sa muka mo puruhin. Ume-echo ang boses ni Gino sa utak ko. Minsan niya na yang sinabi sakin.

Palapit na ako ng palapit sa taong yon. Mahigpit na ang hawak ko sa bag. Mas lalo akong kinabahan ng makita kong may dinudukot siya. Baril? Kutsilyo? Napako na ako sa kinatatayuan ko ng nag lakad na siya palapit sakin.

AwakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon