Kabanata 23

453 25 14
                                    

Kabanata 23

The Truth

Tahimik ang buong lugar. Maging kaming dalawa ni Vace ay natahimik din pagkatapos ng walang tigil naming paguusap kanina. Mostly, about sa buhay niya. Kung saan siya nakatira, kung ano siya rito sa mundo nila at kung ano ano pa.

Tumingin siya sa kanyang wristwatch, pagkatapos ay sa akin. Ngumisi siya at pumalakpak. Natawa na rin ako sa itsura ng mukha niya kaya hindi ko na masyadong narinig ang kanta niya.

"Happy birthday, Aerin Fray!" Aniya pagkatapos ng kanta.

Nagulat pa ako nang banggitin niya ang buong pangalan ko. Hindi ko alam kung sinabi ba sa kanya, o alam talaga niya. Pero mas binigyan ko ng pansin ang effort na ginawa niya. Actually, wala naman talaga akong ineexpect, e. Dahil nga masyadong magulo ang mundong tinatapakan ko ngayon.

As expected, hindi pumalya si Vace tuwing birthday ko.

"Thank you so much, Vace!"

Tumagal pa kami ng ilang oras doon, bago napagpasyahan na umuwi na. Madalim at malamig ang bawat paligid. Hindi ko alintana na nakapantulog lamang ako dahil wala naman masyadong tao sa paligid.

Tahimik ang buong paligid. Payapang nagsasayawan ang mga puno dahil sa lakas ng hampas ng mga langit. Maging ang puno rito ay iba sa puno sa Shadow. Kahit na may kapangyarihan na bumabalot sa mundo namin ay mas dark at panganib pa rin ang mga puno rito. Parang may tinatagong sekreto na kailangang malaman.

Pagdating namin sa apartment ay agad na tumayo si Earn para salubungin kami. Nakangiti siya habang yakap ang puting libro sa kanyang dibdib. Ang buong akala ko ay natuto na siya ng kahit na isang spells, o 'di kaya naman ay bumalik na sina Jist. Ngunit nang magsimulang kumanta si Ligaya ay napawi ang ngiti ko.

Hindi ko inaakala na magiging ganito ang kaarawan ko. Ni-minsan ay hindi nila ako nagawang batiin sa Shadow. Tanging si Vace lamang ang gumagawa ng paraan para maging espesyal iyon sa akin. Dahil kahit si Knight o Waynedi ay hindi ito nagawa sa akin.

"Happy birthday, Ae!" Sigaw nilang lahat.

Nakangiti ang bawat isa ngunit kitang kita ko pa rin ang pagod at lungkot sa kanilang mukha. Lalo na si Hex na nakaupo sa couch, katabi ni Waynedi.

"Thank you, butㅡ"

"I know exactly what you're thinking, Fray. Go on. Celebrate you birthday," ngiting sabi sa akin ni Mahika.

Hindi naman talaga siya kontrabida katulad ng iniisip ng iba. Masyado lang nakain ang puso niya ng inggit at selos kaya niya nagawa ang ilang bagay na masama kay Earn noon. Tinignan ko rin si Knight at tumango ito sa akin.

Kung may dalawang tao lang akong puwedeng pagkatiwalaan ngayon ay walang iba iyon kundi si Knight at Mahika. Pare-parehas kaming galing ng Shadow. Parehas kaming gising ang kaluluwa rito sa mundo nila.

"Niloloko mo lang si Earn!" Sigaw ko kay Knight.

Napapikit ito habang hinihilot ang sintido niya. Nagulat ako nang bigla siyang umamin na alam niya ang tungkol sa Shadow at galing siya roon. Noong una ay akala ko nagbibiro lang siya ngunit nang banggitin niya ang mga alam niya tungkol sa akin na siya lamang ang may alam ay roon na ako naniwala.

I know, nakakagulat. Kahit ako ay nagulat din ngunit mas nangibabaw sa akin ang pagpapasalamat na narito siya, kasama ko. Dahil kung ako lang mag-isa ay hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.

"I'm not. Ako ang Knight na nakilala niya. Ako ang Knight na minahal niya rito sa Earth," mahinahon niyang sabi.

"P-pano? D-dibaㅡ"

Gising siya sa Realm namin. Halos araw araw kaming magkasama roon kaya hindi puwedeng narito siya habang naroon din siya sa Shadow!

Umihip ang malakas na hangin kaya mas lalong nanlamig ang pakiramdam ko. Hindi ko maintindihan ang lahat kahit na anong paliwanag ang sinasabi niya. Pakiramdam ko ay sarado ang utak ko at hindi niyon maproseso ang lahat ng sasabihin ni Knight.

"Tss. I have this secret task. Galing sa pamilya ng Perfect 10..."

A task?

Aware kaming lahat sa Shadow na maraming iba't ibang Realm na tinatago. Maraming iba't ibang mundo ang nagkalat. Pero hindi ko inakala na isang beses ay ako mismo ang maka-experience ng lahat ng ito.

"W-what task? At saka kanino galing?"

"Nagpapabalik balik ako from our dimension to this dimension, dahil may kumakalat na balita na may pumupunta rito para manguha ng human blood. Mas malakas at mas maiibsan kasi noon ang uhaw ng mga bampira kaysa sa mga dugong nasa Shadow."

And now, mas lalo akong naguluhan. Paanong nangyari iyon, e, halos hindi na kami mapaghiwalay na dalawa. Hindi ko maintindihan at sa tingin ko ay hindi ito kayang ipaliwanag ng isang beses lamang.

"Hindi puwedeng gising ang parehong dimension, Ae." Sinagot na niya ang tanong sa isip ko. "Ngayong nandito tayo sa Earth, tulog ang dimension natin. Tulog ang Shadow. Sa oras na makabalik tayo roon, itong dimension naman nila ang matutulog."

"How?! I don't fucking know how!"

Pakiramdam ko ay tuluyan na akong babaliw. Una ay dahil napunta ako rito; rito kung saan buhol buhol ang lahat. Wala sa pagkakaayos at sa mundong hindi ko kinalakihan. Tapos ngayon ay ito namang sinasabi ni Knight?

"It's Earn's magic. Simula nang pumasok ako rito ay naging ganoon na ang set up ng both realm. Hindi iyon mababago hangga't hindi niya tinatapos ang spell,"

Pero paano matatapos ni Earn ang spell kung tulog ang Shadow. Paano kami makakabalik doom kung tulog din pati si Earn? Kaya ang tanging paraan na lamang talaga ay si Earn dito sa Earth. Alam kong kahit na buhol ang mundo namin ay kami pa rin ito. Sila pa rin ito.

Perfect 10, right? Bakit parang naging Perfect 2 ang inaasahan? Bakit hindi sinabi sa amin ang misyong ito? Dahil ba alam nilang hindi namin kaya at tanging si Knight at Earn lang ang may alam?

Hindi ko na talaga alam kung ano ang iisipin sa mga oras na ito.

Pero waitㅡkung nakakabalik siya noon ng Shadow galing sa Earth kahit tulog si Earn ay baka puwede niya ring gawin iyon ngayon nang walang kahirap-hirap! Lalo na kasama pa namin si Mahika.

"Kung ganoon, paano ka nakakabalik sa lugar natin? Balik na tayo!"

"I wish we can, Ae. Pero sarado ang portal kung saan nagdudugtong ng both realm, at dahil iyon sa iyo. Dahil sa pagpasok mo rito sa mundo nila,"

Dahil sa akin? Dahil sa pagpupumilit kong pumunta ng Lightwood kahit na sinabing bawal. Dahil sa pagkahigop sa akin ng dark hole at pinunta ako ng portal dito sa mundo nila?

Walang ibang puwedeng sisihin dito kundi ako. Kaya wala ring puwedeng tumama ng lahat ng mali ko, kundi ako lang.

"And about Vace," aniya kaya nag angat akk ng tingin sa kanya, naghihintay ng sagot. "He's your brother, no matter what."

💎💎💎

Sabi ko nga, ako lang nagulat hahaha.

Song : Him and I by G-Eazy and Halsey

Shadow RealmTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon