Prologue
I'm just a normal teenager. Mabait at masipag na anak. Never ko ring nadissapoint ang mga parents ko. Hindi ako tulad ng iba na mahilig magpunta sa mga parties. Ang araw-araw ko ay pare-pareho. At kung ikukumpara ang buhay ko sa isang wattpad story, siguro ito 'yong pinakanakakabagot.
Wala din akong boyfriend. 'Di naman sa ayoko pero feeling ko kung magkakaroon man ako no'n ay madidistract lang ako sa pag-aaral. At para sa akin ay kaechosan lang 'yang love. 'Di ko pa man nararanasan ay ayaw ko na. Sa mga nakikita ko pa lang na hugot ng mga teenagers sa facebook, mga umiiyak dahil sa iniwan, at mga umaasa kahit naman walang pag-asa, alam ko nang, walang mabuting maidudulot ang love na 'yan sa buhay ng tao. 'Di ako bitter.
Binabasa ko no'n ang Harry Potter and the Cursed Child nang biglang lumapit sa akin ang kambal ko. She was Hazelyn Mercado, and is 5 minutes older than me. Even though halos magkaedad lang kami ay itinuturing ko pa rin siyang ate. 'Yon ang turo ni mommy eh.
"Ally!" Nakangiti niyang tawag sa 'kin. Papalapit pa lang ay alam ko na ang sasabihin niya. Let me guess, siguro sinagot na 'siya' ang long time crush niyang si Timothy. Yes, 'siya', iba na nga siguro ang generation ngayon at babae na ang nanliligaw sa babae. Mmm bahala siya r'yan.
"Sis! Guess what," aniya saka napatili, kilig na kilig naman 'to. "Kami na ni Tim! Oh my gosh! After two long years! Finally!" Matapos niyang sabihin iyon ay niyakap niya ako nang mahigpit.
"I-I can't breathe." Reklamo ko, kaya naman agad din siyang bumitaw na nakangiti pa rin.
See? Ang galing ko talagang manghula. Mmm manghula na lang kaya ako instead of marrying someone or interacting with that word "love", kikita pa ako, good idea.
"Hey, 'di ka ba masaya para sa 'kin Ally?" Napapout naman siya nang mapansin akong 'di nakangiti sa good news niya. Dapat ba akong ngumiti dahil finally natapos na ang dalawang taong paghihirap ng kapatid ko sa panliligaw sa lalaking 'yon?
"I'm happy, look." Sabi ko saka pilit na ngumiti, 'yong malaki para ramdam.
"Ang plastik mo naman eh. Magboyfriend ka na kasi para maranasan mo rin ang kilig na nararamdaman ko ngayon at nang may kasama ako sa kilig."
"I'm happy for you Zel, kung magiging masaya ka d'yan eh 'di I'll support you. Just don't drag me sa love love na 'yan, it will only ruin my peaceful life."
"May paenglish pa si kambal, as if 'di ko alam ang kabitteran mo. You know sis, love is very magical, yes, siguro may mga pagkakataong masasaktan ka pero I assure you 'pag nahanap mo na si 'The one' para mo na ring nahanap ang happiness mo for life."
Haaays. Saan niya naman nakuha ang mga 'words of wisdom niya?'
"It doesn't mean na nahanap mo na si 'The one' nahanap mo na happiness mo for life.
Tanong lang sis, kayong dalawa ba ni Tim mahal ang isa't isa?""Of course yes sis, 'di niya naman ako sasagutin kung 'di niya ako mahal eh."
"Are you sure na together pa rin kayo after fifty years?"
"O-of course"
"No sis, maraming possibilities ang pwedeng mangyari, pwedeng isa sa inyo ang mambababae o manlalalaki, pwede ring may isang maaksidente sa inyo o mamatay dahil sa malubhang sakit, at higit sa lahat maaari ring mawalan na kayo ng pagmamahal sa isa't isa. O 'di ba, you can't even assure na magtatagal kayo. Kahit anong sabihin mo masasaktan at masasaktan ka pa rin. So if I were you, 'di na ako maga-asawa o 'di kaya'y magbo-boyfriend, no heartbreaks, no crying all night, no sadness, no pain, and lastly there's happiness."
"'Di mo alam ang sinasabi mo sis. Kaya ka nga siguro naqualify sa L.U."
"L.U? Ano 'yan, La Union?"
"Gagi hahaha, Love University 'yon."
"Weird name. T-teka, anong 'naqualify'?"
"Kahapon lang dumating ang nirequest ni mommy na files mo from our school. Naprocess na rin ni mommy ang pag-enroll mo sa bago mong school. 'Di na nga rin nakakagulat at naqualify ka agad kahit na 'di ka nagtake na exam, sa kabitteran mo ba namang 'yan. By the way, tomorrow will be the beginning of your classes, good luck sis!"
"W-what? Ililipat ako ng school? Why? How?"
"Secret. You'll know soon. Just prepare your things and also your....
....heart."
BINABASA MO ANG
Amour: The Game
Teen Fiction[UNEDITED] "Break a heart or be broken." Started: March 4, 2018 Book Cover Credits to: _winterkim