Chapter 5

5 0 0
                                    

Chapter 5

"Break a Heart or be Broken"

This ones' weird. You need to break a heart so that you won't get broken? Too selfish. Ugh ano bang pake ko eh wala naman dapat.

Instead of reading the email ay ipinagpatuloy ko na lang ang pagtulog ko. Hindi naman siguro big deal ang Amour game na 'yon.

Nagising ako nang maaga dahil sa sanay naman na 'ko do'n. It was very unusual
kasi no'ng before pa ako lumipat ay halos wala na akong tulog dahil sa sandamakmak na requirements. I just hope mas kaunti dito.

Hindi ko na hinintay ang dalawa at dumiretso na ako sa canteen. May kaunti na ring kumakain ng breakfast. Umorder lamang ako ng mainit na lomi at isang tasa ng kape.

Ugh. Sana'y magustuhan ko ang lasa nito. Nasanay kasi ako sa luto ni mommy, na mula ngayon ay 'di ko na madalas matitikman, haaays.

Nagdasal muna ako para magpasalamat kay God para sa pagkain. Nang matapos ay idinilat ko rin ang mga mata ko, at nagulat nang makita ang taong nanggulo sa 'kin kahapon. Sino pa ba?

"Maka-Diyos ka pala babe. Ang swerte ko naman sa 'yo." Ngingiti-ngiti niyang sabi. At ngayon may pa-babe na siya. 'Di ba siya nandidiri sa mga pinagsasabi niya?!

Sinamaan ko siya ng tingin saka kinuha ang kutsara at nagsimulang kumain ng lomi. Pero dahil sa pagkainis ko sa asyumerong lalaking 'to, nakalimutan ko tuloy na hipan 'yong sabaw, napaso tuloy ang dila ko.

"Ouch." Agad niya naman akong inabutan ng hawak niyang malamig na bottled water. Wala akong dalang tubig at 'di rin ako nakahingi ng service water kaya napilitan akong kunin ang inaabot na tubig ng lalaking 'to. Tuwang-tuwa naman siyang nahihirapan ako, aiiish!

Masakit pa rin ang dila ko kahit na nakainom na ako ng tubig. Halos maubos ko na nga 'yong inabot niya.

"Napakaclumsy naman ng baby ko. Ganito kasi ang tamang pag-kain ng mainit na lomi." Kinuha niya naman ang nabitawan kong kutsara kanina at nagkutsara ng lomi mula sa mangkok ng kinakain ko.

Ano namang balak niya ngayon? Ano 'to, free lesson ng tamang pagkain ng lomi? Ano ako baby?

"Hipan hanggang sa medyo lumamig at saka isubo at lasapin ang sarap!"

"Oh? Masaya ka na niyan?" Taas kilay kong sabi sa kanya.

"Oo naman babes, first indirect kiss natin 'to eh." Aba't—. Kinindatan niya pa ko't nginitian bago umalis.

"Kyaaaaaa" Hiyaw ng mga babaeng nasa katabi ko lang na lamesa. Psh, kung makatili akala mo sila ang kinikindatan. Ugh, why do I even care. Maubos na nga itong lomi.

Matapos kong mag-agahan ay bumalik din ako sa room namin. Nadatnan kong nagmemessenger si Raven, siguro kachat niya 'yong jowa niya, at si Atasha na kakalabas lang ng kwarto niya at papuntang cr.

"Aly, saan ka ba nagpunta? Napaaga ba ang boy hunting mo?" Tanong sa 'kin ni Raven na tutok na tutok pa rin sa kanyang phone. Huh? Anong pinagsasabi nito? Boy hunting? Si Alyzen Mercado magboboy hunting? You gotta be kidding me.

"Ano ba. Hindi no, nagbreakfast lang ako." Pagdedeny ko, dahil 'yon naman talaga ang totoo.

"Nagbreakfast ka na?!"

"Gulat na gulat?"

"Eh bakit ba di mo na lang kami hinintay  ni Atasha? First breakfast pa sana natin ngayon."

"Maybe next time na lang Raven. Magpeprepare na ako ng mga gamit ko."
Paalam ko sa kanya.

"Okie!" Masayang sagot niya nang hindi man lang tumitingin sa 'kin. Psh.

Amour: The GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon