Chapter 6
"My muse." Agad akong napatayo at hinarap siya.
"Ikaw na naman?" Oo siya nga. Ang lalaking asyumero na kahapon ko pa nakikita.
"'Wag ka na magalit, andito na ako o, alam ko namang namiss mo ako ng sobra eh." Aniya sabay kindat pa. Kahit na nakatalikod sa mga babaeng bumangga sa akin kanina ay ramdam ko ang mga nakamamatay nilang tingin. Gosh, kung gusto nila ang lalaking 'to, edi kunin nila, nang tumigil na 'to sa kalandian niya.
"Namiss your face! At pwede ba stop pretending that I'm one of your chicks. Ang dami-dami riyang malalanding higad, sila na lang ang pansinin mo!" Face-to-Face kong sabi sa kanya. Tila nagulat naman siya sa sinabi ko pero agad din siyang napangiti, problema nito? "'Di makapaniwala" ko siyang tinignan.
Walang sabi-sabi niyang hinawakan ang kamay ko at hinila ito. 'Di pa sana ako sasama pero bigla akong itinulak ng lalaking nakasunod sa kanya.
"H-hoy, bitawan mo nga ang kamay ko. I'm going back." Sabi ko sa kanya na nakapagpatigil naman sa kanya sa pagtakbo. Buti sana kasi kung maliliit lang hakbang niya 'di ba, para di agad ako mapagod. Well, maliit o malaki man ang hakbang niya ay babalik pa rin ako sa dorm.
"'Di pa nga tayo nakakapaglibot gusto mo nang umuwi. 'Wag ganyan babes, nasasaktan ang heart ko." Aniya habang nakahawak pa sa dibdib niya at umaacting na parang nasasaktan. Psh, drama.
"Anong heart? Puso 'yan."
"Huh? Nagka-amnesia ka ba babes? Pareho lang 'yon."
"Hindi no, at hindi mo rin ako babes."
"Pareho lang. English ng puso 'yong heart."
"Magkaiba sila ng spelling at lenggwahe kaya magkaiba. So shut up." Pagsusungit ko sa kanya. Eh ano kung pareho, ayokong tanggapin ang pagkatalo ko lalo na't ang pilyo pa naman ng lalaking 'to.
"Oo na nga. Ang sungit talaga ng babes ko, pero mahal ko pa rin kasi hanggang ngayon 'di niya pa rin binibitawan ang kamay ko." Napatingin naman agad ako sa kamay naming magkahawak. Kung sino mang makakita sa amin ay pagkakamalan kaming magkasintahan lalo na't nakacross pa ang mga daliri namin.
"What the—" Inalis ko agad ang kamay ko sa kamay niya. Aissh umaandar na naman ang pagiging asyumero niya.
"Palakad na sana ako pabalik sa dorm nang bigla na naman niya akong hinila at this time ay ang bewang ko naman ang inabot niya. Kaya naman ngayon ay halos ilang inches na lang ang layo ng mga mukha namin. Pangiti-ngiti na naman siya as if ikakagwapo niya.
Sa kaunting oras na magkalapit kami ay naramdaman ko ang pagbagal ng mundo at pagbilis ng tibok ng puso ko. Ugh, mali 'to.
Itinulak ko muna siya nang bahagya bago ako nagsalita.
"Ano bang problema mo?!" Naiinis kong tanong. At napalakas ata dahil nagsitinginan ang iba pang magkakapareha sa paligid namin.
Nagsimula ang bulungan sa paligid namin. Siyempre ang mga bruhang fan girls ng lalaking 'to ang nangunguna.
"She's so maarte."
"Yeah right, ang lakas ng loob niyang ganyan-ganyanin lang si Wane."
"Buti sana kung maganda."
"Tama ka ryan girl."
So Wane pala ang pangalan ng lalaking 'to. Well I don't care. Pero teka "buti sana kung maganda"? So hindi ako maganda sa tingin nila? Ang kapal!
"Chill ka lang babe, ako na bahala dito."
"Tumigil ka, kung jinowa mo na kasi 'yang mga malalantod na mga bruhang 'yan nang tumigil na ang mga makakati nilang mga dila." Sita ko kay Wane. Nabwibwisit na talaga ako dito ah. Kaya ko namang magtimpi pero paubos na ata ang pasensya ko sa mga babaeng 'to. Eh sila-sila lang rin naman 'yong kahapon pa ako tinitingnan ng masama at tumulak sa akin kanina.
BINABASA MO ANG
Amour: The Game
Novela Juvenil[UNEDITED] "Break a heart or be broken." Started: March 4, 2018 Book Cover Credits to: _winterkim