Chapter 1

130 1 0
  • Dedicated kay Alyssa Marie Prieto
                                    

 April 8 na ... meaning 3rd monthsary na namin ni Pau ^_^

"Hi hon !" sabi ni Pau. Nagulat ako nung bigla nya ko tinawag. Akalo ko kasi mamaya pa sya dadating, nandito kami sa mall nga pala . Dito kasi ang usapan namin na magkita.Nauna din akong dumating sa kanya kasi may dinaanan ako kanina.

"Oh ! Hello. Kanina ka pa ?"

"Hindi naman,medyo kakadating ko lang din.Ikaw ?"

Bigla syang lumapit sa akin at akmang hahalikan sana ako sa pisngi ....

"Pau stop .Di ba napag-usapan na natin yan ? Masyado pa tayong bata para sa ganyan at hindi pa ako handa."

"Hon naman, 3 months na tayo oh.Bawal pa din ?"

"Sorry Pau, alam mo namang ikaw ang first ko di ba ?Makakapaghintay pa yang mga ganyang bagay" paalala ko sa kanya. Ayoko lang kasi talaga gawin pa yung mga bagay na ganon.Kahit naman 4th year high school na ako no, hindi ko pa din magagawa mga ganoong bagay. ><

"Okay po.Sorry hon"

"It's okay. Oo nga pala,ikaw ah! Bakit nga pala ngayon ka lang uli nagpakita?Araw araw kong katext si ate Elai, ang sabi nya madalas ka daw umaalis ng bahay nyo at bihis na bihis.San ka ba nagpupupunta ?"

[A/N: si ate Elai po yung ate niya]

"Ah, w- wa- wala. Sa papasukan kong school,inaayos ko mga papers e.Di ba nga lapit na pasukan .College na tayo?" paliwanag nya sa akin.Pansin ko lang,para syang nauutal nung sinabi nya yun.Parang may mali ...

"Tss.Haler ! Sabay kaya tayong nag-entrance exam dun,Alam ko kung kailan yung enrollment.May tinatago ka ba sakin ha Pau?"

"Ha? Wal ....." 

Hindi na naituloy ni Pau yung sasabihin nya dahil biglang may sumigaw na babae.

"Babe ? Hi Babe !" sabi nung girl kay Pau.Nagtaka naman ako kung bakit si Pau yung nilapitan nya.

"Uy babe ! Bakit di mo ako pinapansin ha ?" inis na sabi nung girl. Si Pau naman nakayuko lang.Namumutla na ata .MAy mali talaga e .. Kailangan ko ng kausapin tong babae.

"Ah Miss ? Nagkakamali po ata kayo ng nilapitan." sabi ko dun sa girl .

"Excuse me ? Sino ka ba ha? Bakit ba kasama mo BF ko ?!" sigaw sakin nung babae. teka BF ? as in BOYFRIEND ? Teka teka .. parang hindi mag sink-in sa utak ko yung sinabi nya ah.Para akong nanigas sa kinakatayuan ko ..

"Ano? Boyfriend?" sabi ko sa kanya.Naiiyak na talaga ako.Pinipigilan ko lang dahil ayokong mapahiya sa harap nila.

"Pau ! Kilala mo ba sya ha?!" tanong ko kay Pau. Please, sabihin mong hindi, yan ang mga katagang pilit kong sinasabi sa utak ko ..

"I'm Sorry" yun lang ang nasabi ni Pau .Meaning SILA nga talaga .Omy .. :"((

PAAAAKKK !!!

"Ang kapal ng muka mong lokohin ako !Yan ba ang pinagkakaabalahan mo ha ?! Porket ba hindi ako pumapayag na magpayakap at magpahalik sa yo kaya naghanap ka ng iba ha ?!! Ang kakapal ng mga muka nyo !Sinasabi ko sayo Pau, YOU'LL PAY FOR THIS!!!! " habang sinasabi ko yun sa kanya, di ko na napigilan ang mga luha ko.Humagulgol na talaga ako sa iyak ..

Nagtatakbo ako habang umiiyak.Yung mga tao sa mall nakatingin na sa akin,pero wala akong pakielam.Masyadong masakit ang ginawa ni Pau .Hindi ko na din masyadong makita yung dinadaanan ko dahil sa mga luha ko.Naramdaman ko na lang na nakaupo na pala ako sa daan.May nakabangga ako ....

"Miss, okay ka lang ba ?Sorry ah, nagmamadali kasi ako e: narinig kong sabi nung guy na nakabangga ko.Nakita kong inabot nya kamay nya para tulungan akong tumayo pero hindi ko iyon tinanggap.Tumayo agad ako at hindi na tinignan ang muka nya.Naglakad na agad ako ...

"SORRY !" yan na lang ang nasabi ko sa kanya sabay takbo palabas ng mall at pumara ng taxi ....

-----------------------------

Sorry sa lame start. First timer po e . Hope you still read it :)

<3 Krizza

Long Distance RelationshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon