"Serrano for three...."
The crowed is noisy and my eardrums wiggle in pain. Lamang na ang kupunang sinusoportahan namin. Kaunting sandali na lang at sa amin na ang tagumpay.
Kami ay nakapwesto sa likod lang mismo ng bench ng kalaban. Saya diba?
Naubusan na kasi kami ng sits dahil sa dami ng tao."Prrrrrrrrrtttttt"
Isang mahabang pito ng silbato ang nagpatigil muna sa laro. Sa sobrang intense ng laban ay napatime out na ang kalaban.[talo na kasi e]
30 seconds na lang ang nalalabing oras kapag nagresume ang ball game. Malaki ang lamang sa kalaban kaya medyo kampante sila at nagsasaya sa bench ang mga gunggong.
High five there,jumps and a big smile coming from their haggard but cute faces.
Maliban lang sa mahanging star player at womanizer na si Kim. Dahil para sakin kahit gwapo sya, lubhang nakakairita talaga ang pagmumuka nya!
Habang nasa ganyang kalagayan ang utak ko, si Saera naman ay halos matanggalan na ng lalamunan sa kakasigaw. Super fan
Nang tanggalin ko ang mga mata ko sa kanya ay napatingin ako sa isang player mula sa kalaban. Dahil time out, lahat ng co-team mates nya ay uhaw na uhaw.
Isang baso na lang noon ang nasa tray at dahil sa taglay nyang kabagalan ay maswerte syang naunahan.[pabebe kasi]
Biglang nagtagpo ang aming mga mata at halos tatlong segundo kaming nagkatitigan. Tagaktak ang pawis at sabik sa tubig.
His wet hair perfectly fits his athletic body.
Pero sa di ko malamang dahilan ang nagmagandang loob ako at inalok ko sya ng tubig na hawak ko.
"Eto wala pang bawas to." I lean my left arm towards him with my left hand holding the bottled water.
He nods barely breathing because of tiredness. Kinuha nya at ininom ang tubig,straight! Sa tingin ko nga kulang pa sa kanya,e sya pa ba demanding? E buti nga inalok ko sya hello?! 15 pesos din yon!
Siya si Leavi. Kabarkada nya ang star player na si Kim. Pito silang mokong na magtotropa. Ayon sa balita, itong Leavi na to ang pinakamatino at maayos ayos ang takbo ng utak.
Kadalasan kasing nadedetained ang grupo nila dahil sa mga kautuan tulad ng pagprank sa mga teachers and students. Actually pati ang principal ay naloko na rin nila. Hindi naman sila masyadong nagcucutting classes dahil lahat sila ay may papel sa school.
Apat sa kanila ang varsity players at tatlong kasali sa singing and dancing troop na nagcocompete internationally.
Back to the ball game! They got free two shots gained from a foul. As usual, maning mani lang yon at 2pts pa ang ndagdag sa bumubulusok na puntos nila
10 seconds left at miraculously, nakakahabol ang kalaban! Grabe unexpected!125-88 before and now,133 -130. Hindi kapani-paniwala![akala kasi panalo na]
Sobrang intense na ng laro lalo na ang mga players. Kahit pawisan at halatang pagod ay tuloy parin sa pagtakbo, pag-agaw ng bola at pagpuntos para sa kupunan. Habang sa bandang gilid ng benches ay naroroon ang kanilang mga girlfriend na patpatin at maiikli ang buhok.
"Oh my God!" I exclaim out of impulse
Shit deadlock! Limang segundo na lang at waoah,nagtie pa! Dinapuan pa ata ng swerte mga hinayupak! Fangirl feels
Tuloy ang laro at tumatakbo ang oras, kasabay ng mga manlalarong animoy mga mandirigma.
"three seconds!buzzer na lang ang maririnig!" Nakadagdag pa sa intense na ambiance ng arena ang sinabing iyon ng announcer.
Sa amin ang bola at nakasalalay sa Gonzaga na yon ang ikapapanalo ng team. Dala ang bola,padribble-dribble at pumefake pa. Three point spot ang tinitiktikan nya at may dalawang panget na nagbabantay sa kanya.
"Go baby!"
"Wooaah!kaya moyan!"
"Bring home the bacon man!"Lahat ay naguubos na boses para icheer sya maliban sa kin na nagdadasal na matapos na ang game at wag ng mag ot dahil wala na rin akong pera pambili ng chibog!
"Ennnnggggkk"
Tapos! Parang tumigil ang oras at slow motion na umikot-ikot ang bola sa ring. Lahat nakatingin,nagiintay kung ano ang magiging kapalaran ng bawat team.
Pagbagsak ng bola ay isang malakas at nakabibinging hiyawan ang tumukop sa buong arena. Isang buzzer beater na three point shot mula kay Gonzaga.
Nagpupunyagi lahat ng fans at supporters ng pink shooters dahil sa pagkapanalo. Sulit ang pinambayad sa ticket at ang kakahiyaw namin ni Saera.
"Pink shooters will move to the finals!"
Habang nagdidiwang ang pink shooters sa kabilang banda ay ang luhaang kalaban. Pero sporty parin sila na nakipagkamay sa winning team.
°end of flashback°