....continue
Matapos ang kagimbal gimbal na pagaangasan namin namin ni Mauii ay dumating na ang aming guro. Hudyat oara manahimik ang mga bibig na walang humpay sa pagsasalita.
Sa wakas at magsisimula na ng klase. Magkakaroon na ng saysay ang araw ko. Perp habang nagdidiscuss ang aming teacher,itong si Saera ay abot ang sipa sa kaliwang binti ko sa paa.
Eto na naman sya. Paulit-ulit hanggang sa maubos ang pasensya ko at oansinin na sya.
"Ano ba?makinig ka naman!" I whispered.
"Wala lang!ayan o kunin mo tas basahin mo na lang pag-uwi."
Inabot nya ang isang puting papel na nakatupi patatsulok. Kinuha ko at inilagay sa bulsa ko. Nanahimik na sya at muling nagkainteres makinig.
Ayaw ko talaga syang patulan, naalala ko kasi nung huling beses na napikon ako ay.........
Napasigaw ako at di na napigil pa ang pagka-inis. "Manahimik ka nga!shut up!"
Agaw atensyon ako at lahat ng classmates ko ay nanlilisik ang mga mata. Time kasi yon ng Math at di nila maintindihan ang lesson ng mabuti dahil sa boses ipis na pagsasalita ng aming guro. Takot silang bumagksak at maging usap-usapan ng iba.
Sobrang nakakahiya! Mabuti na lang t dedma lang kay sir. Mabait naman kasi yon;) nagpatuloy lang sya sa pagdidiscuss kahit boses ipis at medyo malat.husky
Natapos ang maghapon at godsake! Lahat nagbigay ng mga homewokrs na masakit sa ulo.
Matapos ang klase ay di na ko dumaan pa kila Saera para sana magopya at dumiretso na sa paguwi. Naisip ko kasi na baka imbis na ako ang mangopya,e baka ako pa ang magpakopya.
Habang naglalakad ay may kung sinong nilalang na humila ng bag ko. Mabigat ang kamay na parang semento. Dahilan para maout balanced ako at ng bumalik ang balanse ko ay agad ko syang hinarap.
"Kim?" Kunot noo kong tanong sa kanya.
"Going home?"his deep voice pass through my ears.
"Obvious ba?" I sarcastically replied.
"Sinusundan mo ba ko?ha?" Assuming kong tanong.
"Wait. Hindi kita sinusundan, I'm just passing by and then you pop up!" Pinanlakihan pa nya ko ng mata at pacute. Feeling
"Arasseo. Remember,liers go to hell!" Inirapan ko sya at tumalikod para umalis at di na makita ang nakakabanas nyang itsura.
Pero hindi pa man lang ako nakaka dalawang hakbang ay hinawakan nya ang braso ko at hinila ako dahilan para mapalapit ako sa kanya ng kaunti.
"What about we start practicing?" He asked and smirks.
"Pag may free time!" I exclaim while running away. Akala ba nya mapipigilan nya kong umalis?no way man!
Pero humaging parin sa tenga ko ang mga sinigaw nyang salita na hindi ko na lang sineryoso.
"3:00 pm this saturday!"
"Baliw!"
Hay nako! Kainis pauwi na lgang ako may epal pang sumulpot.
Nang makauwi na ko sa bahay, mabilis kong inakyat ang hagdanan na parang natatae at dumiretso sa kwarto para magbihis.
Naamoy ko kasing spicy bulgogi ang ulam ang ulam ka partner ng masarap at malamig na coca cola![bulgogi=fried chicken]
"Nana, go down here let's eat."
Matapos kong magbihis ay bumaba na agad ako at hinarap ang mesa.
"Uhhmmnn..why so good mom?you hit this one!"
Crispy on the outside, juicy and tender inside! Sa isang kagat, ubos lahat. Charr.
Mom's electrified my tummy every time we eat. Freshly made fried chicken and with hot and spicy twist."Ngayon lang kita nakitang ganyan ka gutom ah. Para kang di pinapakain!"
Pabirong sabi ni mama.Ngumiti lang ako at nagpacute na parang pusa habang ninanamnam ang masarap na hapunan. Yummy!
After naming kumain ay niligpit ko na ang mga pinagkainan at tinulungang magurong si mama. Oo kaming dalawa lang ang magkasama sa bahay, halos 9 years na ding kasing nasa puder ni lola si kuya at nagtatrabaho.[korea]
Matapos mamatay ni papa dahil sa isang pagsabog sa mall,nangibang bansa na si kuya upang magtrabaho at kahit papaano ay makatulong sa amin ni mama.
(Memories goes back)
Kasama ako sina papa at kuya noon sa mall habang namimili ng damit ay may pinagsususpetyahan si papa na isang lalaki na parang may gagawing masama sa loob ng mall.Black cap, black hoodie-jacket at maong pants. Matangkad pero di masyadong kita ang muka dahil sa cap at sa suot nitong face mask.
Sabi ni papa ay bumili muna kami ni kuya ng pagkaing ipapasalubong kay mama at sya na ang bahalang magbayad ng mga pinamili. Sumunod naman kami ni kuya at isa yon sa mga desisyong pinagsisisihan ko.
Iniwan namin si papa kahit na alam namin ni kuya na gusto nyang manmanan ang lalaki. Isa kasi syang sundalo kaya naman malaks ang loob nya at ayaw nyang may iba pang mapahamak dahil sa maaaring gawin ng lalaking yon.
Matapos ang ilang minuto pag-alia namin ay nakarinig kami ng malaks na pagsabog,galing sa department store.
Si papa! Tumigil ang mundo namin ni kuya at nabitawan na ang pagkaing ipapasalubong sana kay mama.Kumaripas agad kami ng pagtakbo upang masiguradong walang masamang nangyari kay papa. Ngunit pagdating namin don ay mga maskuladong guard ang humarang samin,oinipigilan kaming lumapit dahil sa mapanganib na sunog.
"P-papa! Bitiwan nyo ko! Papa! Iligtas nyo ang papa kooo!"
Garalgal at halos mawalan na ko ng boses sa pagsigaw at pakikiusap na papasukin kami sa loob. Gusto kong makita na buhay at mahawakan at mayakap si papa!
Nang sandaling iyon, patuloy ang pag-agos ng mga luha at ang damdaming nagsusumigaw na makita ko sa papa.
Niyakap ako ako ni kuya,sinusubukang pakalmahin ako at pagmukaing ok lang ang lahat.Non ko lang nakitang umiyak si kuya. Marahil ay di na nya napigil pa ang sarili. Ugali kasi nya na hindi ipakita samin ni mama na umiiyak sya o nanghihina sya. Lunod sa luha at tahimik na dinadamdam ang masaklap na pangyayari.
Umuwi kaming nababalot ng lungkot at imbis na pagkain ay isang sunog na damit ang dala namin. Damit yon na binayaran ni papa,ala-ala ng masakit nyang paglisan.
Masakit at mahirap para kay mama na mag-isa na lang nyang ipagpapatuloy ang buhay naming mag-anak.
Ang pangyayaring iyon ay pinilit na naming kalimutan at harapin na ang katotohanang wala na si papa at isiping bangungot lang ang nangyari at gumising na kami sa reyalidad.
Reyalidad na tapos na kong mag-urong at nasasayang na ang tubig sa walang katuturan. Kasi naman e! Naalala ko pa tuloy. Medyo naiyak pako ng konti dun ah.
After kong magurong ay naglinis nako ng katawan at ginawa ang mga homeworks ko. Matapos non ay nahiga na ko at ipinikit ang mga mata, handa nang magpahinga at harapin ang panibagong hamon ng bukas.