Age Gap 4 - Ang Liwanag

9 2 0
                                    

Ilang beses na ba akong nahahalatang masaya. Naiilang na nga ako sa mga katrabaho ko at pagnapapatingin sa akin ei napapangiti na lang bigla. Ang pagiging masaya pala ng tao ay parang nakakahawang sakit. Naitatransmit mo sa iba kahit di mo naman sinasadya. Coffee break na uli mamaya. Konting kembot na lang ng sagradong orasan sa hindi natitinag na dingding.

"Dinggg...dingggg... Ayan! Coffee break naaaaa."

Ay, ano ba yan. Marami-rami pa pala akong dapat i-rush dito. Sa dinami-dami ng emplyeyado dito isa na yata ako sa pinaka paboritong bigyan ng mga rush, not to mention yung mga paki-paki ng iba dyan sa tabi-tabi na wala namang naitutulong sa akin kundi pagsamantalahan ang aking kabaitan.  Whoah! "kabaitan daw uh". Anyway, whatever you call it i dont give a shit. Pakikisama na lang siguro sa mga users na mahilig maki-paki at pag extend ng help sa mga lolong mahilig nagpasaklolo. Sana makatapos na ako
sa sangkaterbang rush na ito. Alin kayang rush ang uunahin ko, yung pakikisama sa mga mahilig makipaki o yung sa mga lolong mahilig magpasaklolo? Ini-mini-maynimo...

Hay salamat sa alamat ng agimat. Natapos ko ang sampung paki ng mga walang habag na kumag. Salamat at kahit papano ipinaglihi ako sa lintek na malakidlat sa bilis ng pag-iisip. Salamat sa malahagibis kong paggawa natapos din... kasi ba naman bago ko simulan lahat ng pagsaklolo sa kanila, taimtim akong nanalangin sa mga santong binasbasan ng kataastasan ng Roma.

Uy, si friendster na nangabayo sa ibayong dagat dumating na pala. May pasalubong daw leather bag for me and for my labs. Ang tweet-tweet naman. Sa loob-loob ko...Sana yung bags, may cash sa loob heheh.

Maya-maya pa may mga hakbang na nagiingay sa di kalayuan patungo sa aking pwesto. Eskandaloso ang takong ng sapatos ng esmi ng boss ko. Hindi pwedeng hindi ka mapalingon sa tunog ng kanyang mga yabag. Well, ihanda na ang paunang pagbati...

"Magandang araw po Madame Carolina!" at napalingon sya sa akin. Sino ba itong pa-madam-madam na ito, baka di na ako maalala. Pero basta, ok lang din. Batiin pa din natin.

"Oh, Boy! Oh, Boy! Arent you the one who helped me organize my trip to Europe?" Ayun, naalala pala naman ako. "Ehmmm, yes Madame. I hope you enjoyed your trip."

"Oo naman. Magaganda silang lahat. I'd like to go back if possible. Punta ka nga pala ngayon sa office ni Virgil. (Boss ko yun, na asawa nya naman). Now na ha!" she said.

So, inayos ko ang table ko agad-agad rushing through the door of my very big boss. She give me a little something daw, sabi nya pero naman bukod sa pasalubong nya may additional bonus pa pala yun. Pinasalamatan ako ni Boss at sabay sabi nakikita din daw nya mga pinagkaka-busy-han ko sa opisina ng walang reklamo. "Maybe its about time to promote you." Yung bitbit kong pasalubong ni Madame (madami pa naman yun) mabibitawan ko pa yata sa sobrang shock. Alam kong napansin ng misis nya at ni Big Boss na napangiti lalo kaya ayun nagsalita ulit. Buti pa daw siguro ipatawag ko si Executive Secretary nya at ipagagawa na daw agad yun memo. Baka daw kasi makalimutan na naman nya. Ayun, nahulog na talaga yun bitbit ko sa pagkabigla na lalo naman nilang ikinaaliw.

My God! My Lord! Sunod-sunot po ang mga blessings. Nagsimula sa bags tapos may mga kasunod pa palang mas higit pa. Salamat po ng marami. Bukas, ako ay promoted na. Isa na akong bagong tao. Ang dating nilalang-lang lang nila, ay isa ng bagong nilalang. Hah-huh! Blow-out! Iboblow-out ko ang sarili ko saka sina Mama.

Kinabukasan, pagkagising ko sa umaga ang saya-saya ko na. Ang aking buong pagkatao ay nagliliwanag na mas maaliwalas pa sa isang malawak na orchard na nasisinagan ng haring araw. Pinagisipan ko na kung saan ko  dadalhin, ipapasyal, ikakain at ipamimili ang aking pamilya. Pag napopromote kasi ang isang empleyado sa aming kumpanya ay automatic na binibigyan ng 7days vacation. May kasama pa yung 2 roundtrip ticket with accommodation. Galante ang kumpanya namin kasi Imported din ang may-ari. Alam mo na ibig sabihin nyan. May pera sila pero hindi sila madamot.

Since two lang ang malilibre, syempre sasagutin ko na yung fare at accommodation ng isasama ko. Pamilya ko sila noh! O, baka mainggit ang ibang mahaderang users dyan na puro na nga nakikipaki wala pang utang na loob o appreciation. Salamat sa hidden CCTV buking na buking kayo ni Bossing. Baka ma-fired pa yung iba o mademote. My heart breaks for them... I cant say a word but I still care.

Trip to Hongkong with Disneyland, Ocean Park adventure, Peak tram, Sky 100 at syempre di dapat makalimutan ang Ngong Ping para makita ang Village  at ang  Tian Tan ng mabisita at mabasbasan ni Buddah. Amen.

Aming titikman ang mga pagkain nila, mamamasyal sa busy street of jewelries, golds and jades at dapat makita ang City nite life ng Hong Kong. Have a lovely meal at Victoria Peak, stroll along Victoria Harbour and take a boat ride at Sky Ferry at night time. Matulog at magrefresh sa malambot na kama at mabangong kwarto ng Mandarin Hotel  na sister company namin at bukas another adventure naman patawid ng Macao.

Ang saya-saya. Mukhang nakalimutan ko ng isama si labs sa mga lakad. Sana matuwa pa rin sya sa tagumpay ko kahit na inuna ko ang pamilya ko. Maliwanag naman siguro ang lahat. Tutal di pa naman kami kasal talaga at sa tingin ko naman tama naman ang aking ginawa. Pero medyo childish talaga sya at selosa. Sana lang di nya pagseselosan ang pamilya ko. Ah... Bibilhan ko na syempre sya ng special at magagandang pasalubong para matuwa rin sya. Everybody happy. Everything's well and good... Next time mamamasyal naman kaming dalawa. Kaming dalawa lang... primise.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 04, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Age GapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon