Paano ko diringgin ang iyong pagsusumamo
kung pati ako nawalan ng boses para humingi ng saklolo?
Pano kita mailalabas sa dilim
kung wala rin akong makitang liwanag kundi bangin?
Paano ko sasabihin sayong may panibagong bukas na darating
kung di ko rin mapatahan sarili ko sa gabi?
Pero sana alam mong nandito ako,
di ka nag-iisa.
Sana kayanin natin to ng sabay,
walang mang-iiwan.
Hatakin natin ang isa't-isa
hanggang sa tingin natin maliwag na
at dumarampi na sa atin ang sinag ng araw.
BINABASA MO ANG
Lacrimosa
Randommga kaisipang hindi masabi ng bibig kaya't isinusulat na lamang habang ang gabi ay malamig ---poetry compilation