[CONFESSION]
AN OPEN LETTER FOR COOPER ALVAREZ
Uy Cooper the mongoloid! Alam mo nakwento ka sakin ng mga kaibigan ko. Ang ganda daw kasi ng story mo, nakakaiyak daw. So sinearch ko yung Chasing Hurricane kasi dun ka daw una lalabas. Saka yung sarili mong story mismo na stay awake Agatha. Inadd ko lang siya sa library ko pero di ko binasa. Sinubukan kong basahin yung Chasing pero nabored ako nung una. Medyo nainis pa ako sa character ni Chord. At hindi ko maintindihan kung babae ba siya at si Puma ang lalaki. Basta naguluhan ako. Kaya pinili kong wag muna basahin.Maybe after a year. At after ng stories na nabasa ko before yung sayo. Sinubukan kong basahin yung Chasing. At the first place alam ko na ang kahihinatnan sa ending kaya medyo boring na din. Alam ko na kasi yung plot. Pero habang tumatagal nakikilala ko ang lahat ng characters sa Chasing Hurricane. Si Chord,Puma at Dilly. Magkakaibigan sila simula pagkabata. Etong Psycho na bitter na si Chord may gusto kay Puma. At itong si Puma na sobrang manhid pinag match pa si Chord at Hurricane. Kaya Yun simula ng maging close ang dalawa saka niya lang narealize ma may gusto pala siya kay Chord. Ang tanga lang diba? Pero ikaw ang Cooper ang mas kumuha ng atensyon ko. Yung pagiging weirdo mo. Lalo na dun sa nakipag karera ka sa isang bulag na si Dilly. Takte laptrip yun boi!
Pero sa kabila nun alam ko na may iba kang dinaramdam. Leche Cooper. Ang sarap mong murahin. Ang sarap mong sapakin. Saan mo nakukuha yung mga tawa at ngiti na yan sa kabila ng mga pinagdadaanan mo? Nakakainis ka. Naiinis ako sayo. Naiirita ako sayo. Kasi. Bakit ang bait mo? Bakit mas pinili mong gawin ang isang bagay na para sa ibang tao. Biruin mo, pinarealize mo kina Chord at Puma na sila pala talaga. At eto pa, bumuo ka ng isang Masayang pagkakaibigan. Binigyan mo ng pagkakataon si Hurricane na kilalanin ang sarili niya at ang ang mga taong nandyan para sa kanya.
Binuo mo ang magulo nilang buhay, habang ikaw nagpapanggap na gago. Pero ang gagong yun pala ang mag-aayos sa takbo ng buhay nila. Ang gagong si Cooper Alvarez na malakas ang trip pala ang tutulong sa kanila. Si Cooper na tinatawag na monggoloid ng karamihan dahil sa trip. Sino ba naman ang matinong tao ang maghuhulog ng bubble gum mula sa rooftop para makilala ang destiny ni Chord? Pero at the end sinabi mo ring sinadya mong ihulog ang bubblegum sa ulo ni Hurricane.
Nakakainis Cooper. Naiinis ako. Di ko alam kung bakit. Siguro dahil kailangan ko rin ng isang tulad mo? Isang kaibigang tulad mo na mag-aayos rin sa buhay ko? Yung isang taong kahit nahihirapan na hindi sumusuko. Kasi ako madali akong sumuko.Naiinis ako, kasi natatamaan ako sa mga pangaral mo. Kasi feeling ko.. Ako si Puma, si Chord, si Dilly, Si Hurricane, si Luigi, si Yani, si Reema, si Trent at si Javi. Isama na natin si kuya Leo.
Pakiramdam ko kasi ako yung mga taong yun nagsama-sama sa iisang ako. I was hopeless. Pero hindi ako suicidal. I always smile pero hindi ko alam kung totoo bang masaya ako. Oo tumatawa ako, Oo masaya ako. Pero simula ng mabasa ko ang istorya mo. Parang nawala lahat. Nagsimula ako magtanong. Totoo ba itong lahat? Totoo bang masaya ako? Kasi oo, araw-araw akong tumatawa. Hindi nawawala yung ngiti ko. Kung mag-iisip nga ako ng problema ko, wala nga ako maisip. Pero bakit parang sapul na sapul ako sayo? Bakit parang iba ang pakiramdam ko. Bakit parang ang bigat-bigat ng nararamdaman ko kahit alam ko sa sarili kong wala akong mabigat na problema tulad ng sayo. Pero bakit ganun? Parang ang plastik ko sa sarili ko. Hindi ko malaman kung ano ba talaga ang problema ko.
Uy Cooper.. Bakit ganun ang impact mo sa akin? Tao ka ba? Ay oo nga pala. Fictional ka lang pala. Siguro yun din ang dahilan kung bakit naiinis ako. Fictional ka lang. At sa reality ko, hindi ka darating para maging kaibigan ko.. Hindi ka nag-eexist sa mundo.
Cooper, ikaw nagparealize sa akin na walang perpekto sa Lahat. Na tulad mo nagdedesisyon rin tayo ng mali at nasa huli ang pagsisisi. Naramdaman ko yung sakit. Sa tuwing umaasa ka na gigising pa si Agatha. Na ginawa mo ang lahat ng yun para kay Agatha. Same as Agatha. You stayed awake for Cooper. Siguro nga, tulad ng sinabi mo. Hindi magiging hadlang ang mga pinagdadaanan o ang kalagayan ng isang tao para hindi maging masaya..
Uy Coops.. Salamat. Kahit pina-iyak mo ako sa story mo! Sa trilogy na yun kung saan ka lumabas. Sa Chasing Hurricane, Stay Awake Agatha at sa Dear Andy Lim.. Pina-iyak mo ako. Big time.
This is the first time. Usually sa mga story na nababasa ko kine-claim kong asawa ang main male character.. Pero sayo hindi. Kasi ang gusto ko lang ay ang maging kaibigan ka. Thank you Cooper. Nakakainis naiimagine ko yung ngiti mo, kahit alam kong nahihirapan ka na. Kainis.
And thank you serialsleeper sa pagpapakilala mo kay Cooper.. Your story hit me big time. Ilang beses akong umiyak. Di ko alam kung ano at bakit. Pero siguro kaya ako umiyak kasi nga natamaan ako. Your story made me realize something in my life.. At napatanong ako. Bakit parang hindi ako totoong masaya? Although wala naman akong mabigat na problema.
Zeem
2k18⏩Allright Reserved.
BINABASA MO ANG
Confessions for ASPIRING AUTHORS
Ficção AdolescenteMay ico-confess ka ba para sa iniidolo mong Author? dito na! WELCOME! TO THE WORLD OF "CONFESSIONS FOR ASPIRING AUTHORS❤" @Queenly_154