Chapter 6 - Who's that boy? -- CONFIRMED (Edited^Fixed)

5.7K 90 59
                                    

---------------

Chapter 6 

"Hello? Hello?" patuloy pa rin siyang kumakausap sa'kin sa phone habang di ako makasagot dahil nasa state of shock ako. What is he doing here? Hindi.. hindi totoo ito. Nanaginip ba ako? Readers gisingin nyo po ako please? 

Halos mga anim na hakbang nalang nando'n na ako ...Talagang kilala ko ito.. Siya nga ito.. The form of his back, the height, ang tindig niya and the way he puts his hands on his hips.Siya nga! Si Francis!! 0_0

 This can't be! HE's BACK!

—————————————-

Sir Rana's POV

Tapos na ang classes . Nandito ako sa faculty room habang inaayos ang gamit ko. Pinipili kung ano ang iiwan at kung ano ang dadalhin sa bahay. Class Records, sign pens etc.

Nang makuha ko na lahat ng kailangan ko. Lumabas na ako at pupunta na sana sa parking lot nang makita ko si Kian. Tumatakbo. Nagmamadali ata. Naalala ko tuloy yung kanina. . . Magkasama sila sa garden kanina. . .


Oo. Nakita ko sila kanina...habang may klase ako. Nakita kong parang masaya silang dalawa habang nagkwe-kwentuhan at... kung tama ako... kumakanta sila nun. Haaayyy, pero teka, ba't ganun? May iba akong nararamdaman? Hindi ko na talaga maintindihan sarili ko. Simula yung nangyari sa Canteen, I feel like I'm not myself anymore. Ay parang hindi naman ako matured kung mag-isip.

Haaay! Napa buntong hininga nalang ako at pumasok na sa kotse ko. Lumabas na ako ng school at nag drive na pauwi. Nakalimutan ko kaninang dumaan sa entrance gate at tingnan kung nandoon pa ba si Jaycee. Nakakainis lang kasi, yung araw na dapat sasabihin ko na sa kanya ang lahat. Eh umepal pa yang Kian na yan.

"Jaycee bakit ba kasi? Ano bang meron sayo at nagkakaganito ako.. ?" Siguro ayaw sakin ni Jaycee. Tsaka bawal naman talaga tong nararamdaman ko. Nababakla na ako. Ewan ko ba hindi naman ako ganito pero may something lang talaga si Jaycee na para bang nase-seduce ako.. hmmm. Tama na rin sigurong kalimutan ko na to? Siguro stress lang? Siguro kailangan ko munang magka girlfriend. Kakalimutan ko na ang nararamdaman ko kay Jaycee, pero...


Kaya ko ba?

Haaay.. Pang isang daan ko na sigurong buntong hininga to. Ay ewan..

Hindi ko namalayan malapit na ako sa bahay namin. Pero nandito pa ako malapit kina Jaycee. Teka.. speaking of Jaycee. Siya ba yun?

Siya nga! naglalakad siya .. pero may kasama? si Kian? Ay hindi. Mas matangkad ata eh.. Bakit ganun? May iba akong nararamdaman . Sinubukan kong magdahan dahan..


Pero...

*tssskkkkk!*

"HEY!! watch where you're going !!"

"Sir?" Narinig ko yung lalaking kasama ni Jaycee yung unang nagsalita tapos si Jaycee. Hindi ako makatingin ng diretso sa kanila ewan ko ba.. Muntik ko na silang masagasaan. Ini-start ko nalang kotse ko at umalis. Ba't ganun? Para akong galit? Hindi kaya?


Nagseselos ako??

—————

Kian's POV

"Nasa'n na siya?? " Nasa'n na si Jaycee.. Kanina pa ako naghihintay dito sa gate.. hinahanap ko si Jaycee.. balak ko kasing yayain siyang mag dinner sa condo ko. Atsaka magpapatulong ako sa project, remember? Yung project ko'ng due na dapat last week pa. Pero try ko kung makakaya pa. Hindi ko kasi alam kung pa'no gawin eh. Tsaka magpapatutor na rin ako kasi nga exams diba?

Gay sexed with a Straight ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon