Chapter 8: A Night To Remember

4.2K 55 48
                                    

Palapit ng palapit ang mukha ni Kian sa mukha ko.

"K-k-kkian?" na tetense kong tawag sa pangalan niya. He's wearing that smile again. Habang papalapit siya, umaatras naman ako, hanggang sa wala na akong maatrasan pa kasi nakasandal na ako sa pader na nasa likod ko. 

Tiningnan ko sya nakangiti lang sya habang patuloy na nilalapit ang mukha niya sa mukha ko. Hanggang sa **hmmmm** ... 

"Ano ba yan, brownout?" sabi ni Kian. Bigla naman akong napaupo sa sahig, medyo lumayo na din kasi si Kian. "Teka lang maghahanap ako ng kandila o flashlight" ani ni Kian. Napahawak ako sa t-shirt niya. Yung hawak na hinihila ko sya na parang bata. Mukhang na gets naman niya pinapahiwatig ko at bumaba din sya sa sahig. 

"Oh bakit? Teka lang hahanap ako ng flashlight di kita makita" -Kian

"Wag" ani ko na parang bata. Eh ano kasi eh.. kasi ano.. 

"Ha bakit? Ikaw ha gusto mo dito tayo sa dilim? HAHA" sabi niya sabay hawak sa kamay ko na kanina pa nakahawak sa shirt niya. 

Napasampal naman ako ng kaunti sa bewang niya. Ano ba, hindi no. Ano kasi... kasi ano..

"Hindi. Basta wag mo kong iwan" -ako

"Ha? " -nalilito niyang tanong . "Ano ba pinagsasabi mo hahanap lang ako ng flashlight Jaycee, teka lang. Ayiee ikaw ha anong iwan iwan ka jan, gusto mo pala akong laging kasaha ha? " dagdag niya sabay tawa. 

Hindi ako natatawa bagkos ay mas naiiyak ako. Akala niya joke to. Ayoko maiwan. Ayoko maiwan dito.

Tumayo siya pero hinihila ko parin sya pababa gamit ang paghawak sa shirt niya. Pero inalis niya kamay ko at kahit na anong hawak ko ay talagang makaka-kalas siya kasi mas malakas siya sakin. Naghanap siya ng flashlight sa kusina. Naiwan akong nakaupo. Naramdaman kong nanginig ang buong katawan ko tapos ay di ako makagalaw. May biglang naglaro sa isipan ko, dejavu? 

Maya maya pay may nakita akong ilaw papunta sa lugar ko, kasabay nun ang hindi ko namalayang pagpatak sunod sunod ng mga luha ko mula sa mata patahak sa pisngi ko. Ayoko nga dapat eh. Ayokong maiwan. Eto yung sinasabi ko.

Nakabalik na si Kian dala ang flashlight, nagulat siya nang makita niya akong umiiyak. 

"Oy Jaycee ba't ka umiiyak? " taranta niyang tanong sabay hawak sa mga balikat ko. 

"Ayoko ngang maiwan... Takot ako. Takot ako sa dilim" paliwanag ko habang humihikbi. Pinunasan naman niya agad ang mga luha ko sa pisngi.

"Sorry na. Di mo naman kasi agad sinabi. Oi may ilaw na, 'wag ka nang umiyak. " 

Nakita ko sa mukha niya ang pag aalala. Natauhan ako. Hindi na dapat ako umiiyak sa ganitong panahong naalala ko yung noong nangyari sa dilim. Hindi na. 

"Ay sorry umiyak pa ako. HAHA" sabi ko sabay punas ng luha sa mata ko. "Okay na ako sorry hehe. Salamat din hehe" Nakatitig lang siya sakin at nakikita ko parin sa mukha niya ang pag aalala. Nagtinginan lang kami ng mga ilang segundo at niyakap niya ako bigla. Nagulat naman ako. Mga ilang segundo pa at kumalas din siya.

"Kaya pala baby parin tawag sayo ng kuya mo, iyakin! HAHA" pang aasar ni Kian.

"Hindi na ako bata no. hmmp. " napa cross arms naman ako.

"Oh kung ganon edi wag ka nang umiyak. Ang pangit mo pag umiiyak eh. HAHA" sabi niya sabay tawa. BInatukan ko siya slight. "Hindi ako pangit umiyak no, cute nga eh pang artista HAHA" biro ko. 

"Oo nga cute kaya nga wag kanang umiyak ulit kung ayaw mong mahalikan kita nang wala sa oras" sinabi niya na parang seryoso ang boses, tapos ngumiti tsaka napayuko. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 25, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Gay sexed with a Straight ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon