Sana(2)

3 0 0
                                    

Sana

Sana sa tuwing nagkikita tayo

Sana sa araw araw na makikita at mahahawakan ko ang kamay mo

Sana kapag sinasabi kong "Goodmorning" sayo

Sana nararamdaman mo na kahit ganito ang sitwasyon,umaasa pa rin ako...


Tuwing umaga ikaw ay inaabangan

Ika'y hinihintay na dumaan

Para lang ako'y ganahan 

At araw ko ay mabuhayan


Ika'y binabanggit sa mga kaibigan

Nasa unang kita ko palamang sayo ay nagkaroon na nga ng pagtingin

Kahit na nasa iba ang iyong paningin

Ngunit pinapaalala na lamang ng aking mga kaibigan.


Oo nga pala , hindi pwede maging tayo kase ika'y tinitingala't

ika'y binabati ng lahat

at ako'y isang hamak lamang na mag aaral


na hinihiling na sana sa tuwing ika'y hahawakan

tuwing ika'y titingnan at ngingitian

ay sana hindi lumalabas sa aking mga bibig ang mga salitang habang buhay kong kamumuhian

ang "Goodmorning sir!"




--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------


HI guys! Para ito sa mga katulad kong estudyante na may lihim na pagtingin sa kanilang mga 

guro. 

Starting this day,mag popost ako ng mga bible verses after ng bawat tula.

" I can do all things through CHRIST who strengthens me..." Phillipians 4:13

PoetryWhere stories live. Discover now