Chapter 01 #Sulyap.

37 4 0
                                    


September 15, 2017 unang araw ko sa aking bagong inupahang dormitoryo. Simple lamang ang silid na napili ko, may isang kama, isang couch at isang aparador kung saan maari kong ilagay ang aking mga damit.

"Hi nay, magandang gabi po." bati ko sa isang matandang babae na abala sa paglalaro ng candy crush sa kanyang iPod.

"O iho andito ka na pala, halika at nang maihatid na kita sa iyong silid." Agad s'yang tumayo sa pagkaka upo at naglakad patungo sa akin upang alalayan ako at ituro ang nasabing kwarto na aking inupahan.

"bunene,  halika nga at tulungan mo akong ihatid ang poging ito sa itaas." Napayuko ako at natawa sa aking narinig, natawa ako sa pangalang bunene.

"O sige po 'nay susunod na po" tugon nang nag ngangalang bunene. Sa pag talima nito agad s'yang nagtungo sa aking kinatatayuan.

Nang mga sandaling iyon nagkaroon ako ng pagkakataon na masulyapan ang itsura nang babaeng nag ngangalang bunene, napaisip ako kung bakit bunene ang tawag sa kanya.

"Oy iho" anas ni nanay saling
" bakit bigla ka yatang natula dyan, may problema ba?"

"Ah, wala naman po, sige po akyat na po tayo saan po ba ang kwarto?" Sambit ko.

"Halika at sundan mo ako, ibigay mo ang ibang gamit mo kay bunene at nang di ka mahirapan."
S'ya si nanay saling, ang landlady nang aking inuupahang dormitory.

Agad kaming nagtungo papunta sa aking silid habang kinuha ni bunene ang ilan sa aking dalang gamit upang matulungan ako sa pag bitbit nito paakyat patungo sa aking silid.

"Isa sa mga patakaran ko sa loob ng dormitory ay bawal ang maingay, bawal ang makalat lalong higit na bawal ang walang bayad sa upa." Paalala nya habang kami ay naglalakad patungo sa aking silid. "Kung maliligo ka o dudumi may palikuran sa ikalawang palapag at doon sa unang palapag."

Ang aking kwarto ay nasa ikatlong palapag, kaya nang marating namin ito ganoon nalamang ang aking galak.

"Welcome sa iyong bagong silid." Sambit ni nanay saling pagbukas nya sa pinto ng aking kwarto. Napangiti ako at nagpasalamat nalamang kay nanay saling.

"Iho, ano nga pala ang pangalan mo?" Pahabol nyang tanong.

"Maxwell po pala, Maxwell Bernal."
"O s'ya iho, heto ang iyong susi sa kwarto." Sabay abot nang susi.

Habang inaabot ni nanay saling ang susi sa akin, napasulyap ako sa angking kagandahan ni bunene.

S'ya yung tipo nang babae na imbes na mag ayos sa porma ay okey na ang simple.

"Max iho, kung ano man ang kailangan mo, may tanong o ano pa man. Sadyain mo lang ako sa baba. Kung sakaling wala ako doon hanapin mo lang si bunene, eto nga pala ang aking apong si bunene." Agad na lumapit si bunene at inilahad ang kanyang kamay tanda nang pakikipag kilala, mabilis ko namang inabot ito at nadama ko ang kanyang malambot na palad kasunod nang isang matamis na ngiti.

"Oh s'ya iho mauna na ako. bunene, maiwan ka muna saglit dito at tulungan mo muna si max na ipasok ang gamit nya sa loob ng silid." Tumugon lamang ng pagtango si bunene bilang pag sang ayon.

"Sige po nanay, salamat po." Tugon ko.

Sa pag alis ni nanay saling, dali dali kong binuhat ang aking dalawang maleta na naglalaman nang aking mga damit, sapatos, at iba pang personal na gamit habang bitbit ni bunene ang aking desk fan at dalawang unan na nakalagay sa laundry basket. Nauna na akong pumasok sa aking silid.

"paki lagay mo nalang diyan sa gilid ng kama ang bitbit mo." bulalas ko habang inilalagay ko sa loob ng aparador ang dalawang maleta na dala ko.

"Ah, dito ba?"

" oo dyan nga, ahhm.. bunene thank you nga pala at tinulungan mo ako magbitbit ng gamit ko"

"Ahhm.. Wala yun,"

"Sige okey na yan, ahm baka hinahanap ka na ni nanay saling."

"Ah oo nga, sige mauna na ako,Bye."

"Sige ingat, thank you ulit ha. Bye." lumabas si bunene sa aking silid at marahang sinara ang pinto.

Sa pag pinid ng pinto muli akong napaisip kung bakit bunene ang tawag sa kanya at kung ano nga ba ang tunay nyang pangalan?. Hindi ko namalayan na ako pala ay tulala na sa isang tabi at nang mga sandali ding iyon naisipan ko nalang na matulog na muna at ipagpabukas na lamang ang pag aayos sa aking mga gamit.

Bunene's POV

"Hi nay magandang gabi po" isang hindi pamilyar na boses ang narinig ko dahilan upang itigil ko ang aking pag da-drawing.

Patuloy na nag uusap ang dalawa na aking pinakikiramdaman lamang,,

"bunene,  halika nga at tulungan mo akong ihatid ang poging ito sa itaas." Rinig kong tawag sakin ni nanay saling.

"O sige po 'nay susunod na po." tugon ko, madali akong tumayo at inimis ang aking mga gamit sa pag guhit.

Papalapit pa lamang ako sa kanila nang masulyapan ko ang tinutukoy ni nanay saling na pogi daw. At nang mga sandaling iyon isa lang ang nasaisip ko "gusto ko na sya, char!" 

Sa totoo lang cute s'ya.
may dimple, matangos ang ilong at higit sa lahat mas nagustuhan ko sa kanya yung mga mata nya.. Ang talas kasi ng mata nya kung tumitig,at hindi mo makikitaan ng kahit anong reaksyon.
That's why I like him.. I like mysterious guys. Hehe.

Nag patuloy kami sa pag akyat hanggang maka rating kami sa kanyang magiging kwarto,,at nang patapos na silang mag usap ni nanay saling ay sa wakas ipinakilala nya ako kay Mr. Right, at syempre madali kong inilahad ang aking kamay at mabilis nya namang nakuha ang ibig kong sabihin.

Ohhhh... Shit,, totoo ba ito..,!?
My gosh..... Ang lambot pala ng kamay nya....

Niyuko ko nang kaunti ang aking mukha para hindi nya mapansin ang pamumula ng pisngi ko.

My gosh am dying inside...

Aaminin ko nakakakilig sya.

Wait there's more....

In fairness ang sexy ng name nya ha,
Maxwell.
I love you na talaga Maxwell Bernal.
Ahahahahaha.....

Tuluyan na ngang bumaba si nanay saling at naiwan ako doon para ipasok sa kwarto ang kanyang gamit...
Bitbit ang stand fan at ang laundry basket na may unan, inilagay ko ito nang maayos kung saan nya sinabi.
Di na ako nagtagal at agad din naman akong lumabas at bumaba.

--------------
D_good_badBoy27

Enjoy reading my story and vote!!!

Just FriendsWhere stories live. Discover now