Chapter 02 #Dampi

37 3 0
                                    

Maxwell's POV.

Sunod-sunod na katok ang dahilan upang ako ay magising. Agad akong bumangon at nagtungo sa pintuan upang buksan ito.

Sa aking pagbukas..
"Hi, good morning. Ahm.. Nakaistorbo ba'ko?" Ani bunene.

"Uy ikaw pala, ok lng naman ako. Ikaw, aga mo nagising ah." Tugon ko

"Ah, ok lang naman din ako. eh nakatulog ka ba nang maayos dito?" Sambit nya habang pumapasok sya sa aking kwarto.

"Oo naman" tugon ko.

Sa pagdaan nya sa aking harapan papasok sa aking kwarto,naamoy ko agad ang ginamit niyang pabango.
Ito yung tipo ng pabango na di ka magsasawang amuyin, girl na girl ang amoy. 
Basa at nakalugay ang buhok, marahil ay bagong ligo pa lamang sya.

"Mukhang di ka pa nakapag ayos ng gamit mo ah."

"Ah, oo nga natulog na agad ako, pagod at antok na din kasi ako kagabi."

"Don't worry, mamaya tutulungan kitang mag-ayos." Sabay upo sa kama.

"Naku hwag na nakakahiya naman  kaya ko naman to" Bahagya kong isinara ang pintuan.

Nag tungo ako sa aparador upang kumuha ng damit at short, dahil naka boxer short lamang ako.
"Uy bunene, naku sorry ha at naka boxer lang ako di kasi ako sanay matulog ng may damit at short." Sambit ko habang nagsusuot nang damit at short.

"Anyway, may Wi-Fi ka ba?" Tanong niya.

"Naku wala"

"Gusto mo I connect kita sa Wi-Fi namin dito?" Muli nyang tanong.

"Sure, sige ba." Sabay abot nang cellphone ko.

"Wow, OPPO. Anong unit ito?"
"F3." Sagot ko.

"O heto na, naka-connect ka na. Pero h'wag mo sasabihin na naka-connect ka ha." Sabay abot sa akin ng cp ko.

"Ok."

"Para di ka pagbayarin. May additional charge kasi pag naka-connect ka."

"Ah, ok sige. Thanks."

"Anong thanks, may bayad yun."
Sabay halik sa aking labi.

Aaminin ko, yun ang first time ko na mahalikan ng isang babae, kaya ganoon na lamang ang aking pagkagulat nang dumampi ang mga labi ni bunene sa aking labi.

Tumagal ng five seconds ang paghalik n'ya sa'kin at di ko akalain na ganon s'ya kasarap humalik. Malambot ang mga labi niya. Di ko namalayan na palabas na pala sya nang aking silid.

"Sandali, bunene." Sabay higit sa kanyang mga kamay.

"I love you."

Di ko alam kung bakit ko nasabi yun. Di ko alam kung yun ba ay love at first kiss, ahahahaha. O sadyang nadala lang ako sa paghalik nya sa akin.

At gumanti din ako ng isang halik.

Aminado ako na hindi ako marunong humalik kaya di ko na tinagalan pa ang pag halik sa kanya.

"Sige lalabas na ako. Bye." Aniya  

"Sandali, ano pala ang tunay mong pangalan?" tanong ko habang hawak ko ang kanyang mga kamay.

"Czanelle Trinidad. ."

Marahan akong   bumitiw sa kanyang  kamay at marahan din siyang    lumabas sa  aking silid.
Sa kanyang paglabas tuluyan ko nang isinara ang pinto ng aking kwarto.

Just FriendsWhere stories live. Discover now