Chapter 04 #Tagpo

32 2 0
                                    


Bunene's POV.

"Ate, ate..."

Isang tawag ang gumising sa akin.

Naku alas-otso na pala ng umaga

Madali akong bumangon at sa aking paglabas ng aking kwarto ay nasalubong ko agad si Rose ang aking nakababatang kapatid.

"Ate, ate Kanina pa kita tinatawag."

"O, ang ingay mo nga nagising ako.
Bakit ba? Ano bang meron?"

"Si Asher andyan na sa baba."

Ganuon na lamang ang pagmamadali ko. Kaya nagpunta agad ako sa CR Para maghilamos.

Si Asher, sya yung boyfriend ko. 22 na sya ngayon. 5 years ang tanda sa akin. Nagtatrabaho sa isang pribadong kumpanya.

Sa aking paglabas ay nasalubong ko si Max na halatang bagong gising lang din gaya ko.

"Oy Max, maligo ka na" Sambit ko.

"Ha, bakit?" Tanong nito.

"Aalis na tayo, gigimik tayo di ba."
pag aya ko sa kanya

"Agad-agad,wala pa 'kong almusal."

"Oo, dun na tayo kakain. Geh na ligo na at bihis ka na."

"Ok sige" pagsangayon nito.

Agad akong nagtungo sa baba upang tignan si Asher.

"Bhie" bati ko dito, sabay halik sa pisngi. Umupo ako sa tabi nya at yumakap.

"Ligo ka na, alis tayo."

"San tayo pupunta?" Tanong ko.

"May bagong mall akong nakita sa PRC, sa looban.

"Talaga, sige tara."

"O, edi maligo ka na."

"Bhie, pwede ba nating isama si Max?

"Sinong Max?"

"Yung bagong nangupahan samin dyan sa taas."

"Ah, sige Kala ko naman kung sino."

"I love you"

Sabi ko Sabay halik muli sa kanya.
nang aktong tatayo na ako ay hinigit ako ni asher at gumanti ng halik.. At tuluyan nakong umakyat para maligo.

Nakita ko na katatapos lang ni Max Maligo, kaya paglabas nya ng CR ay agad na akong pumasok para maligo.

Ano kayang magandang isuot.
Hmmmm....

Ah, alam ko na.

Heto...

Sigurado akong di lang si Asher ang mahuhumaling sa ganda ko pag suot ko to...

MAXWELL...
mapapa sa akin ka din...
Sambit ko sa sarili habang  pinag mamasdan sa salamin ang damit na suot ko.

Sa aking pag baba ay nakita kong masayang nag uusap si Asher at Maxwell....

Maxwell's POV.

Ano kayang magandang pormahan ngayon?
Tanong ko sa sarili habang nagsusuot ng brief.

Ah alam ko na,
Hmmm....

eto ayos to..

Black Jogger, white printed shirt, black rubber shoes na low cut. Samahan pa natin ng silver necklace.

Ang pogi mo talaga maxwell...
Sambit ko sa sarili habang nakatingin sa salamin.

Nang matapos na ako ay agad akong bumaba para hintayin si bunene.

"Bunene..." tawag ko habang ako ay nasa pinto nila.

"Ay, ikaw pala. Hintayin mo nalang ako sa baba, andun boyfriend ko."
Tugon nito.

Pababa palang ako ay nakita ko agad ang lalaking tinutukoy ni bunene na kanyang boyfriend.

Nakaupo ito sa sofa, mahaba na hanggang balikat at kulot ang buhok na tila pamilyar sa akin ang pagka kulot ng buhok.

Gayun pa man ay nagpatuloy ako sa pagbaba at dumeretso sa kabilang sofa. Sa aking pag upo ay nakita ko ang itsura ng lalaki na boyfriend ni bubene.

"Asher?"
Anas ko nang may halong pagkagulat.

Napalingon ito sa akin at nag sabi.
"Oy brad, bat andito ka? Long time no see ah,"

"Putik ka, nangupahan ako dito" tugon ko.

"Oh, so you're the one that Cza's telling me."

"And so you are the boyfriend?"

At sabay kaming nagtawanan.

"Anyway, why are you here? I thought you are living with your auntie sa US." Usisa nito.

"Am waiting for my visa, so while waiting I decided to continue teaching sa school here in makati. And since malayo ang bahay ko sa caloocan, dito na ako naghanap ng room para isang ride lang."

"Nice decision."

"How 'bout you how's life?" Usisa ko.

"Well, am happy being in a relationship and so blessed having my career being a CSR."

"That's great, so where are we going?"

"I saw a new mall near at PRC--"

Di pa tapos mag salita si Asher nang biglang dumating si bunene..

"So, mukhang masaya ang usapan nyo." 

At nagtawanan kami ni asher...

"Bakit anong meron?" Takang tanong ni bunene.

"Bhie, si Maxwell at ako magkakilala. Sya yung lagi kong kinukwento sayo na batchmate  ko sa la salle nung college ako." Paliwanag ni Asher.

"Hmmm... So matagal na kayong magkakilala.
Grabeh no ang liit talaga nang earth..." Sabay tawa habang yumayakap kay asher.

"So shall we go? Ahahahah, english yun ha... Ahahaha..." dagdag na sabi nito.

Habang pinagmamasdan ko sina Asher at bunene ay nakaramdam ako nang kung ano na di ko maipaliwanag.

at tuluyan na kaming lumakad.

././././././././././././././././
D_good_badBoy27

Enjoy reading my story and vote!!!






Just FriendsWhere stories live. Discover now