CHAPTER I: FIRST DAY

33 2 1
                                    

MIKHAEL P.O.V

Kamusta Ako nga pala si Mikhael Augustin

Sabi saakin ng mga magulang ko ililipat daw ako sa school na nagngangalang Super University. Ang sabi nila sa akin may especial sa akin, kaya daw nila ako ililipat doon and i'm so excited na malaman kung ano yon!!!

Actually gamer talaga ako wala akong inatupag this summer vacation kundi mag laro ng mag laro ng paborito kong laro sa cellphone ko. But this day is different dahil bukas na ang pinaka hihintay kong araw, ang araw kung kailan papasok na ako sa school na iyon. Ano kayang  meron sa school na iyon? Ano kayang madidiscover ko sa sarili ko? Ang daming mga tanong sa utak ko.

8:00 pm

Finally bukas na yung pasukan namin sa school na iyon. How about mag research  ako about sa school na iyon? Good Idea! Binuksan ko yung laptop ko and nag bukas ng Google Chrome mag tatype pa lng sana ako ng biglang pumasok si mommy sa kwarto ko.

"Anak, kung mag reresearch ka about sa Super Academy wag mo ng ituloy, dahil wala ka ring mapapala sa pag sesearch diyan dahil walang lalabas sa google" Mahinbahon niyang sabi.Like what the? Anong meaning ni mommy na wala akong mapapala?

"Mom what do you mean?" Tanong ko

"Malalaman mo rin bukas sa ngayon kumain ka na muna oh, Ayan ung paborito mong ulam sinigang na baboy!"Natutuwang sabi ni Mommy  at ngumiti na lang ako. Si Mommy talaga oh ang sweet

"Thanks po mom i love you po!" Pagkatpos ay binigyan ko ng matamis na ngiti si Mommy

"Oh anak,  punta ka na lang sa baba pagkatapos mong kumain ha" Pag katapos ngumiti si mommy at bumaba na.

Bumaba na ako and kumain. After kong maubos yung kinain ko ay bumaba ako para hugasan yung plato ko at mag toothbrush. Huhugasan ko na sana ng biglang
"Sir Mikhael ako na po diyan mag toothbrush na po kayo" Nagulat ako dun ah. Nalimutan kong may yaya nga pala kami. Pagkatapos ko mag toothbrush ay umakyat na ako sa kwarto ipipikit ko na sana ang mata ko ng biglang...

"Anak good night sweet dreams love you!" at may nalalaman pang flying kiss si mommy

"Mom!" Sigaw ko at tumawa na lang siya "Sige mom love you too po bye" at nag flying kiss din ako.

***

6:00 am

       *ALARM BEEP*

Ang sarap ng tulog ko grabe. Ngayon na yung araw na pinakahihintay ko ang first day ng new school ko! Ano kaya ang matutuklasan ko sa sarili ko? Ano kaya ang especial sa akin? Sa araw na to ay lalong dumami ang tanong ko sa utak ko.

7:30 am

Naka ready na ako sa pag pasok nakakain na ako check! Naligo na check! Nag toothbrush na check! Naka ready na lahat hinihintay ko na lng sila mommy at daddy na pumasok sa kwarto ko dahil sabi nila ay hintayin ko  daw sila. After ng ilang minutong pag hihintay ay pumasok na sila na may kasamang malaking salamin! Huh para saan iyon?

"Anak dito ang daan sa new school mo portal ito papunta doon!" Sabi ni daddy. Huh anong nakain nila mommy at daddy at bigla silang nag ka ganyan? Lumapit ako sa malaking salamin ang nakikita ko lng ay ang repleksyon namin. Napabuntong hininga na lang si mommy.

"Anak hawakan mo ang salamin" Sabi ni mommy. Hinawakan ko nga nagulat na lang ako ng wala akong makapa nananaginip ba ako?

"Mom sampalin mo nga ako baka nananaginip lang ako?" Sinampal nga ako ni mommy ng napaka lakas!

"Aray! ang sakit!"
"Sabi mo sampalin kita kaya ayan natural masakit talaga yan" Pagkatapos ay tumawa na lng kaming tatlo

"Oh siya baka ma late pa tayo!" Sabi ni daddy shocks oo nga pala! Kaya nga pala kami nasa tapat ng malaking salamin.

"Oh sige na tara na nga!" sabi naman ni mommy at bigla kaming pumasok sa loob ng salamin.

8:00 am

Pagkapasok ko nagulat na lang ako dahil mala palasyo ang bumungad sa akin ang laki niya at ang lawak may mga puting ibon na nalipad pagkatapos ay may mga estudyante rin na nalabas mula sa portal na pinasukan namin yung iba natulala na rin dahil sa ganda at yung iba naman ay parang wala lng. Para bang normal lang sa kanila yung ganoong iskwelahan.
"Anak! Pumunta ka doon naandoon ang bulletin board oh!" Nagulat na lang ako ng biglang sumigaw si daddy. Pagkatapos ay pumunta ako sa itinuro ni daddy na bulletin board. Grabe ang daming istudyanteng gustong malaman kung saang section nila. Ako naman, hinahanap ko rin ang section ko. Pahirapan ang paghahanap dahil sa dami ng estudyanteng naka palibot sa akin at nag sisiksikan.

After a while ay nahanap ko rin ang section ko pero ang hirap basahin dagdag pasakit ng ulo siksikan na tapos sumabay pa to ano ba yan! Ano daw name? 7... 7... uuugh ang hirap basahin 7... Igni... Ignitius... fra... ano bayan! 7 ignitius frankli ano? aaaah franklicatus ayun! Nasa room number 25! Pagkatapos ay umalis ako kaagad at tumakbo para hanapin iyon!

***

Habang tummatakbo ay may nakabangan akong isang babae

"Aray! S-Sorry po ate""Aaaaah!H-Hindi ok lang iyon kuya tutulungan na kitang tumayo"
"Ay hindi po ok lng po iyon ako na lng po ang tatayo nakakahiya po eh ako po yung lalaki tapos ikaw pa po yung tutulong saakin" Nahihiya kong sabi.
"HIndi ok lng iyon halika na tutulungan na kitang tumayo at please wag ka ng mag po ng mag po sa akin mukha namang magkasing edad lang tayo eh" Medyo naiinis niyang sabi. Pagkatapos ay iniabot ko ang kamay ko sa kamay niya at tumayo.

"Salamat ate! Ano nga pala ang pangalan mo?""Ako nga pala si Tori Kinsley! Eh ikaw ano pangalan mo?""Ah ako nga pala si Mikhael Augustin! New student lang ako sa school na ito""Ahhh Halata naman eh" Pagkatapos ay tumunog ang bell ng school "Sh* t! Class time na anong section mo Mikhael?""7 Ignitius Franklicatus!""Oh eh mag kaklase pala tayo eh! Tara na!" Pagkatapos ay hinila niya ako patakbo. 

Pag dating namin sa room nag hanap agad kami ng mauupuan. "Ayun oh! Tamang tama sa unahan!" Pagkatpos ay hinila niya ulit ako pa punta sa upuan na iyon. Pagkaupo namin ay nag tanong agad ako "Tori anong meron dito na wala sa ibang school?" Pagkatapos niyang marinig iyon ay bigla na lamang siya natahimik.

After ng ilang minuto niyang pananahimik. "So wala ka talagang alam hindi ba sinabi sayo ng paents mo?"
"Hindi eh ang sabi nila may especial daw saakin kaya daw dito nila ako pinag aral"
"Like what the?!"
"Bakit?"
"Teka hayaan mo muna akong mag isip isip ok?"
"Ok sige!"

SUPER UNIVERSITY (ON GOING)Where stories live. Discover now