CHAPTER 1: Meet Aby and the Montreal Family
ABYGAEL'S POV
"Wake up! Wake up! Good morning, Ate!"
Ginising ako ni Accel with an excited smile dahil first day of classes ngayon. It's 5:30am. Ugh.
Ginising niya na din sila ate na katabi kong natulog.
Bumangon na ko and checked myself sa mirror. I smiled at myself.
"Hello! It's a brand new day~~" Napakanta pa ko ng song ng commercial ng Mcdo. HAHAHAHA! I decided to take a bath.
Magpapakilala pala muna ako sa inyo bago ang lahat.
Hi! I'm Abygael Xiara Montreal. 5th among the Montreal siblings. That's right. Fifth. Dahil eight kami :) Ang saya diba? Incoming grade 9 or 3rd year. First batch ng K-12 eh. Sucks.
Describe myself? Hmmmm. Pang-slam book question, easy to answer. Medyo payat, 5"3 ang height, matangos ang ilong, maputi, hindi singkit or malaki mata, just right with light brown as its color. Overall, maganda. Please, walang aangal.
Family? Di naman kami yung mayamang-mayaman but enough na. My father, Sander Montreal, is a doctor-slash-general surgeon, and my mom, Alice Montreal, is the head nurse in a well-known hospital. So obviously, may sources of income naman kami. We also have a clinic of our own.
As I've said, walo kaming magkakapatid. Iisa-isahin ko lang ang siblings ko sa inyo and good luck na lang sa pagtanda ng names.
So first, Amanda Xylene (Saylin) Montreal. 23y/o, 7yrs na as college student. Graduate ng 2 courses related to medicine. Napaka-humble na tao. Stays calm as possible.
Second, Athena Xydney (Sidni) Montreal or Ate Athena. 19y/o, 3yrs ng college, midwifery as course. Favorite sister ko yan kasi nakakapag-open up ako sa kanya. Ayaw na may naaagrabyado sa amin.
Third, Alexandria Xena (Shena) Montreal or Ate Alex. Turning 18y/o. 2nd yr. college, biology as course. Known as Ms. Sungit pero mabait yan at selfie buddie ko.
Fourth, Arden Xeth (Seth) Montreal or Kuya Ards. Panganay sa boys, 17y/o. Freshman college dentistry student. My only kuya. Kwela. Mana kay daddy.
Sila ang first half sa amin and all of them are college students. Meaning, not every one of the Montreal siblings are always home. May condo unit na pinapag-stay-an sila sa Manila pero umuuwi sila kapag may free time. Lahat ng courses na tine-take up nila ay related sa medicine kasi we want to follow our father's footsteps.
Let's continue. So fifth, ang pinakamaganda sa lahat which is undeniably Abygael (Abigeyl) Xiara (Shara) Montreal. In short, ako.
Sixth, Audrey Xophie (Sowfi) Montreal. 13y/o, freshie highschool. I dunno kung bakit madalas kong napag-iinitan pero mabait siya.
Seventh, Althea Xylie (Sayli) Montreal. 11y/o, grade 5. The most pasaway at maldita sa lahat pero caring.
Lastly, Accel (Aksel) Xandre (Sandrey) Montreal. 10y/o, grade 4, bunsong baby boy. Well, he's sweet.
Weird names right? 'A' from my mom's name and 'X' para daw unique sabi ni daddy. Daming cheber.
Kahit madami kami, never namin kalimutan ang pagbo-bonding together. Super mahal na mahal namin ang isa't isa kahit hindi namin binabanggit yun.
Lagi lang naming bonding time ang pagmo-movie marathon-slash-MoMa. Kaya pag complete attendance kami, lagi kaming nasa sala.
Well, para sakin kasi, family ang pinaka-importante sa lahat.
BINABASA MO ANG
What the Hell?!?
Novela JuvenilSimple girl, simple family, simple life. HELL FREAKIN' NO! Abygael Xiara Montreal would die to have those. Alam niyo kung bakit? . . . . . . . . . . . . Why should I tell you? WHAT THE HELL?!?